-Virgo Meet Taurus
Chapter 3
Hinatid ko lang si Leo sa harapan ng bahay at umalis na din ako. Alam ni Leo na may part-time-job ako dahil minsan nahuli niya ako na nagtra-trabaho sa isang coffee shop. Wala naman akong balak sabihin—I mean, meron naman ngunit hindi lamang ngayon. Sasabihin ko naman if pwede na pero wala eh.
Nabuking ako kaagad.
Ayos na din iyun at least wala naman siyang issue at nakita niya naman kung paano ako ituring ni mama. Tanging si Leo lang ang nabibigyan ng allowance pero ako hindi, kaya kapag binibigyan si Leo binibigyan niya ako ng kalahati.
Wala akong balak kunin ‘yun pero mapilit si Leo. So no choice ako lagi.
Suot ko pa din ang uniporme ko, bale ang dala-dala ko lang ay white t-shirt at bag ko. Hindi na ako nag bihis dahil late na ako at kapag late ako may chance na mababawasan ang sahod ko.
Kung kaya’t tumatakbo na ako ngayon at nakikipagkarerahan sa mga tao.
Hindi ko na naman napansin na late na ako dahil napasarap ang usapan namin ni Leo at hinintay ko pang mahimasmasan ang mata ko. Ayaw kong pumasok na mugto ang aking mata, hindi sa nahihiya ako.
Kundi pangit na nga ’ko, lulubo pa ang mata ko.
Hustisya nalang po.
______
"Ano Virgo? Late ka na naman." bungad ni Lendra sa akin.
Simple lang akong ngumiti sakanya. "Traffic eh." sagot ko.
Ngumiti siya at tumango, "Sige na, umpisahan mo na ang dami nang tao sa labas." sambit pa niya.
Tumango nalang ako at pumunta na akong dressing area. Isa akong janitress sa isang coffee shop. Ito ‘yung naging part-time-job ko, hindi naman ako namimili ng trabaho ko. Basta’t kung kayang-kaya ay ayos lang.
Para din naman ‘to sa akin.
Tapos noon kasi nung naghahanap ako ng pwede kong i-part-time-job, ito lang din ‘yung available. For hiring sila. So instead na mamili ako pinasukan ko na since saktong-sakto din ang salary kada araw, pwede na.
Nag suot ako ng maikling skirt na kulay white medyo fitted sa akin. At isang polo shirt na stripe na kulay pink.
Ewan ko kung bakit kailangan kong mag suot nang ganito dahil janitress lang ako at hindi naman ako cashier girl. 'Di naman sa nagrereklamo ako ngunit parang ganoon na nga.
Ito lang din ‘yung pinaka-ayaw ko dito.
Hindi naman sila mahigpit, wala din naman silang policy na ginawa plus you can do whatever you want here basta’t wala kang natatapakang iba. ‘Yun nga lang, maiilang ka sa costume.
Lalong-lalo na kapag hindi ka naman sanay sa skirt.
‘Di rin kasi ako nabalitaan na ganito pala ‘yung susuotin ko.
Kinuha ko ang spray at basahan saka ko 'yun inilagay sa likuran ng skirt ko. Mabilis akong lumabas nang dressing room at pumunta sa mga lamesang wala ng tao.
Nag simula akong magpunas ng lamesa, habang si Lendra, busy sa pagpupunas ng bintana sa ilabas ng coffee shop. Parehas kaming dalawa na nag pa-part-time-job tuwing after ng klase. Parehas rin kami ng dahilan kung bakit namin ito ginagawa.
Para sa pang-aral namin.
Para sa tuition.
Para may kinabukasan.
BINABASA MO ANG
Virgo Meet Taurus |✓Completed| (UNDER REVISION)
RomanceSynopsis: Helena University #1 Meet Virgo, ang simpleng dalaga na nais lamang mapansin ng kanyang ina at mahalin siya kagaya ng pagmamahal noon sa kaniya. Ngunit simula nang mawala ang kanyang ama tila nasira ang lahat, nakalimutan na siya ng ina at...