Chapter 17

1.6K 37 6
                                    

-Virgo Meet Taurus

Chapter 17

Dinala ako ni Rus sa isang store kung saan walang gaanong customer. Punong-puno pa rin nang katanungan ang aking isipan, at pilit pa ring hinahanap ang kasagutan.

Hingal na hingal kaming dalawa, ang layo ba naman kasi ng tinakbo namin para lang mawala sa mga fans niya, 'di ba? Pero artista nga ba talaga itong si Rus.

Bahagya ko siyang tinignan. Napa-hawak siya sa noo niya habang humihinga ng malalim. "R-rus.." bulong na tawag ko.

Tumingin siya sa akin. Habang unting-unti kong nakita ang pagukit ng matatamis na ngiti niya sa labi nang makita niya ako. "I miss you." sabi niya.

Bumilis ang kabog ng puso ko sa sinabi niya, kasabay ang pag iwas ng tingin sakanya. Bakit ba ang aga niyang mag pa kilig ah? Hindi ako natutuwa Rus.

"S-sino ka ba talaga Rus? I-I mean, ba't tayo hinahabol ng babaeng yun ah? Tapos tinatawag ka pa ng Taurus-" napatigil ako ng bigla niya akong niyakap ng mahigpit.

Nagulat ako sa ginawa niya.. para akong binuhusan ng malamig na likido sa buong katawan ko, hindi ako nakagalaw sa ginawa niya. Damn. Ilang beses niya na akong niyayakap ng ganito pero pakiramdam ko parang hindi pa ako sanay ngayon.

"Forgive me, if I lied to you.." bulong niya.

Ramdam na ramdam ko ang bilis ng pag kabog nang kanyang puso. Gaya ng nararamdaman ko ngayon, parehas kaming dalawa. Pero bakit-


"I'm Taurus Klay Parker.." para akong binagsakan ng langit at lupa sa sinabi niya. So artista siya?


I sighed. "Artista ka ba?" pinilit kong mag salita ng maayos.

Naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa leeg ko. "No.." inangat ko ang ulo ko.

Ngunit pag angat ko ng ulo ko-nanlaki ang dalawa kong mata ng nakayuko siya sa harapan ko at nag salubungan ang aming mga mata. Iiwas sana ako ng tingin-ngunit napako na ako ng titig niya. Para akong isang statue na hindi na maka galaw sa kanyang mata.

Gusto kung pumiglas, gusto kong kumalas sa yakap niya upang makalayo sakanya. Ngunit, hindi ko kaya. Dahil yung kamay at paa ko parang nalagyan na ng glue, hindi ako makagalaw ng maayos.

"Sorry.." sabi niya sa harapan ko.

Hindi na ako nakapag salita sa sinabi niya, na shocked ako. As in. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa posisyon namin ngayon. Alam kong mali ito. Oo alam na alam ko, ngunit hindi ko talaga kayang lumayo sakanya.

"Will you still accept me even though I lied to you?" bulong niya.

Pilit kong iniiwas ang aking mata sa mata niya, ngunit kahit ilang beses kong iniiwas ang aking mata sakanya. Sinu-sundan niya pa rin ang aking mata. Rus.. natutunaw na ako.

HINDI KO NA KAYA!!

"R-Rus.. may mga tao.." ito lang ang tangi kong naibulong sakanya. Pulang-pula na rin ang magkabilang pisngi ko, panigurado.

Ngumiti siya ng malawak. Kasabay ang unti-unti niyang pagyuko ng ulo niya upang malapit ang kanyang mukha sa mukha ko. Nagulat ako sa ginawa niya, kung kaya't ginawa ko ang lahat upang malayo sakanya.

Agad ko siyang tinulak palayo sa akin. Tinulak ko siya ng malakas, upang hindi matuloy ang balak niya sa akin. Hindi pa ako handa sa ganoon. Hindi pa ako handa.. hindi... Hindi ko pa.. kaya..

Ayaw ko ng bumalik sa dating ako-kapag nangyari ito..

"V-Virgo..." naramdaman kong may tumulong luha sa aking mata.

Virgo Meet Taurus |✓Completed| (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon