~Heyshell's POV~
Nasa office kami ngayon ng Tatay ni Tender may kasama kaming tatlong lalake na di ko kilala.
"Buti naman at maaga kayo naka dating, wala kasi ako mamaya. So eto di ko na papatagalin, gusto kong manggulo kayo sa Dream University."
"Huh? Why?" Tanong ni Tender.
"Para malaman nila na hindi tayo basta bastang kalaban, sabi kasi ni Nikole sakin na walang ginagawang matinding training o pag hahanda yung Dream University at yung gobyerno, sa ginagawa nilang yun parang minamaliit nila ang kakayahan natin, kaya gusto kong pumunta kayo doon at manggulo, ipakita nyo kung sino ang malakas at magaling. Pero eto ang tandaan nyo, wag na wag kayong mag papahuli sa mga yan, at kung sakali mang may mahuli talaga, wag kayong mag sasalita, kahit anong mangyari kahit buhay nyo pa kapalit, tandaan nyo hindi yan basta sikreto na puwedeng ipag sabi sa iba, sikreto yan ng buong Dark city. Puwede na kayong umalis makikipag kita pa ako sa isang importanteng tao." Sabi ni King at kami naman tumayo na at lumabas ng office nya.
"Ngayon ba natin pupuntahan? Tinatamad pa ako eh." Sabi ng kasama namin.
"Ngayon na para mamaya dere-deretso na yung pahinga natin." Sabi ni Tender.
"Rose! Think fast." Tumingin ako sa likod ko at nag bato bigla sakin yung isang lalake ng Earth daggers.
"Shete!" Mabilis at natatarantang umiwas ako pero nadulas ako, buti nalang nag teleport ako at para maka ganti nag teleport ako sa likod nya tinulak ko sya at gumawa ng light hole. Doon sa light hole na yun makukulong sya at hihigupin yung lakas nya, kung hindi ko kayang ma kontrol ng maayos yun makakalabas lang sya pag drain na drain na yubg energy nya.
Pero dahil magaling ako kaya ko ng macontrol yan. Ang kaso lang pag lumagpas sa sampu yung naka kulong doon pati yung energy ko mahihigop nya rin yun. Pag naubos na din energy ko baka sumabog yun.
"Stop it Rose natalo mo na sya pakawalan mo na." Sabi ni Tender at sinunod ko nalang.
Lumutang Yung kalaban ko mula sa Light hole tapos napaupo nalang dahil medyo ng hihina ata.
"Kaya sya kasama kasi malakas sya, sa totoo nga kaya nya ata tayo talunin isa isa." Sabi ni Tender at umalis na din.
~Angelic's POV~
Yung babaeng yun! Buti nalang sinabi ko na 1 week kung sinabi kong 3 days baka naparusahan nanaman ako na kakainis talaga!
"Ang sabi nya after 3 days pero week na wala pa din! Napa ka ARGHHH!!! MASASABUNUTAN KO TALAGA YAN SI ROSE!!" Napa hampas ng malakas yung kamay ko sa lamesa na pinag kakainan namin at nagulat naman yung iba.
"Problema nanaman nitong babaeng to kung hindi lang ako gutom baka inaway ko na to, tsk food always comes first." Basa ko sa isip ni Kriza.
"Ohh chill kumukulo nanaman dugo mo."
"Panong hindi kukulo dugo ko eh-"
Napa kapit ako sa lamesa dahil yumanig yung lupa at sabay sabay kaming tumingin kay Tan.
"Sa Harap ng school ko naramdaman na may umatake." Sabi ni Tan at sabay sabay sila tumakbo sa harapan ng School, ako naman Sa Rooftop para kung sakaling makita ko si Rose na kasama sa mga umatake, tatalon ako at ako mismo kakalaban sa bwisit na babaeng yan.
NAKO ROSE SPERANZA PAG NAKITA TALAGA KITA NGAYON MASASAKAL KITA! BUTI NALANG 1 WEEK YUNG SINABI KO KAY MADAM KUNG HINDI HANGGANG NGAYON PINAPARUSAHAN PA AKO NI MADAM!ARGHH! Na iinis talaga ako! Pag nakita kita Rose tandaan mo na masasampulan ka, ng galit ng isang Black! Arghh!
Naka rating na ako sa taas at hinahanap nalang si Rose.
Actually nakita ko lima silang naka black cloak at sigurado akong Isa sakanila si Rose nararamdaman ko Presensya nya ngayon.
Di naman nag tagal narakarating na din mga kasama ko kanina.
Nag uusap sila pero di ko marinig basta after non nag laban na sila. Yung isang nasa gitna ang unag umatake sumunod yung tatlo pa hababg yung isa naka tayo lang sa likod at pinapanood silang mag laban.
Lumapit sya sa isa nyang kakampi at nagulat nalang ako ng puluputan nya ng light rope tapos kinulong sa isang light jail. Yung tatlong natira pa mukhang hindi napansin yung nagyari at patuloy patin sa laban.
Panigurado akong si Rose yung may gawa non sa kakampi nya. tsk ngayon na siguro babalik.
Nilapitan naman nya yung isa at sinuntok sa likod nadapa sya, si Rose naman di pa na kuntento nag labas ng light bolt at pinaulanan yun, ng hina sya at pinasok din ni Rose sa kulungan.
This time mukhang aware na yung dalawa at imbis na sila Tan ang kalabanin si Rose na ang kinalaban nila.
Sabay na umatake yung dalawa, as in sabay na sabay pati ung klase ng atake at suntok na ginagawa nila parehan na parehas. Si Rose naman hindi nya mahilagan dahil tuwing iilag sya sa kabila yung isa naman yung makaka tama sakan nya.
Tumalon sya ng mataas at lumanding sa lugar kung saan malayo sa kalaban nya.
Nag clow sya ng sarili nya at sabay din na umatake sa kalaban. Nag labas sya ng whip na may torns at sabay nilang hinahampas sa kalaban. Yung kalaban naman hindi na maka atake ng maayos dahil sa whip.
Tumigil si Rose sa atake at lumayo, pinaalis nya na yung clown nya at tinaas ang kanang kamay. Nag bigkas sya ng kung ano ano at may lumabas na isang light dragon at inatake naman yung dalawa. Ng maka ataka na pinag laho na ni Rose yun at
Isa sa dalawa nyang kalaban ay wala ng malay habang yung isa ay nakatayo padin ng maayos at mukhang hindi manlang sya napagod.May kung anong force ang tumulak kay Rose at tumalsik sya sa malayo. Kasabay non ang pag kawala ng mga kalaban nya.
Tumayo si Rose mula doon sa pinag talsikan nya at lumapit kaila Tan, at mukhang eto na ang oras para masampulan ko si Rose.
Tumalon ako mula sa Rooftop, " ROSEEE!!!" Sigaw ko at sinalubong si Rose ng wind slice ko at ng wind force.
~*~
To be continued...
YOU ARE READING
Dream University
FantasyAng muling pag bubukas ng panibagong propesiya ay syang pagka panganak ng dalawang sanggol, sa sabay na Taon, Araw, at oras. Magiging matalik na magkaybigan ang dalawa. Ngunit dadating ang panahon na isa sakanila ay sasakupin ng kasamaan at kadilima...