Chapter 30

1.4K 29 2
                                    

—Virgo Meet Taurus

Chapter 30

[Virgo POV’s]

Tatlong linggo ang makalipas. Ito pa rin ako, mahal na mahal si Taurus. Sa tatlong linggong yun, naging mas comfortable na akong kasama siya—bilang mag partner.

Talagang pinaramdam niya talaga sa akin na dapat hindi ako mailang sa kanya dahil boyfriend ko siya. Yung una oo, uncomfortable ako sakanya siguro na pansin niya na medyo naiilang pa ako sa kanya kaya ginawa niya ang lahat para hindi na ako mailang. Pero hindi pa rin natin mawawala ang pakiramdam na biglang bibilis na lang ang puso mo sa tuwing may ginagawa siyang hindi natin kaagad in–expect. Yung titigan ka niya mismo sa mata, ayon sobrang nakaka–ilang ang bagay na yun.

“Sexy!!!” hindi ko pinansin ang sigaw ni Klayde kay Queen.

Nandito kami ngayon sa isang café, day off ko naman ngayong friday kaya ayos na ayos iyon sa akin. Wala pa si Taurus sa tabi ko kaya’t hanggang tingin muna ako sa labas nang café para abangan si Taurus. Sa totoo lang, miss na miss ko na kaagad ang lalaking iyon kahit pa nag kita naman kami kanina.

“Ano ba! Huwag mo nga akong tawaging sexy! Ang maniac mo!!” inis naman na reklamo ni Queen.

Napahugot ako nang buntong hininga. “Eh! Gusto ko eh! Saka pwede ba, huwag na huwag mo nga akong tawaging maniac! Sa gwapo ko bang ‘to, mukha pa akong maniac!?” na asar na sambit niya.

Madalas na nag aaway ang dalawang ito kapag nag kikita kaagad sila. Hindi ko alam kung ano ba ang na kain nila araw–araw kung bakit sa tuwing nag kikita ang dalawang ito lagi silang nag aasaran saka nag pipikunan.

“Kung ayaw mo pa lang tawagin nang manyak! Bakit ayaw mong tumigil kaka sexy ka jan ah!?” napatingin ako kay Queen at doon mo makikita ang sobrang pagmula nang pisngi niya sa inis.

Nakaka–pagtaka lang naman, kahit ilang beses silang nag aaway sa tuwing nag kikita ang dalawang ito, lagi pa rin silang mag kasama kahit lagi silang mag kaaway. Bagay nga ang dalawang ito, kaso ang bulag naman nitong si Queen.

May gusto si Klayde kay Queen.

Hindi lang kasi pina–pahalata ni Klayde pero sa akin? Halatang halata na talaga na may something ‘tong si Klayde kay Queen. Kaya dina–daan ni Klayde sa pang aasar. Deep inside he have feelings for Queen.

Kaso ito naman si Queen, masyadong bulag —at kelangan na ata ipa–check up sa EO sa sobrang bulag nang mata niya. Pero ibang klase din itong si Klayde ah. Kahit ang panget nang ugali niya—pag dating sa pang tri–trip niya maiinis ka talaga sa sobrang panget niya. As in, pagmasdan mo lang siya maiinis kana kasi, minu–minuto mang aasar yan sa iyo. At hindi nakaka tuwa ang bagay na yun lalo na kung walang sense ang pinag sasabi niya.

But he’s good at fashion. Marunong siyang tumingin sa isang tao, lalo na ang panunuot nito nang damit. Saka hindi lang naman yun ang kaya niyang gawin. He’s funny too. Mahilig siyang magpatawa once na maka–kasama mo siya. Mapang asar din siya—ngunit ngayon? Nakahanap ata nang katapat kaya minsan minsan nalang siya mang asar sa akin. At sa iba. Malakas din siya pag dating sa mga kababaihan. Marunong siyang kumanta, at madami pa siyang alam maliban doon.

Kaya hindi ko ba alam kung bakit hindi nagugustuhan ni Queen si Klayde? The more you hate Queen, the more you love.

“Ang panget mo! Mukha kang pwet nang aso!” bulyaw pa nito.

Humalakhak lamang si Klayde kay Queen. “Kung ako mukhang pwet. Ikaw naman mukhang tae.” pang asar niya pa.

Napakamot sa inis si Queen at nag head down nalang siya. Pinandilatan ko si Klayde.

Virgo Meet Taurus |✓Completed| (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon