Chapter 1

5.3K 54 4
                                    

–Virgo Meet Taurus

Chapter 1

"Ate Virgo!!" napaigtad ako sa pag susulat nang marinig ko ang sigaw ni Leo sa ibaba.

Si Leo 'yung sumigaw, kapatid ko siya.

First year highschool.

I am Virgo Alonzo. 19 years old, second year college in Helena University. Nagtataka siguro kayo kung bakit 'Virgo' right?

Pero alam kong may idea kayo kung bakit nga ba ito ang pinangalan sa akin ni mama at papa.

Sa aking pagkakaalam si papa ang nag pangalan sa akin nang ganito, dahil nag deal sila noon ni mama na kapag babae ang magiging anak ni nila si papa ang magpapangalan. Habang paglalaki naman si mama ang mag papangalan.

Binase ni papa ang pangalan ko sa zodiac sign, kung kailan or kung anong months ang birthday namin. Para "raw" mas unique tignan.

Ang tanong 'Unique' nga ba?

Hindi ko naman nag reklamo dahil kung tutuusin gusto ko din ang pangalan ko. Although, hindi siya unique for me and for the others na din.

Gustong-gusto ko naman siya dahil si papa ang nag pangalan sa akin.

Kaso wala na si papa.

Napahinga ako.

Ayaw kong lamunin na naman ang katawan ko nang kadiliman dahil pagod na 'ko, ngunit kahit naman sinusubukan kong umalis dito. Patuloy pa din akong hinihila pababa at nilalamon ng kadiliman ang kalooban ko.

Tumayo na ako sa aking study table na medyo malapit din sa aking maliit na kama.

Nagugutom na din kasi ako dahil kagabi hindi na ako nakakain dahil wala akong gana. Saka kailangan kong mag aral para sa midterm namin.

Saktong pagbaba ko ay naabutan ko sila mama at Leo na kumakain sa lamesa. Napatitig ako sakanilang dalawa, nakangiting malawak si mama habang nag uusap silang dalawa ni Leo.

Ito na naman..

Kumirot na naman ang puso ko at kasabay niyon ay may tila bumubulong sa akin na kung anu-ano.

"See? She replace you already..."

"She did not love you, Virgo.."

Paulit-ulit na bumubulong sa akin ang mga katagang 'yun, at sa mga katagang 'yan napakasakit.

Gustong sumigaw ng kalooban ko at sabihing hindi ko na kaya.

Lalapit na sana ako sakanila ngunit agad tumayo si mama nang makita ako, seryoso na ang kaniyang mukha.

Sanay na ako...

Babatiin ko sana siya ngunit tinignan niya lang ako ng walang expression saka na siya umalis sa lamesa, at dala ang platong pinagkakainan niya.

Nope, sanay na sanay na ako..

Tumingin ako kay Leo kahit na nananakit pa din ang dibdib ko dahil kay mama.

"I'm sorry ate.." bulong ni Leo sa akin nang makaupo ako sa harapan niya.

Alam kong hindi 'yun maririnig ni mama dahil ngayon naglalakad na siya patungo sa sala dahil nandoon ang bag niya pang trabaho, dahil ganito lagi ang kaniyang routine araw-araw. Kapag nakita niyang lumabas na ako ng kwarto ko aalis na siya, iiwanan niya na kami ni Leo at diretso na siya sa trabaho niya.

Hindi sinasabi sa akin ni mama kung ano ang kaniyang trabaho, kung alam niyo lang kung gaano kahirap itago 'yung sakit na nararamdaman ko lagi sa tuwing ka harap ko sila, napaka-hirap. Tinanong ko lang kay Leo at sinabi niyang call center daw si mama.

Virgo Meet Taurus |✓Completed| (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon