Chapter 21

1.7K 34 3
                                    

—Virgo Meet Taurus

Chapter 21

[Virgo POV’s]

Nandito ako ngayon sa harapan ng gate at inaantay si Leo habang may binibili sa ‘di kalayuan. Napatingin pa ako kay Leo na masayang bumibili sa tindahan ngunit nabigla akong napahawak ako ng mahigpit sa ulo ko sa matinding sakit.

Sobrang nangingirot ito sa sobrang sakit, at pakiramdam ko yung mga ugat ko sa loob ng utak ko unti unti silang nag si napuputol sa sobrang sakit. Napaluhod ako ngayon sa sahig habang hawak ko ang ulo ko.

A–anong nangyayari sa akin.... Bakit ang sakit sakit..

“ATE!! ATE!!” narinig ko pa ang sigaw ni Leo. Pilit kung tumitingin kay Leo, ngunit maski ang aking mata—nanlalabo na ito at unting unti na lang mawawalan na ako ng malay.

“L–leo..” bulong ko. Bago pa ako pumikit nakita ko pang may sumalo sa akin bago ako mahulog sa matigas na lupa.

... Taurus...

________

Nagising ako ng maramdaman kung tumatama ang nakaka silaw na liwanag sa harapan ko. Nasa langit na ba ako? Kung nasa langit na nga ba ako, huwag niyong pabayaan ang pamil—

“Atee!!” napatigil ako ng makita ko si Leo todo ngiting bumungad sa akin.

Akala ko nasa langit na ako. Potek akala lang pala. Mag a–assume na sana ako na nasa langit na ako para mawala na ang sakit na pinag daanan ko. Pero hindi ko pa rin kakayanin na mawala ako sakanila.. ayaw kung ma–iwan ang taong nag bigay sakin ng tiwala sa sarili at pag asa.

Pinagmasdan ko ang paligid ngayon, poro puti ang nakikita ko kung kaya’t aakalain mo talagang nasa heaven kana. My ghod. Napatingin ako sa kaliwa ko. Doon ang binata kung saan kitang kita mo ang maaliwalas na kalangitan. Habang sa kanan naman nandoon si Leo meron din doon na mini ref at maliit na kabinet at sa harapan ko naman ay may mini t.v rin. Medyo may kalakihan din ang kwartong tinutuluyan ko ngayon.

God, nasa hospital ako ngayon.

Tumingin ako kay Leo. “Anong nangyari sa akin?”

Hinawakan ni Leo ang ulo ko at bahagya nitong ginulo. Teka naguguluhan ako ah. Kanina nandoon lang ako sa harapan ng gate namin habang inaantay si Leo na bumibili sa ‘di kalayuan.

Ngunit— “Nahimatay ka ate.” dugtong ni Leo.

I deeply breathe.

Sa sobrang kaka hintay ko kay Leo—bigla na lang kumirot ang ulo ko at noong una medyo ayos ayos lang ang pag sakit ng ulo ko—pero habang patagal ng patagal unti unti itong kumikirot sa sakit at bigla bigla nalang akong nahihimatay ng hindi ko na mamalayan.

Pero bago pa man ako mawalan ng malay kanina, nakita ko si Leo tumatakbo papunta sa akin. Kaso hindi lang siya ang nakita kung kumakaripas takbo upang saluhin ako... Biglang bumungad ang imahe ni Taurus sa akin at bago ako nawalan ng malay agad niya akong sinalo.

“Dinala ka namin dito ni kuya Rus, ate.” narinig kung bulong ni Leo. Bumilis ang kabog ng dibdib ko sa sinabi niya.

Hindi ako nakapag salita sa sinabi niya. I know, hindi mo naman ako kayang dalhin ng mag isa dito sa hospital. Pero ang nakaka pagtaka lang... Anong ginagawa ni Rus doon ‘nong nawalan ako ng malay.

Tumingin muli ako kay Leo. “May pasok ‘di ba? Bakit hindi ka pumasok?” nahihirapang sambit ko.

Hinawakan ni Leo ang kamay ko. “Pumasok ako kanina, ngayon break time namin at nag paalam muna ako saglit kay ma’am na dadalawin ka muna saglit lang.” sabi niya pa.

Virgo Meet Taurus |✓Completed| (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon