Chapter 28

1.3K 22 3
                                    

—Virgo Meet Taurus

Chapter 28

[Taurus POV’s]

Dalawang araw na ang makalipas pero mukhang wala pa ata akong balak makipag kita sakanya. Well, napag isipan ko na ang lahat. Ito na ata yung pagkakataon ko para mang hingi ng tawad at umamin na sakanya—nang maayos.

Buo na ang desisyon ko, na mag pakita na sa kanya at mang hingi na ng tawad. Alam kung madami akong nagawang mali sa kanya, pinangunahan ko ang sakit kesa sa pakinggan mo muna siya. Pero ito ako ngayon, mang hihingi na nang tawad sa ginawa kung mali.

Nandito ako ngayon sa loob ng sasakyan ko, nasa harapan ako ng café kung saan doon nag tra–trabaho si Virgo at dahil nga advance akong mag isip maaga na akong nandito sa harapan inaantay siya. Sa tuwing nakikita ko ang maganda niyang ngiti ang kanyang ngipin at ang mata niya. Bumibilis ang kabog ng puso ko sakanya.

Alam kung natural lang ito dahil inlove ako. Pero damn! Damn! Damn! Pwede bang bumaba na ako at puntahan siya?

______

9:30 na nang gabi at sakto dahil pag mulat ko nang mata ko nakita ko ka agad si Virgo nag lalakad mag isa. Kung kaya’t sa sobrang saya ko, hindi ko na napansin na naka ngiti na pala akong naglalakad papunta sa harapan niya. Hindi niya ako nakita dahil nakayuko siya habang naglalakad.

Mas lalong lumawak ang ngiti ko nang makita kung naka jacket siya, yung binigay kung jacket sakanya ‘nong kasama ko siya noong nakaraan na nakasuot nang sobrang ikling damit.

Mukha na akong sira.

Sira na kung sira basta ang pag mamahal ko sakanya hindi pa rin mag babago. Teka!? Ganito ba pag sobrang na in love sa isang tao? Nagiging cheesy kana? Like hell!

Parang natatae ako sa kaba ah.

Napangiti ako nang malapit na siya sa kinaroroonan ko. Alam mo, hindi na ako makapag hintay na mayakap kita nang sobrang higpit. Mahal ko talaga nang sobra itong si Virgo sobra sobra. Nahihirapan akong lumayo sa kanya, nahihirapan akong iwan siya nang minu–minuto dahil miss ko talaga siya eh.

“Hi Virgo.” tawag ko.

Napatigil siya nang marinig niya ako at unti unti niyang ini–angat ang ulo niya, bakas na bakas sa mata niya ang pagkagulat sa akin. Damn. Na miss ko talaga siya.

Nanatili pa ring naka ukit ang malawak kung ngiti sa kanya. “Na miss kita nang sobra.” bulong ko habang nasa harapan niya ako.

Napakurap kurap pa siyang tumingin sa akin na para bang hindi talaga siya na niniwalang nandito ako ngayon sa harapan niya at nag sasalita. “A–anong ginagawa mo dito?” gulat na tanong niya sa akin.

Huminga ako at bahagyang ngumuso nang parang bata sa harapan niya. “Hindi mo ba ako miss?” habang nakanguso.

Unti unting napalitan nang ngiti ang gulat niyang expression sa akin—yung sobrang lawak na ngiti—yung ngiting gustong gusto kung makita.

Tumakbo siya sa kinaroroonan ko at niyakap ako ng sobrang higpit. “I miss you so much! So much! So much!” tuwang tuwa niyang sagot.

Niyakap ko rin siya pabalik, lumiwanag ang mukha ko sa sinabi niya. “Akala ko ‘di mo ako miss eh.” bulong ko.

Ngayon lang ako nabaliw ng sobra nang dahil sa babaeng ito. At hindi ako nag sisi doon dahil para sa akin, gustong gusto ko rin yun at labis nga akong nag papasalamat dahil siya ang babaeng kina–baliwan ko at nakilala ko siya nang sobra. Kung hindi dahil sa kanya hindi ko mararanasan ang ganitong pakiramdam.

Bahagya kung ini–angat ang ulo niya saka ko pinagmasdan ang maluha luha niyang mata. God. Bakit niyo ako binigyan ng ganitong kagandahan na dalaga? Bakit sa tuwing pinagmamasdan ko ang mala anghel sa harapan ko, nawawala ang sakit nang lahat. Parang nawala ang sakit na meron ako dati—nawala lahat nang galit, inis, selos, lungkot nang makita ko si Virgo.

Regalo niyo ba ang dalagang ito sa akin? Kung regalo niyo ‘man po sana, maraming maraming salamat po dahil ibinigay niyo po sa akin ang dalagang ito. She deserve to be loved and happy. Ayaw kung bumalik siya sa sakit niya dati.

“Miss na miss na miss na miss na miss kita ng sobra!” nakangiting tugon ko, dahan dahan akong lumapit sa kanya at hinalikan ang kanyang noo. 

Humarap ulit ako sa kanya habang ganoon pa rin ang posisyon namin. Taimtim kung tinignan ang maluha–luha niyang mata, kahit na umiyak siya maganda pa rin siya. Lahat naman ata, para sa akin maganda pa rin siya.

Bahagya kung hinaplos ang magkabilang pisngi niya at unti unti kung pinunasan ang luhang tumutulo pa ibaba nang kanyang pisngi. “Shh, huwag ka ng umiyak Virgo.”

Malawak na ngumiti si Virgo sa harapan ko. “Tears of cry.” bulong niya.

Nakatayo kami ngayon sa mga punong naka–paligid sa amin. Kung kaya’t bagay na bagay ang mga ganitong eksena dito sa mapunong lugar. Hindi namin alintana ang malamig na hangin na tumatama sa aming dalawa.

Ang sarap. Ang sarap maranasan ang ganitong bagay. Yung feeling na akala mo wala ka nang pag asang bumangon pa. Pero binigyan ka pa rin nang pangalawang pagkakataon para i–tama ang mali.

“Taurus Klay Parker. I love you, simula pa lang noong una kitang makilala.” pag amin niya sa akin.

Parang nabuhayan ako nang diwa sa sinabi niya, bumilis din ang kabog nang puso ko sa sinabi niya, parang gustong kumuwala nang puso ko sa loob sa sobrang bilis nito.

Damn. She confess her feeling to her.

Sobrang saya ko, she loves me. She loves me! And I can’t even believe on that! Parang ito na ata ang pinaka masaya sa lahat!

Sa sobrang tuwa ko, mahigpit ko siyang niyakap nang mahigpit at hinalik–halikan ko ang bawat parte nang pisngi niya. “Damn! Kung alam mo lang Virgo. I am really crazy in love in you since when I first saw you in the watson!” masiglang sagot ko habang malawak na nakangiti kay Virgo.

Yung ngiting hanggang panga, yung unting unti na lang eh, maari nang mapunit ang panga ko sa sobrang lawak nang aking ngiti sa kanya.

Nagtaka siyang tumingin sa akin. “Watson?”

Hinalikan ko ang tungki niyang ilong. “Yung bumibili ka nang pads sa watson? Tas may naka–salubong kang naka all black na lalaki sa counter? Yung tinanong mo kung---” napatigil ako nang bigla siyang nag salita sa harapan ko.

“Excuse me, kuya nakapila ka ba?”

Tumango ako. “You didn’t tell me! Na ikaw pala yun Taurus! You hide it from me!” parang batang maktol niya.

Natawa ako at kinuha ang bag niya. “I’m afraid that time. But don’t worry, I’m here nah. Confessing my feeling to you.” sabay akbay ko.

Hinawakan niya ang bewang ko. “Kahit na!” sabi pa niya.

Kinurot ko nalang ang ilong niya. “Are you hungry? Do you want to eat? Before I’ll send you home?” tanong ko sakanya.

Umiling lang siya. “Hindi ako gutom. Bago kami pinauwi kanina ni Manager pina–kain niya kami.” sagot niya sa tanong ko.

Dahil pasaway ako, hindi ko pinakinggan ang sinabi niya. Hinila ko ang kamay niya saka kami kumaripas nang takbo. Alam kung hindi talaga siya kumain. At gusto kung pa kain siya nang madami para maging healthy ang mahal ko.

“Let’s eat each other.” sabi ko habang tumatakbo kaming dalawa.

Ngayong aking ka na. Hindi na kita hahayaang pakawalan pa, hindi ko na hahayaang kunin ka ng iba sa akin. Dahil akin ka, akin ka lang! Kay Taurus ka lang forever.

Pangako, gagawin ko ang lahat upang mapa saya kita, ilalabas ko lahat nang alas ko para lang hindi ka mawala sa akin. I swear, lalaban ako kung sino ‘man ang taong nag tangkang  kunin ka sa puder ni Taurus.

Lalaban si Taurus para ‘di ka nila makuha sa akin.

Akin ka lang  Virgo.

______

Virgo Meet Taurus |✓Completed| (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon