~Heyshell's POV~
"ROSEE!!" Na patingin ako sa taas dahil doon ko narinig yung sigaw.
Nagulat nalang ako ng makita ko si Angelic tumalon muna sa rooftop tapos inatake ako ng wind slice nya at ng wind Force kaya tumalsik ako mapunta sa kung saan.
"Did not see that coming." Tumayo ako at pinag pagan yung sarili ko.
"Ang ganda ng pag welcome back mo sakin Angelic." Sabi ko.
"NAKAKAINIS KA! ANG SABI MO AFTER 3 DAYS KA BABALIK! PERO ANO? AFTER 1 WEEK PA PALA SUMOBRA PA NGA NG DALAWANG ARAW EH! BUTI NALANG SINABI KO KAILA MADAM NA 1 WEEK KASI KUNG HINDI MAPAPARUSAHAN NANAMAN AKO SAYO!" Gigil na sya nyan?
" puwede ba tabi ka muna may kakausapin ako, ingay ingay tapos naka harang pa." Lumapit ako kay Nikole. Gumawa ako ng Barrier at ginawang soundproof.
"Ano nabilog mo na ba ang mga kasama namin? Nikole Mizery?"
"A-anong bang sinasabi mo Rose? Hindi ko maintindihan."
"Oh dont play dumb, maslalo lang akong naiinis sayo." Sabi ko at kwinelyuhan sya.
"Hmmm HAHAHAHA So alam mo na, took you long enough, inaasahan kong mapansin mo agad na isa ako sa mga masasama pero, wow di ko inexpect na aabutin ka ng ilang months bago malaman na ako yun."
Sinakal ko sya at tinignan ng masama.
Nanggagalaiti ako! Dahil sya ang dahilan kung bakit namatay sya, sya at ng kakampi nya ang dahilan kung vakit nawala si Cage ang taong gusto ko. Ang taong minahal ko. At gustong gusto ko na syang patayin ang kaso, ayoko, dahil gusto ko sa mismong gera ko sila patayin."Rose what are you doing!? ibaba mo sya!"
"Rose itigil mo yan isa!"
"Rose!!"
Tinig kong sigaw nila Kriza mula sa labas ng Barrier.
"Halos lahat pala sila na paikot mo na tsk, di ko inaasahan na ganon sila kadaling maloko."sabi ko habang nakatingin kayla Kriza pero sakal sakal padin si Nikole.
"I know right?! HAHAHA pero bakit nagulat ka pa? Eh pare pareho lang naman kayong mahihina kaya napaikot ko." Mas hibigpitan ko yung sakal ko sakan nya pero mukhang walang talab ah.
"And by the way Rose nasaakin ang tiwala ng mga yan, dahil ako ang nakasama nila nung wala ka, ako yung naging daan nila para makalimutan ka kaya paniguradong mas kakampi sila sakin kesa sayo, and knowing them madali silang mapaikot, kaya basic nalang yan sakin, HAHAHAH." Sa sobrang inis binato ko sya sa isang puno at tumama ang likod nya doon.
"Time to act." Rinig ko pang sabi ni Nikole bago mag iyak at inarte doon.
"Aray! Rose bakit mo ako ginanon? May ginawa ba akong mali?"
Wow ang galing nya talagang umarte.
"ROSE WHY DID YOU DO THAT?! ANONG GINAWA NYA SAYO? DIBA NAGKAIBIGAN KAYO BAKIT BIGLA BIGLA KO NALANG SYA SINASAKTAN! NASISIRAAN KA NA BA HA? IKAW PA BA YAN ROSE O IBANG ROSE NA!" Sigaw sakin ni Kriza at nilapitan si Nikole na umiiyak.
"Tsk Drama. Nikole remember this, babawiin ko sila."
"May sasabihin din ako Nikole, di ko inakala na ikaw pala yun, I should have known better, ang galing mong umarte at mang plastic, and I'm proud kasi may mas malala pa pala sakin HAHAHA, Tara na Rose lets not waste time talking with trash." Kumapit sa braso ko si Angelic at taas noong nag lakad kami paalis.
Huh akala nya ha! Gaganti ako at babawiin ko yan sila Kriza, kahit na iinis ako sakan nya babawiin ko padin, nakaka awa naman pinapaikot na ni Nikole eh.
"Ano kamo? Talking with trash? Aba Rose gusto ko atang masampulan ng init ng ulo ko ngayon! Hali ka dito mag laban tayo! Ano, bakit hindi ka lumapit? Naduduwag ka na ba Rose?!"
Hinarap ko sya at nakitang na mumula na sa galit."Hindi ako na duduwag, sadyang may mas importatnte pa akong kailangang harapin, kesa sa hamon mo na laban." Sabi ko at niyayang mag teleport.
Kung iniisip nyo kung ano pinag kaiba bg teleport sa travel well sigee ipapaliwanag ko.
Ang pag travel ay ang pagiging isang element mo, kunwari air ang hawak mong kapangyarihan, magiging isang air ka tapos puwede ka ng pumunta sa pupuntahan mo, without someone noticing you. Kung baga para mas magets nyo, Para ka lang lumilipad papunta sa pupuntahan mo pero mas mabilis, tapos magiging element ka and walang makakakita sayo. Pero puwede parin maramdaman yung prisensya mo.
Ang pag kakaiba naman ng teleport sa travel. Ang teleport hindi ka magiging Element, tapos pag inisip mo kung saan mo Gusto, ma punta mapupunta ka kaagad doon ng hindi nila na raramdaman presence.
Ang kaso lang pagka Hindi ka ganon kagaling mag Teleport puwedeng maramdaman parin ng kalaban mo yung presence mo.
Saglit lang ay nakarating na aagad kami sa isang building kung saan na doon mga kuwarto namin.
"Hey, pupunta na ba tayo agad kay Madam? O kay Miss Fiona muna?" Tanong ni Angelic sakin.
"Mag papahinga muna ako, and after that pupunta na ako kay Miss Fiona tapos ikaw nalang mag isa pumunta kay Madam tutal mission mo naman yun di ako kasala, kaya di ko na kailangan sumama sayo." Sabi ko at Napa simangot sya.
"Rose! Samahan mo ako kay Madam! Alam ko namang takot na ako doon matapos nya akong parusahan eh!"
"Not my problem, tyaka diba matapang ka? Bakit Kay Madam palang takot ka na." Sabi ko.
"Rose alam mo naman mga kayang gawin ni Madam kaya arghhh please lang samahan mo ko!"
"Kung sasama ako sayo sa tingin mo may mag babago ba? Diba mapapagalitan ka parin kasi late ako dumating, kahit sinabi mo ng one week."
"Oo merong mag babago, medyo hindi magagalit ng sobra si Madam kasi nakabalik ka na."
Ang kulit naman sisipain ko na to.
"Kaya mo na yan Angelic, matapang na tao ka, si Madam lang yan. Tandaan mo kaya mo yan ah. Fighting!" Sabi ko at pumasok na sa kuwarto namin nila kuya, si Angelic sa taas pa yung Kuwarto nya kaya aakyat pa yun.
"A-ate? Ikaw ba yan? KUYA JHER! ATE ROSE IS HEREE!!" sigaw ni Hannie ng maka pasok na ako sa pinaka room namin.
"My gosh Rose saan ka nggaling? Alam mo bang sobrang nag alala kami sayo? Lalo na sila mama at papa, pinuntahan pa nga yung principal natin eh! Nag rereklamo!" Sabi Kuya Jher at tinignan ako sabay sakap sakin pati si Hannie.
"Buti naman ok ka lang Rose."
"Kaya nga Ate Rose we were so worried about you!"
"Mag pahinga ka muna, tapos tatawagan namin sila Mama tyaka Papa para malaman nilang naka balik ka na." Tumango nalang ako, nag bihis at natulog na din.
~*~
To be continued...
YOU ARE READING
Dream University
FantasyAng muling pag bubukas ng panibagong propesiya ay syang pagka panganak ng dalawang sanggol, sa sabay na Taon, Araw, at oras. Magiging matalik na magkaybigan ang dalawa. Ngunit dadating ang panahon na isa sakanila ay sasakupin ng kasamaan at kadilima...