Chapter 2

3.3K 61 2
                                    

-Virgo Meet Taurus

Chapter 2

Pagkatapos ng nakapabigat na araw ay umalis na ako ng classroom namin at diretso na sa part-time-job ko.

Well, araw-araw akong may part-time-job at araw-araw din akong sinasahudan ng tama lang.

Wala din kaming naging usapan ni Queen. Tumabi lang siya sa bakanteng upuan sa tabi ko, matagal na kasing bakante ‘yung katabi ko simula nang mag transfer sa ibang school ‘yung former seatmate ko.

Kaya bagong student siya sa University na ito.

‘Di ko na din tinanong kung paano niya ako nakilala, pero may ideya ako na baka dahil sa ID ko kaya niya nalaman. Siguro?

Hindi ko pinapansin ang mga taong nasa harapan ko. Diretso lang akong nakatingin sa harapan.

Tila napakadaming tao sa harapan ko nang makababa ako ng building. Kapag ganito ay aasahan mo ng may heartthrob person na naman na lalabas.

Magkakaroon ng gulo dahil sa mga ganito. Normal na din ang ganito sa Helena University dahil kilalang-kilalang Unibersidad talaga ito.

"Hala! Si Geloo!!!" Iyan ang mga sigawan nila.

Wala akong ideya kung sino si Gelo, basta alam kong heartthrob siguro siya.

Kung inyong itatanong hindi ko din alam kung bakit nandito ako nag aaral.

"Ahhh! Gelo!"

Bagamat wala naman akong pera para makapag-aral. Wala din naman ako scholarship para makapasok sa ganitong University.

"GELO!"

Napangiti ako ng bahagya nang maalala ko ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon sa Unibersidad.

Pangarap ni papa na makapasok ako sa ganitong University.

Flashback…

Naglalakad kami ngayon ni papa pauwi sa bahay dala ang isang plastic na naglalaman ng Pansit bato.

Magkahawak ang kamay namin ni papa habang tinatahak namin ang daan patungo sa bahay. “Papa, ito po ‘yung sinasabi kong school na gusto ko pong pasukan...” bahagya akong nalatigil at tinuro ko ang malaking gate na kulay dilaw at may guard na nagbabantay.

Napatigil kami ni papa at tumingin si papa roon at sa mga oras na ito parehas kaming nakatitig dito.

“Sabi po ng mga kaklase ko napakaganda pong school ‘yan, madami pong mababait na teacher at classmate po diyan; plus masarap din po mga pagkain diyan sabi ng kaklase ko na nagaaral ang ate niya diyan…” nakangiting sagot ko.

Lumuhod si papa at ngumiti. “Mukhang hindi ata makakatanggi si papa diyan.” sabi ni papa at tumawa na.

Ngumiti din ako at labas na ngayon ang bungi kong ngipin sa harapan ngunit bahagya akong nalungkot nang maalala ko ang sinabi ng kaklase ko. “Kaso po mahal po diyan..” napayuko ako.

Ginulo ni papa ang buhok ko. “Shh.. huwag mong iisipin ‘yung presyo anak.. kayang-kaya ‘yan ni papa..” sagot ni papa na ikinangat ng aking ulo.

Natuwa ako sa sinabi ni papa.

“Kapag gusto ng princess ko gagawin ni papa ang lahat..”

Napapikit ako at agad kong pinunasan ang dalawang mata ko.

Dahil doon, Bago sila namatay binigay nila ang bank account nila at sinabi nila sa akin na gamitin ko ang lahat ng pera nila pang enrollment ko dito.

Virgo Meet Taurus |✓Completed| (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon