—Virgo Meet Taurus
Chapter 36
Kinabuksan,
“Ate, kain ka muna kaya.” rinig kung sigaw ni Leo sa likuran ko.
Tumingin ako kay Leo at malawak na ngumiti. “Busog ako.” tipid na sagot ko.
Masama siyang tumingin sa akin. “Hindi ka pa naman kumakain, mula kagabi ah?”
Nanatili akong nakangiti sa harapan niya, “Busog ako—” napatigil ako sa pagkasabi no’n nang may mag salita sa likuran namin.
“Kumain kana, madami akong niluto jan.” nagulat ako nang marinig iyon.
Dahang dahan akong tumalikod para tignan si mama. Is this freaking real? Totoo ba ang narinig ko mula sa kanya? “Oh ‘di ba ate! Kain kana.” sabat naman ni Leo.
Dahil sa wala akong magawa doon. Tumayo na ako at lumapit sa hapag at sinimulan nang kumain. “Kain ka nang madami ate ah! Wala pa naman sundo natin eh!” sabi pa ni Leo, habang kumukuha si mama nang kung ano sa ref namin.
Hindi na ako nakapag salita doon. Nanatili na lang akong kumakain. Hindi pa rin mawala sa utak ko ang kanina, totoo ba ang narinig ko? Sinabihan niya ba ako no’n? ‘Di nga? O my gash!
“Alis muna ako, kayo na bahala sa ilaw at isarado niyong maigi ang pintuan.” napatingin kaming dalawa ni Leo sa kinaroroonan ni mama.
Anong nangyayari kay mama? Totoo ba ang nakikita namin ni Leo ngayon kay mama. Hindi ba hallucinating ang tawag dito. Napatikhim pa si Leo. “Sige po mama. Ingat po kayo!” sabi niya kay mama.
Iniwas ko nalang ang tingin ko sakanilang dalawa. I’m not belong right? Ano pa dapat kung sabihin.
_____
Nasa kotse kami ngayon ni Taurus at todo kwento nang kwento ito si Leo kay Taurus nang kung ano–anong bagay. Napailing nalang ako sa kanya. Close na rin ang dalawa at nakakatuwa silang pagmasdan kasi para na rin silang mag kapatid sa lagay nila ngayon.
Ang lakas talaga nang tadhana. Akalain mo ‘man isang Taurus ang makikilala ko, at nakakatuwang isipin iyon nang sobra.
“hindi ba mahirap ang kukunin mong strand?” rinig kung tugon ni Taurus kay Leo.
“Sabi nila mahirap daw yun, madami din akong na incounter na sobrang hirap daw yun. Pero kaya ko naman ata kuya.” sagot ni Leo.
“It’s your decisions, but if you need help or if you need loptop with that, just tell me and I’ll buy you that.” dahil sa narinig ko, agad akong napatingin kay Taurus at tinaasan ko ito nang kilay.
“Woah, hindi na kailangan kuya, nag iipon na ako para jan. Ang kailangan ko lang is yung—” hindi ko na pinatapos si Leo nang mag salita kaagad ako.
“Ako na ang bahala jan Leo!” Sabat ko. Ayaw kung mang hingi nang kung ano kay Taurus, nahihiya ako.
“Hindi naman po ako nag papabili ate!” biglang giit ni Leo.
Hinawakan din ni Taurus ang kamay ko. “Eh ano?” tanong ko.
Bahagyang ngumiti sa akin si Leo. “Kuya, Pag sinabi ko ba ito sa iyo.” aniya. “Gagawin mo?” naging seryoso ang mata ni Leo.
Tumingin si Taurus kay Leo at tumango. “I’ll do what you said.” seryoso niya ring sagot.
Para tuloy akong kinabahan sa dalawang ito. Lalo na kay Leo, ano kayang kailangan niya kay Taurus para maging seryoso pa silang dalawa.
“Ang kailangan ko lang is yung huwag na huwag mo pong iiwan si ate Virgo ah? At huwag na huwag niyo po siyang paiyakin. Hindi po ako matatahimik kung makita ko po siyang umiiyak.” sabay baling niya sa akin. “Ayaw na ayaw ko pong nakikita si ate na umiiyak or nag tatago nang sakit, hindi ko po ata kakayanin kapag nakita ko ulit si ate na ganoon. Please?” dagdag niya pa habang may mapait na ngiti sa akin.
BINABASA MO ANG
Virgo Meet Taurus |✓Completed| (UNDER REVISION)
عاطفيةSynopsis: Helena University #1 Meet Virgo, ang simpleng dalaga na nais lamang mapansin ng kanyang ina at mahalin siya kagaya ng pagmamahal noon sa kaniya. Ngunit simula nang mawala ang kanyang ama tila nasira ang lahat, nakalimutan na siya ng ina at...