—Virgo Meet TaurusChapter 16
Dalawang araw ang makalipas, ito na naman ako always walang kasama tuwing uuwi na ako galing trabaho ko. Ilang araw na rin akong hindi sina-samahan ni Queen sa part-time-job ko dahil may family problem s’ya. Um–oo nalang ako, gusto ko siyang samahan kasi sobrang lungkot niya. Pero sa tuwing sinasabi ko sakanya na samahan ko siya kung saan ‘man pupunta nandoon din ako. Syempre kaibigan ko siya at kailangan ko rin siya ‘noh.
“Ate, nasaan pala si kuya Rus?” biglaang tanong ni Leo, habang nasa bahay kami ngayon.
Sunday ngayon at day off ko rin, ito na yung pinaka rest day ko, kung kaya’t nasa kwarto lang ako ni Leo. Hindi ko alam kung ba’t wala ako sa mood na tumambay muna sa kwarto ko.
“May business trip siyang pinuntahan at mukhang bukas pa ata ang uwi nung lalaking iyon.” sagot ko sa tanong niya.
Napatango nalang siya sa sinabi ko. “Bukas pa? Ba’t hindi na lang ngayon?” base sa kanyang pananalita may halo itong lungkot.
Pinagmasdan ko si Leo, “Bakit? Uuwi naman na siya bukas ah?” sabi ko sakanya. Imbes na tumango or ngumiti siya sa sinabi ko.
Napailing siya, “Hindi mo ba siya miss ate?” bahagyang nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, what?! Really?
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya, “Maybe miss ko siya, pero kahit ilang beses ko mang sabihin na miss ko siya—hindi siya kaagad makakauwi na para bang si Flash.” sagot ko sa tanong niya. Napalitan ng ngiti ang malungkot na si Leo.
Yung ngiting nakakaloko. “Miss mo pala eh! Bakit hindi mo tawagan! Ikaw ate ah!” pang asar niya.
Napakunot ata ako ng noo sa sinabi niya, “Huy, hindi yung miss na parang—may meaning ah! Yung friendly miss lang you know.” pagtatama ko.
Pero imbes na mapalitan ang expression niyang mukha. Nanatili lang siyang nakangiti ng nakakaloko, bakit pati ikaw Leo? Bakit ganiyan ang utak ninyo?
“I think miss ka rin niya.” sabi niya, at kinuha na lamang ang notebook niya.
Ngumiti ako sa sinabi niya, siguro nga, kasi ako? Miss na miss ko na si Rus.
______
Pagkatapos nang pag uusap namin ni Leo, pumunta na akong kwarto ko at nag palit ng damit, gusto ko munang umikot-ikot sa labas. Masyado akong bored sa bahay at hindi ko rin kasi pwedeng kausapin si Leo, dahil masyado siyang busy sa kanyang pag aaral.
Kaya napag-desisyunan ko nalang na gumala sa labas mag isa. Hindi naman issue kung lumabas ako ng hindi nagpapaalam kay Rus, ‘Di ba? Saka for your information wala po siyang sinabi na bawal ang lumabas na walang kasama.
Nag suot lang ako ng simpleng denim shorts na hanggang tuhod habang T–shirt na kulay maroon na hanggang legs ko. Wala akong pakialam kung mag mukha pa akong tomboy o bulate sa sobrang payat ko. Hindi naman kasi issue sa bansa ang pag suot ng iba’t-ibang damit hindi ba?
Lumabas ako ng kwarto ko at pumunta kay Leo. “Leo, aalis lang ako saglit.” paalam ko.
Tinignan lang ako ni Leo at ngumiti lang siya sa akin. “Ingat ka ate.”
Tumango na lang ako sakanya at daling bumaba ng bahay, magpapahangin lang ako saglit sa malapit na play ground or ikot-ikot nalang ako. Kung saan ako pinunta ng paa ko edi, bahala na.
Habang nag lalakad ako sa napaka raming tao, hindi ko maiwasang makipag-siksikan sa kanila. Ano bang meron ngayon at madaming tao ngayon sa City walk? Titignan ko pa ba or hindi? Wag nalang ata.
Pinilit ko nalang makipag siksikan sa madaming tao, makalabas lamang ng city walk na ito at pwede na akong pumunta sa kabilang park, kung saan walang gaanong tao pag hapon.
Ang lakas naman ng taong ito, ang daming fans. Sana lahat may milyong-milyon na fans. Dati pangarap ko ring maging artista, pala drama at action din ako dati nung buhay pa si papa, dahil laging binibilin ni papa sa akin na mas bagay daw akong maging actress, dahil daw sa galing kung sa pag arte.
Syempre wala namang masamang mangarap dati nang ganoon.
Natawa na lamang ako ng marinig ko yun. Hindi naman ako magaling sa pag aarte—maybe dati. Nawalan na kasi ako ng hilig ngayon, nawalan na ako ng hilig sa mga bagay-bagay nang mawala si papa sa amin.
_____
Huminga ako ng malalim ng makarating ako mismong parke ng City walk. Taimtim lang akong nakatingin sa mga taong dumadaan. Well, hindi naman gaanong karami ang tao hindi tulad ng kabila sobrang dami halos wala ka ng madaanan doon.
I sighed.
Mabuti pa siguro dito, tahimik at maaliwalas lang ang kalangitan. Sumamdal ako sa isang bench at in-angat ang aking ulo para pagmasdan ang kagandahan ng langit ngayon. Tamang-tama lang ang init ngayon.
“Kilala niyo si Taurus Klay Parker?!” narinig kong sigaw ng isang dalaga papunta sa kinaroroonan ko.
Napakunot noo ako. Sino naman si Taurus, huh? Siguro artista na naman yan. Hays. Napakamot nalang ako sa ulo ko at huminga ng malalim.
Ba’t ako magkakaroon ng interest sakanila eh, tahimik lang akong nakaupo dito.
“Ano?! Nasaan siya?!” sigaw ng naman ng kasamahan niya.
Kitang-kita ko kung paano sila kumaripas takbo papunta sa City walk. Ano ba kasing meron diyn kay Taurus Klay Parker na yan? Bakit kumakaripas takbo ang mga kababaihan sa kanya? Harsh. Sabagay ‘di na rin naman bago sa akin ang mga yan. Huminga na lamang ako nang malalim at mabilis na sumandal sa isang bench. Ang tahimik ko rito tapos may ba–basag ng trip ko? Basta wala akong pakialam.
Artista ‘man siya or hindi, basta tahimik lang ako dit—
“Virgo!” napaigtad ako ng marinig ang sigaw ng isang familiar na lalaking miss na miss ko na.
Tumingin ako kay Rus na kumakaripas takbo papunta sa kinaroroonan ko, habang may mga kababaihan na humahabol sa likuran niya. Teka? Paano na punta si Rus dito? Saka sino itong mga humahabol na kababaihan sakanya?
Pag lapit ni Rus sa akin, hinatak niya kaagad ang kamay ko. Nabigla ako sa ginawa niya dahil basta basta niya kaagad akong hinila.
Bumilis ang kabog ng puso ko sa ginawa niya. Hindi ko alam kung anong nangyayari ngayon, at kung bakit kami kumakaripas ng takbo.
“TAURUS!” narinig kong sigaw ng mga kababaihan sa likuran namin.
“WAIT FOR ME BABE!!” sigaw pa nila.
“TAURUS! TAURUS!” Nanlaki ang mata ko ng marinig ang pang ilang tawag na Taurus sa amin.
Huwag niyong sabihin na si Taurus Klay Parker na pinaguusapan nila kanina----- itong si Rus?
What?! Sabi niya Rus Dela Cruz daw siya. Pero paanong nangyaring siya si Taurus Klay Parker.. hindi ko maintindihan. Hindi ko na maintindihan ang nangyayari ngayon, naguguluhan na talaga ako. Kanina tahimik lang akong nagkakape tapos—biglang sumulpot si Rus na may humahabol na milyong-milyon niyang fans. Tapos imbes na Rus ang marinig ko.
Taurus! Taurus!
Pero teka.. Artista ba itong si—Rus?
End Chapter 16
Sorry kung masyadong maikli ang kabanatang ito ngayon. Busy kasi sobra. Haha. Hope you like it.
BINABASA MO ANG
Virgo Meet Taurus |✓Completed| (UNDER REVISION)
RomanceSynopsis: Helena University #1 Meet Virgo, ang simpleng dalaga na nais lamang mapansin ng kanyang ina at mahalin siya kagaya ng pagmamahal noon sa kaniya. Ngunit simula nang mawala ang kanyang ama tila nasira ang lahat, nakalimutan na siya ng ina at...