Chapter 38

1.3K 25 2
                                    

I will fight for you guess who?

—Virgo Meet Taurus

Chapter 38

[Virgo POV’s]

“Tahan na Virgo, hindi maayos ang problema kung patuloy kang umiiyak.” sabay haplos ni Lendra sa likudan ko.

Mas lalo akong napahagulgol sa balikat niya. “M–makita siyang palayo sa akin..” pag tigil ko. “H—hindi ko alam... Ang sakit..” dagdag ko pa.

Pagkatapos nang trabaho namin ni Lendra doon ko na nailabas ang luhang gustong kumuwala kanina pa. Pagkatapos nang nangyari kanina kung paano ako talikuran ni Taurus kanina naisip kung ayon na ang huli naming pagkikitang dalawa.

Natatakot ako na baka ayon na nga ang huli namin, baka hindi ko na siya mayayakap. Baka bumalik ulit ako sa sakit na ayaw ko nang balikan pa nang dahil sakanya.

Kasalanan mo ito!

Kung sinabi ko sana ang totoo kahapon nang magkaharap kaming dalawa, malamang pwede pa. Pero yung nanatili akong tahimik at nakatingin lang sakanya ang sakit. Damn! Sobrang sakit!

“Shh tahan na.” narinig ko pang pagtatahan ni Lendra sa akin.

Napayakap lang ako sa kanya nang mahigpit. Hindi ko na alam ang gagawin ko, ‘di ko na siya pwedeng makausap. Hindi ko siya pwedeng yakapin, halikan, sabihan dahil galit siya sa akin.

Bakit ngayon pa..

“Ipaliwanag mo lahat nang totoo Virgo.” mahinahong pakiusap ni Lendra sa akin.

Napapikit ako at pilit na tumatango sakanya. “P–paano kung hindi niya ako kausapin?” garalgal kung tanong.

Hinaplos niya ang likuran nang buhok ko, masarap sa pakiramdam ang ginawa niya. Kahit papaano nawala ang sakit nang nararamdaman ko dahil sa haplos niya. “Tiwala kakausapin ka niyan. Mahal ka niya ‘di ba?” sagot niya.

Mahal ka niya Virgo, kakausapin ka niya. Mahal na mahal ang niya kaya dapat sabihin ko na iyon hangga’t maaga pa. Tiwala lang. Tiwala lang Virgo.

“S–salamat sa oras L–lendra..” bulong ko.

Napahagikgik naman si Lendra sa sinabi ko.
“Walang anuman iyon Virgo. Basta sabihin mo sakanya ang totoo ah.” sabi pa niya.

Unti unti akong pumiglas sakanya at pilit ko siyang nginitian. “Gagawin ko iyon.” pursigido kung sagot.

Tumango tango siya. Kaya ko ito, sabihin ko ang totoo kay Taurus na niyakap ko lang si Zack bilang isang regalo dahil sa pag unawa nang sinabi ko sakanya. He deserves to hug. Kayang kaya ko ito.

____

Nang makarating ako nang bahay namin, huminga muna ako nang malalim at pinagmasdan ko pa ang mata kung mugto na tinapalan ni Lendra nang liquid foundation, sinabi ko iyon sakanya kung kaya’t nilagyan niya ako no’n.

Thankful naman dahil hindi gaanong halata. Napahawak ako sa doorknob habang pilit na pinapakalma ang sarili ko. Please tears mamaya kana lumabas pag nasa kwarto na ako. Huwag lang sa harapan nila. Please.

Pag bukas na pag bukas ko nang pintuan bumungad na kaagad si mama na nag aayos nang plato sa lamesa. Medyo nagulat ako sa nadatnan ko. Ngunit hindi ko iyon pinahalata, yumuko na lamang ako at aalis na sana para umakyat sa taas.

“Kumain ka muna, nag luto ako para sa iyo.” nang dahil sa narinig ko. Automatic akong napahinto habang nakatalikod pa rin sakanya.

Gusto kung tanggihan iyon, dahil wala akong ganang kumain ngayon. Pero ’nong malaman kung si mama ang nag luto para sa akin. Napatango ako at unti unting humarap sakanya.

Virgo Meet Taurus |✓Completed| (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon