*~Chapter 15~*

8 0 0
                                    

~Heyshell's POV~

Nasa Classroom ako ngayon nakikipag harutan kay Nik.

" Eto ang lapitin mo sa disgrasya!"

"AHAHHAHA I know right?!" Binatukan nya ako at tinignan ng masama.

"Seryoso ako tatlong beses ka nang na di-disgasya. Mamaya matuluyan ka na nyan ah. Charot lang." Kumatok sya ng tatlong beses sa lamesa na gawa sa kahoy.

Habang nag ku-kwentuhan kame ni Nik bigla namang pumasok si Wazer at si Zoe. Mukhang di pa sila okey.

Lumipas ang mga araw at mukhang di na talaga mag kakaayos yung dalawa. Ayaw ko namang makielam kase problema na nila yun, mamaya madamay pa ako.

"Ano kaya pinag awayan nila? Parang malake eh kasi natitiis ni Wazer na di pansinin si Zoe ng ilang linggo." Sabi ni Tan na bigla nalang sumulpot doon sa isang bakanteng upuan sa gawi ni Nik.

"Kaya nga ano kaya sa tingin mo Rose?" Nakatingin si Nik kayla Zoe at Wazer habang bag tatanong.

"Malalaman nyo din yan." Sagot ko sakan nya.

"Maka sagot ka parang may nalalaman ka ah. Sabihin mo may nalalaman ka ba?" Tanong ni Ash na sumulpot din sa harapan ko.

"Ahh wala akong nalalaman?"

"Mukhang meron nga talaga kuwento mo na yan." Sulpot din ni Kriza sa tabi ni Ash.

"Masyadong personal wag na." Nag cross arms si Kriza at tinaasan ako ng kilay.

"Masyadong personal pala ah bakit nya sinabi sayo? Kung ako sya maiilang ako." Puwede ko nabang sabunutan si Kriza? Puwede ba kameng mag kalbuhan?

"Fine! Ganto kase yan..." Kwinento ko na sakanila yung buong ngyare at napa wehh nalang sila sa nangyare.

"Pero tama nama din kase si Coco dapat sinabi nya ng masmaaga para di na masaktan ng sobra si Wazer." Sabi ni Kriza.

"Pero atleast minahal nya din talaga si Wazer, di sya tulad ng iba na may kaylangan sakan nya kaya sya gusto." Napatango nalang ako sa sinabi ni Tan.

May point sila ahh atleast bago nya makilala si Coco minahal nya talaga si Wazer.

"Pero mabuti pa atin atin nalang to wag nadin tayo makielam sakanila baka madamay tayo." Sabi naman ni Ash na may lollipop.

"At bakit ba ang tagal naman ng next subject natin? Kanina pa yan ah walang pumapasok." Sabi ni Nik at nag basa nalang.

Hilig nya yan ehh nohh mag basa pag wala ng mapag usapan o walang magawa.

*~*

~Miss Fatima's POV~

Oras na para isagawa yung spell.

Madami ng nasasaktan na studyante dahil ang daming nakakapasok.

Nakakapag taka naman kase pano sila nakakapasok? Ang lakas lakas pa ng barrier ng school nakakapasok pa rin sila.

"Let get ready teachers."

Nakalutang kame sa ere kaya tanaw dito ang buong school o University.

Nakapabilog kame at yung kamay ay nasa gitna.

"Repeat after me." Sabi ng Miss Fiona.

"I state your name."

"I Offer my powers,"

"For the Safety of all dreamers."

"Use my water to see the bad and good blood." Lahat ng mga water mage nag salita.

Dream UniversityWhere stories live. Discover now