Chapter 9

2.1K 41 4
                                    

-Virgo Meet Taurus

Chapter 9

"Huy Rus!" sigaw ko, nakatalikod siya sa akin. Alam mo 'yung parang nagtampo siya tapos hindi ka niya pinapansin.

Akala ko papansinin niya ako, ngunit hindi pa rin siya tumitingin sa akin. "Hoy, ano deadma be like Rus?" May pagka-irita kong usal sa likuran niya.

Kanina pa siya, papunta palang kami nang mall kanina ganito na siya. Kanina pa ako salita nang salita sa likuran niya at deadma pa rin siya.

Nakakainis kaya 'yun.

'Yung ginagalingan mo nang manuyo pero tinoyo siya na ewan?

Napahalukipkip ako sa likuran niya. "Sige, ayaw mo akong pansinin eh." parinig ko sa likuran ko.

Para siyang batang nagtatampo ngayon, nakakainis!

"Uuwi nalang ako." birong dagdag ko sa likuran pa niya.

Aakmang tatalikod na sana ako at kunwaring lalabas ng mall, nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinila niya ako palapit sakanya.

"Nagbibiro lang ako, Virgo!" parang batang sabi niya sa akin.

Bahagya akong natawa sa itsura n'ya, ang cute n'ya talaga pag ngumu-nguso siya. Kaya minsan gusto ko siyang biruin.

Mas lalo siyang ngumuso sa harapan ko ng makita niyang tumatawa ako. "Stop laughing!" reklamo niya.

Napahinto ako sa pagtawa at agad ko na siyang hinila. "Saan tayo pupunta?" paunang tanong ko sakanya.

Unti-unting gumuhit ang matamis niyang ngiti sa labi ng tanungin ko s'ya. "Arcade!" sagot niya at hinila ako.

Siya 'yung tipong pag iisipan mo muna kung dapat mo ba siyang maging kaibigan? Dahilan sa sobrang seryoso niya noong una kaming nagka-kilala sa coffee shop. Hindi mo kasi mai-imagine na ganito pala siya ka kulit. At ka-jolly, 'yung tipong pang-gigigilan mo ang mukha niya.

At to be honest, hindi ako nagka-maling makipag-kaibigan sakanya.

Hindi sa gwapo siya, kaya hindi ako makaalis sakanya, kundi pinaramdam niya hindi ako nag iisa.

At hindi din siya kagaya ng iba.

'Di ko pa man siya totally kilala ng buo.

Pero iyun ang tingin ko sakaniya.

____


"Gusto ko dito, Rus!" parang batang maktol ko.

Kanina ko pa kasi tinuturo kay Rus, itong Zombie game. Ito 'yung babarilin mo 'yung mga Zombie(ng) lalapit sa iyo. Two players ang pwedeng mag laro sa larong ito, kung kaya't pwedeng-pwede kami dahil dalawa kami.

"Panglalaki 'yan eh." sabay tingin nang parang ewan sa akin.

Kinuha ko ang laruang baril kung saan nakasabit iyon sa gilid ng botton ng start the game. At tinutok ko iyon sakanya, like parang kriminal or gangster ang peg ko sa posisyon ko sakanya.

My dad and I used to play this and this is our date whenever we come here and play.

"Isang game lang naman eh." pag pupumilit ko.

Mga 2 hours na rin kami nandito at sobrang saya ko, kasi ngayon ko lang ulit naranasang maglaro sa arcade na para bang bata. Madami na rin kaming na collect na ticket sa mga nilaro namin. Balak kasi naming kunin na price is 'yung malaking teddy bear at nasa 36,000 ticket 'yun.

Virgo Meet Taurus |✓Completed| (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon