*~Chapter 37~*

7 0 0
                                    

~Heyshell's POV~

Nakakainis naman tong mga taperware na to! Naiirita ako sa mga ganyan eh! Pano ba naman yung lalagyanan ng plato halos puro taperware na laman, its not like ginagamit lagi yang mga yan!

"Lola tapos na po!"

"Tara dito mag almusal tayo tapos na din ako mag luto at oo nga pala nan dito si Angelic kakarating lang."

"Mabuti naman at buhay ka pa." Sabi nya sabay kain ng sinangag at ng bacon with egg.

"Wag kang mag alala mamamatay lang ako pag patay ka na."

"Ayan nanaman kayong dalawa tumigil nga kayo." Saway samin ni Lola at nag kuwento nalang.

"Lola tambay lang kami sa kuwarto ko ahhh!" Sabi ko at umakyat na sa second floor.

"Ano oras tayo babalik sa University?" Tanong ko pero di sya sumagot derederetso lang sa computer ko malapit sa bintana.

"May sasabihin ako sayo about kay Sir or Cage."

Nag bago expression at nararamdaman ko ngayon at na alalang wala na nga pala si Cage.

"So nong araw na tinangay ka ng mga kalaban naparusahan ako ni Madam at malamang nawalan ako ng malay at pag gising ko naka balik na kami ng University. Sinabi din sakin ng doctor na mag stay pa daw doon ng isang araw, at dahil mabait ako tumakas ako at pumunta sa office ni Cage tinignan ko mga gamit nya kung may iniwan man syang mahalagang bagay, and kung swineswerte ba naman ako nakita ko tong USB and mukhang alam na nya na mangyayari yung araw na yon kaya nag iwan na sya ng USB. Tinignan ko yung Laman ng USB, nan doon lahat information about sakan nya at mga nalalaman nya sa Dark City."

"Sya si Cage Brome taga Dark city sya and kasing edad lang natin sya. Ang sabi dito, sya ang Rank 1 sa overall Academics and training kaya sya ang pina punta dito sa lugar natin. Ang mission naman nya ay mag spy sa gobyerno lalo na sa council, Guardians at president."

"Edi pano sya napunta sa University?"

"Ayun na nga, nalaman ng Council ang tungkol sa propesiya at nalaman na nan doon sa school natin, kaya si Cage ang pina dala nila para mag masid doon."

"Parang tulad lang kay Zoe pero pinag kaiba nasa gobyerno talaga loyalty nya hindi sa kalaban."sani ko at napatango naman sya.

"Balak ka talagang itakas ni Cage at dalhin sa Dark city pero mukhang napalapit loob nya sayo at piniling ilayo ka sa Dark city."

"Ano pa ayun lang sabi nya?" Tanong ko.

"Hindi, naka sulat din dito  na hindi lang sya ang taga Dark city ang nakapasok doon,"

"Sino naman yan?" Tanong ko at tinitigan nya muna ako bago sumagot.

"Si Nikole, sabi din dito na sya yung isa pang tao na tinutukoy sa propesiya, pinadala daw sya sa University para bantayan ka, dahil siguro nasa Propesiya ka..." May sinabi pang iba si Angelic pero di ko na masyadong naintindihan dahil lumipad na utak ko.

Gusto kong sakalin ngayon si Nikole kaso di ko magawa dahil may plano pa akong dapat gawin. Nakakairita ang sarap manampal ng traydor ngayon ahh.

"So ayun lang, by the way ano pala sinabi sayo ni Cage bago sya mawala. And advance sorry na kung masasaktan kita pag inalala mo."

"Thanks for the memories.... Goodbye and thank you.... I love you Rose..yung sabi nya."

~flashback~

Bago mag simula ang Closing party nakipag kita ako kay sir sa back stage para umamin sa nararamdaman ko.

"Oh Rose bakit mo nga pala ako pinapunta dito?" Tanong jya sakin.

"Sir may sasabihin po ako sayo." Naka yukong sabi ko.

Bwisit kinakabahan ako!

"Ano yun?"

"S-sir Gusto po kita." Bwisit di talaga ako makatingin sa mukha nya!

"What?"

Kaylangan ko pa ba talagang ulitin? Nahihiya na ako ah!

"Paki ulit nga Rose."
Tumingin ako sa mata nya at huminga muna.

"Sir Gusto po kita not as a Teacher but as you As in may gusto ako sayo." Mabilis na sabi ko at yumuko ule.
Nahihiya  at na nginginig na tuhod ko ngayon!pinatong nya kamay nya sa kanang balikat ko at pinatingala ako kaya mag katinginan kami ngayon.

"Rose Gusto din kita.." nagulat at natuwa ako sa sinabi nya pero biglang nagbago yun." But as a Student lang, gustohin man kita bilang ikaw and not as a Student hindi puwede. I know na mas makakahanap ka pa na mas better kaya sorry." Nakangiting sabi nya.

"Okay lang sir." Naka ngiti kong sabi at umalis na din.

Bwisit ang sakit non ah.. pero siguro tama sya makakahanap pa naman ako ng mas better sakanya and paniguradong puwede na kami sa isa't isa.

~end of Flashback~

"Wait lang ha.. bakit nag I love you sayo si Cage? Kayo na ba non?"tanong nya.

"Nindi, at hindi ko din alam yung dahilan kasi ang pag kaka alam ko ni-reject  ako non k-"

"What the? WAIT! HAHAHHAHA ANG ISANG ROSE SPERANZA REJECTED? HAHAHAHA. I can't, ang alam ko ang Rose Speranza ang nag re-reject ngayon sya naman ang na reject? Nawawala na ata ang charm mo."

"Tumigil ka nga Angelic ang seryoso ng usapan tapos mang aasar ka? Palibhasa Hindi pinapansin ng Crush hindi pa maka amin. Tsk WEAK!"

"Tsk, so ano na plano mo?"

"Plano kitang patayin."

"Umayos ka nga Rose."

"Balak kong humalik sa Dark city at mag panggap na lahat ng gusto nila susundin ko." Seryosong sabi ko kay Angelic.

"Bakit mo naman naisipan yan?"

"Angelic paniguradong malapit na ang digmaan or War chu-chuness na yan,at obvious naman na mas malakas ang Dark city kasi tignan mo hanggang ngayon buhay padin yang City na yan. Kaya balak kong mag stay ng mga 2 weeks para malaman kung pano sila nag tra-training para pag balik ko ako mismo ang tra-train sakanila." Sabi ko sakan nya.

"Pano mo naman nasabi na mag kakaroon ng Gera?"

"Duhh kadalasan pag may propesiya tapos nalaman ng bida at ng kalaban na sya yung nan doon, war na yung kasunod. Tsk Angelic mag basa ka nga nang gigil ako sayo ah."

"Hmmm.. sasama ako sayo Rose masyadong delikado pag ikaw lang, gagawa ako ng paraan para makapasok ako at para mag back up ka kung may mangyari."

"Ok so tara na balik na tayo dark city, by the way iibahin mo ba itsura mo?" Tanong ko kay Angelic ng pababa na kami ng kuwarto.

"Oo, mag kukunwari akong lalake." Sabi nya derederetso lang sa pintuan ng bahay.

"Bakit lalake? Umamin ka nga Tibo ka ba?"

"Wag ka ngang tanga Rose, pag nag kunwari akong nerd na babae doon panigurado pag tri-tripan ako doon, pag ka normal na babae naman pag tri-tripan din ako malamang, kaya mag ku-kunwaring lalake ako mas safe pa ako." Sabi nya.

"Lola aalis na po kami babye po!" Sigaw ko at nag beso kay lola pati si Angelic ng beso.

"Edi ibig sabihin non matutulog kasama ang lalake, pag papasok ka ng Cr kailangan double lock mamaya pag pasok nila doon ng hindi kumakatok maabutan ka nila naliligo,edi wala na expose na." Sabi ko.

"Oo nga nohh.. nahh ako na bahala doon kaya ko na sarili ko." Sabi nya.

"Ok sabi mo yan ah."

~*~

To be continued...

Dream UniversityWhere stories live. Discover now