Chapter 39

1.3K 26 4
                                    


Don’t waste the climax. — guess who?

—Virgo Meet Taurus

Chapter 39

[Taurus POV’s]

Napamulat ako nang maramdaman kung may humahampas sa akin para magising ako. Hindi naman gaanong masakit ang pag hampas nang taong iyon. Kung kaya’t napatingin ako sa taong iyon.

Ngunit pag tingin ko palang sakanya, biglang nanlaki ang mata ko nang makita ko ang napaka gandang itsura ni Vir—

“Bumangon ka na nga jan!” napakusot ako nang aking mata at tinignan ulit ang nasa harapan ko.

Kaso nakakalumo ’man malaman, pero si Andrea ngayon ang nasa harapan ko. Ang kapatid ni Carl yung pinsan kung doctor. “Anong kailangan mo at nandito ka sa kwarto ko?” walang imosyong tanong ko, at pumikit na lang ulit.

Napadaing ako nang bigla akong batukan nang malakas. “Babangon ka or sasabihin ko kay tito na bawas ang allowance mo!?” banta niya.

Pinandilatan ko siya sa sinabi niya. “What the—?!” hindi ko ulit napatapos ang sasabihin ko nang bigla siyang mag salita.

“Ano mag mumura ka pa ah?!”

Inirapan ko nalang siya, at pilit na umupo sa kama ko habang ang ulo ko ay sobrang sakit pa rin. Hangover. 

May inabot siya sa akin, “Oh, ayan pinapaabot ni tita, masyado ka kasing lasingero.” inabot ko naman iyon at ininom kaagad.

“So anong ginagawa mo dito?” diretsahang tanong ko.

Nag d’kwatro siya sa kama ko. “Nangangamusta lang ba’t ba?” sagot niya.

Tinignan ko siya nang masama. Tatayo na sana ako dahil may pupuntahan ako, ngunit bigla niyang hinila ang wrist ko. “May pina paabot pala si ate Queen sa iyo.” sabi niya sabay abot nang kulay brown na notebook at may mga designed ito.

Napa kunot noo ako. “Ba’t hindi siya ang mag abot ah?” tanong ko pa.

Tinignan niya ako nang masama. “She’s busy when I see her lately. So she give me this sweet scrap book.” sabay ngisi nang nakakaloko.

Mas lalong nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Inabot ko ito at pinagmasdan pa, poro heart lang ang design nito at mga iba’t ibang glitters mukhang pinag effort talaga.

“Don’t you say to me, that she’s inlove with—” hindi ko siya pinatapos nang mabuksan ko ang notebook na yun at mabasa ko ang unang pahina.

“What the?!— Virgo?” gulat na basa ko.

Napatingin ako kay Andrea na mukhang naguguluhan sa sinabi ko. “Who’s Virgo?” nag tatakang tanong niya.

Imbes na sagutin ko iyon, iniba ko ang sinabi ko. “Nasaan ba si Queen ngayon?” pag iiba ko nang tanong.

Nawala ang pag tataka sa mukha niya nang marinig niya ang sinabi ko. “Bingi ka ba ah?!  Sabing busy siya eh. At hindi ko alam kung saan siya—basta ‘nong nakita ko siya kanina nag mamadali siyang in–abot sa akin niyan.” iritadong sagot niya.

Huminga ako nang malalim at inilapag nalang iyon sa bedside ko. “You can go now.” walang ganang giit ko, at dumiretso na akong bathroom ko.

“Wait—what!? Iiwan mo nalang ako?” rinig ko pang sabi niya.

Sinarado ko na ang pintuan at pumunta sa harapan nang salamin. Ano bang nasa isip ko ngayon? Bakit hindi ma–sink in sa utak ko na binigyan niya ako. Maybe that’s the apologize message. Hmm.

Virgo Meet Taurus |✓Completed| (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon