Chapter 11

1.9K 36 1
                                    


—Virgo Meet Taurus

Chapter 11

One month later...

I don’t know but napaaraw-araw ang sakit ng ulo ko, minsan nangingirot ito sa sobrang sakit o minsan naman bigla akong matutumba sa harapan ni Rus. Minsan iniisip ko kung ano ba ang sakit ko?

At kada sumasakit ang ulo tila bumabalik ang ala-ala ni papa sa akin at gaya nang araw-araw ay hindi nawawala ‘yung mga bulong. Natatakot ako, dahil sa tuwing nag a-appear ang boses na iyun sa tenga ko.

Nanginginig ang tuhod ko.

Nag e-echo ito, nakakabingi.

Matagal ko nang nararamdaman ang bagay na iyun, pero patagal nang patagal hindi na normal sa akin iyun.

Kumbaga nasa akin na.

At kapag nasa akin na ay may kung anong bagay na ay biglang nanakit ang dibdib ko at sumasakit ang ulo ko.

Natatakot ako.

Mabuti na lamang dahil nandiyan si Rus.

Kahit hindi niya alam na may ganito ako he didn’t judge me.

He helped me.

We talk about Rus, well, araw-araw naman kaming nagsasama ni Rus. Kada-uuwi kami ni Leo galing school kasama din namin si Rus. Nagkaroon kami na maliit na masayang memorable na kasama si Leo. At the first akala ni Leo, boyfriend ko raw si Rus? Kung kaya’t todo cheer up siya sa aming dalawa ni Rus.

Hindi talaga.

At never siguro.

“siguro” hindi ako sure. 

Pero we explain everything to Leo, na hanggang “best friend” level lang kami. And, ayon nga sumang-ayon siya sa sinabi namin. Well, si Rus na pagusapan natin. Tuwing weekend nagkakaroon kami ng gala kung saan-saan kami na papadpad. Kumbaga Friendly date. Ayon kasi ang usapan namin, tuwing weekend lang dahil day off ko ang dalawang araw na ‘yun.

Minsan gumagala kaming Sabado? Minsan naman kada Linggo kami gumagala. Nagpa-pahinga rin kami ng isang araw, and then sabay gala na ‘yun. Sa bawa’t pagsasama namin ni Rus. Unti-unti ko na talaga siyang nakikilala, I mean ang buong pagkatao niya. Kung ikukumpara ko siya sa ibang lalaki, tabla na ang mga lalaking ikukumpara ko sakanya.

Siguro may mga tao pang kagaya ni Rus.

Masaya lang ako dahil isa sa mga taong ganoon ay si Rus ang nakita ko. Nakilala ko siya at pakiramdam ko gift ito ni God sa akin.

Hindi naman pare-parehas ang personalities ng mga tao, kung kaya’t hindi ko sila mai-judge sa isipan ko. Yes, we have own personalities. Everybody has their own personality. But his personalities are unique—unique to other people I see. He’s not a type of guy na hanggang salita lang. Pilyo lang siya minsan pero kahit kailan hindi ko siya naisipan nang kung anu-ano.

Ang isipan ko lang talaga ang nag do-down sa akin.

At kapag nag appears ulit ang bulong na iyun, nawawala ‘yung ako.. kumbaga hindi ko makontrol sarili ko.

Yes, sometimes na ku-kontrol ko.

Pero may time na malala talaga.

And I honestly, I really like him—as a friend. Of course, as a friend.

Masaya na ako...

...na maging friend niya..

Tinigilan ko muna ang pagiisip kay Rus, at tinuon ang sarili ko sa terrace ng bahay namin. Pinagmasdan ko ang kalangitan ngayon. Makulimlim at mukhang bubuhos ang napakalakas ng ulan ngayon.

Virgo Meet Taurus |✓Completed| (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon