—Virgo Meet Taurus
Chapter 19
Simula ng sabihin iyon ni Lendra sa akin kagabi, hindi ko alam pero, hindi ako nakatulog doon. Pakiramdam ko ma de–depress talaga ako sa sinabi niya. Pinipilit kung hindi paniwalaan ang bagay na sinabi niya.
Baka pinagtri–tripan lang ako ng mga yon. Once na tinanggap ko ang sinabi ni Lendra sa akin, masasaktan ako ng sobra. Ayaw ko na ulit masaktan ‘noh! Baka kapag dumagdag pa yun sa napaka dami kung problema. Ikakapatay kona yun.
Cause of death: problem 101.
Potek—stress out na nga ako, tapos idadag dag pa yan? Musta naman life ko ‘non ‘di ba? Wala bang katahimikan jan?
Saka—kapag iniisip ko ang bagay na yun, buhay na buhay ang diwa ko. I mean— yung sa side ng kabilang puso ko, parang tinatanggap na ako nga’y nahulog na sakanya.
Pero yung kabilang side naman, parang nag de–denied ang bet niya. Kasi alam mo naman, prino–protektahan lang ang puso na tin. Hays, kung may gamot lang para dito malamang matagal ko ng pinag ipunan para una palang mag take na ako.
At mawala na ang tanginang nararamdaman na ‘toh. Kasi nahihirapan na ako.
“Huy, ano ate? Umagang umaga day dreaming ka na naman kay kuya Rus?” tinignan ko ng masama si Leo sa sinabi niya.
At potek—pwede namang sabihin niya nalang na aalis na kami, kesa sabihin niya ang nag day dreaming ako.
Agad kung kinuha ang sling bag ko at ang jacket ni Rus na pinahiram niya sa akin, dahil sa hindi ko alam ang kanyang kadahilanan kung bakit niya ginawa ang bagay na yun sa akin.
I hope walang meaning ang ginawa niya.
“Ate, tungkol nga doon sa sinabi mo na ang tunay na pangalan ni kuya Rus ay Taurus.” panimulang puna niya sa akin.
Napatikhim ako at tinignan siya. “Yep, bakit?” tanong ko naman.
Pumunta siya sa harapan ko, at pa atras ang kanyang ginawa sa paglalakad namin. Teka anong trip naman ng lalaking ito? Don’t tell me, mang aasar na naman ito?
“Nakakapag taka lang, bakit sa dinami dami ng taong pwede nating i–meet—I mean, yung hindi hango ang pangalan nila sa zodiac sign gaya sa atin? Pero bakit si kuya Rus—Taurus pa ‘di ba?” kunot noong tanong niya, habang ang kanan niyang kamay nasa ibaba ng baba niya.
Oo nga minsan, iniisip ko rin ang bagay na yan. Pero hindi ko nalang pinag tuunan ng pansin kasi wala naman akong alam eh, kung bakit nagka–kilala kaming dalawa? Hindi ko naman kasi hawak ang mundo ‘di ba?
Hindi naman ako ang panginoon upang malaman ang lahat kung bakit sa dinami dami ng pwede kung ma–incounter siya pa. Hindi naman sa nag iinarte ako, pero mas okay na rin na nakilala ko siya. Kasi ng dahil sakanya, binigyan niya ako ng lakas ng loob at pinaramdam niya sa akin na kahit gaano ‘man kahirap ang problema. Kayang kaya yan kung may kakayahan ka sa sarili mo or nag titiwala ka sa sarili mong malalagpasan mo ito. Kasi pag subok lang yun, lilipas din iyan at magiging success ako habang buhay.
And now? Dapat maging handa ako sa mga problema at pag subok na dadating sa atin. Always remember, God always there by your side.
“Hindi ko alam kung biro ba ito?” sabi pa niya. Imbes na sagutin ko ang sinasabi niya nanahimik na lang ako.
“Or sadyang—naka sulat na sa libro ng diyos na kayo talaga ang naka tadhana? Kung kaya’t nandito si kuya Taurus sa harapan natin. I think—it’s a big coincidence. That’s interesting.” hindi ko alam kung maiinis ako sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Virgo Meet Taurus |✓Completed| (UNDER REVISION)
RomanceSynopsis: Helena University #1 Meet Virgo, ang simpleng dalaga na nais lamang mapansin ng kanyang ina at mahalin siya kagaya ng pagmamahal noon sa kaniya. Ngunit simula nang mawala ang kanyang ama tila nasira ang lahat, nakalimutan na siya ng ina at...