—Virgo Meet Taurus
Chapter 27
[Taurus POV’s]
“I’m her boyfriend.”
Paulit ulit na lumalabas sa utak ko ang boses ng gagong boyfriend ni Virgo. Pilit ko ring inaalis ang salitang yun sa utak ko dahil hirap na hirap na akong bumangon. Para akong sinasaksak nang karayom sa puso sa mga katagang yun.
Napa sabunot ako ng sarili kung buhok. Tatlong araw na rin ang makalipas simula ‘nong mangyari yun. Pero sa bawat kinabuksan dadating parang bitbit ko pa rin ang sakit ng yun. Ganito pala yung pakiramdam ng masaktan ng sobra sa minamahal mo. Hindi ko in–expect na gano’n ang mangyayari, kung alam ko lang sana na may boyfriend siya sana pinigilan ko nalang ang nararamdaman ko kesa sa masaktan pa ako ng sobra.
“Alam mo, hindi mawawala ang problema kung iinom mo lang yan.” napa angat ang ulo ko ng marinig ko ang boses ni Queen.
Seryoso niya akong tinignan. “A–ano bang pake alam mo ah?” walang ganang sabi ko, habang dinu–duro pa siya.
“May pake alam ako, dahil kaibigan kita—kaibigan ko kayong dalawa ni Vi---”
“Huwag mong sabihin ang pangalan na ayaw kung marinig!” inis na sabi ko.
Wala akong balak na pakinggan ang pangalan na yan. Gusto ko, babanggitin lang nila ang pangalan na iyan kung wala na akong nararamdaman sakanya. Kasi kapag naririnig ko ang pangalan na yan, mas lalong na dadagdagan ang nararamdaman ko sakanya imbes na mag move on ako ka agad.
“Bakit ayaw mong marinig ang pangalan na yan ah? Walang ginagawa ang tao sa iyo.” giit niya pa.
Tumaas ang dugo ko sa sinabi niya, really? Walang ginagawa ang tao sa akin? So siya? Wala siyang ginagawa sa akin? Hindi ba sinaktan niya nga ako eh. Sabi niya wala daw lihiman pero siya? Please.
“Wala kang alam sa nararamdaman ko! At tandaan mo, hindi ikaw ang nasaktan! Ako! Ako!” tagis bagang sigaw ko sakanya.
Pilit kung tinitiis ang luhang gustong bumagsak sa pisngi ko sa sobrang sakit nang nararamdaman ko. Ayaw kung maging duwag. Ayaw ko.. ayaw na ayaw ko..
Hindi ka umiiyak ‘di ba Taurus?
“Alam kung mahal na mahal mo siya ng sobra at willing mong ibigay ang lahat mapa sa’yo lamang siya. At alam ko rin kung paano ka nasaktan.” aniya.
“Pero... Wala ka bang ibang gagawin kundi ang uminom ng uminom nang alak? Hindi mo ba naiisip sarili mo—or wala ka na talagang pake alam sa sarili mo? Hindi mo ‘man lang ba ipag lalaban si Virgo? Hindi mo ba siya kukunin sa kamay ni Klayde? Hahayaan mo na ba siyang bumalik sa sakit niya?”
Napa tingin ako sakanya, hindi ko alam. Wala akong maisip sa sasabihin ko sakanya. Kasi nasasaktan talaga ako ng sobra, sobrang sakit kasi eh. Ang sakit sakit. Mahal ko siya, mahal na mahal ko siya.
“Nakita mo ba yung mata ni Virgo that time? She’s freaking hurt gaya mo. Parehas kayong nasaktan sa isa’t isa.” sabi niya pa.
“Mahal ko pa siya.... Pero hanggang dito na lamang..” bulong ko.
Umiling siya sa akin. “Nope! Hindi hanggang dito na lamang Taurus!!” sigaw niya.
Hindi ako nakapag salita sa sinabi niya. “Pag isipan mong mabuti ang desisyon mo.” dagdag niya.
Huli na ba ang lahat? Kaya ko pa ba talaga siyang kunin ah? Mahal ko siya.. pero hindi ko kaya kung paano ko gagawin yun. Lupa. Pwede bang kunin mo na lang ako? Kesa sa mabuhay pa ako sa mundong mahirap? Mahirap mabuhay.
BINABASA MO ANG
Virgo Meet Taurus |✓Completed| (UNDER REVISION)
RomanceSynopsis: Helena University #1 Meet Virgo, ang simpleng dalaga na nais lamang mapansin ng kanyang ina at mahalin siya kagaya ng pagmamahal noon sa kaniya. Ngunit simula nang mawala ang kanyang ama tila nasira ang lahat, nakalimutan na siya ng ina at...