—Virgo Meet Taurus
Author’s Note;
Yeah, gagawa na ako ng Point of view ni Taurus. Masyado na kasi akong natuwa kay Virgo, kaya nawala sa utak ko na isama yung POV’s ni Taurus. Don’t worry, I–flashback ko lahat ng mag mula sa umpisa.
Chapter 20
[Taurus POV’s]
“Sure ka lang ba na ayos ka Virgo?”nag aalalang tanong ko kay Virgo.
Nag lalakad kami ngayon pauwi sa bahay niya, at hindi ko rin alam kung ano ang bumabagabag sakanya. Kanina pa kasi siyang tahimik sa tabi ko, kung kaya’t hindi ko maiwasang kabahan sakanya.
Mas sanay akong naka ngiti siya sa akin. I mean, hindi ako sanay na ganyan siya.
Pilit na ngumiti si Virgo sa harapan ko. “Mukha ba akong hindi okay?” balik tanong niya.
Bahagyang na ngunot ang noo ko sa sinabi niya, is she trying to pretend to me—Like she’s fine? “Tell me Virgo, kung may problema ba or ‘di kaya may nangyari ba na hindi ko alam kanina?” sunod sunod kung tanong sakanya.
Kinakabahan kasi ako sakanya, “Ano ba Taurus, ayos na ayos lang ako.” sagot niya, sabay tingin sa akin.
Napaiwas ako ng mag tama ang mata naming dalawa kahit gabi na tanaw na tanaw ko pa rin ang maganda niyang mata—na nag bibigay pagka wala ng puso ko sa loob ko. Damn.
“S–sure?” tanong ko ulit.
Puma–harap siya sa akin at napatigil ako sa nagawa niyang yun. Humarap siya sa akin na may ngiting malawak sa harapan ko habang ang kamay niya ay nasa likudan niya. Kinabahan ako sa ginawa niya, bagamat first time niya lang itong gawin sa akin at hindi ko kaya kapag siya ang gagawa sa akin nito—I mean, mahina ako pag dating sakanya. Mabilis akong kabahan at ma–speechless lang ako.
“Sure na sure, saka teka nga!” sagot niya at bigla na lang siyang nag angat ng ulo niya upang pagmasadan ako.
Naramdaman kung uminit ang mag kabilang tenga ko sa ginawa niyang hindi ko in–expect ng sobra. Agad akong napa iwas sakanya at pasimpleng nag sipol sipol na lamang.
Hindi ko na mapigilan pa, ako’y mahina sakanya. Isang maling galaw mo lamang ako’y unti–unti ng nahuhulog sa iyong bitag.
“Hala, bakit namumula yang mag kabilang tenga mo ah!” biglaang tanong ni Virgo sa akin.
Nanlaki ang mag kabilang mata ko sa sinabi niya, napansin niya talaga! Ang dilim dilim na pero yung mga mata niya parang owl sa sobrang liwanag. “H–hindi ah. Kinamot ko yan kanina!” palusot ko.
Ngumuso naman si Virgo. “Hindi na nga kita pipilitin, bahala na nga kung kinamot mo ba talaga or sadyang—” putol niya sabay ngiti.
Kumunot ang noo ko sinabi niya, ano bang pinag gagawa nito sa akin huh? Alam niya naman na mas malakas ako ‘man trip, pero tignan mo naman ngayon? Damn! Damn! Damn!
Feeling ko mas lumalakas ang pan trip niya sa akin. Pa salamat ka at I like you. Napangiti ako sa bulong ko at tumingin kay Virgo.
“Sadyang ano?” inosente kung tanong sakanya.
Tumawa siya at ngumiti. “Secret na walang clue.” sabay karipas takbo niya.
Honestly, araw araw akong nahuhulog sa babaeng ito. Yung feeling ba na sa tuwing kasama mo siya, araw araw na dadagdagan ang nararamdaman ko sakanya. Alam mo yung level na Crush lang yung nararamdaman mo sakanya—pero habang patagal ng patagal unti unti din itong na dadagdagan hanggang sa umabot sa level na—I want to be her boyfriend.
BINABASA MO ANG
Virgo Meet Taurus |✓Completed| (UNDER REVISION)
RomanceSynopsis: Helena University #1 Meet Virgo, ang simpleng dalaga na nais lamang mapansin ng kanyang ina at mahalin siya kagaya ng pagmamahal noon sa kaniya. Ngunit simula nang mawala ang kanyang ama tila nasira ang lahat, nakalimutan na siya ng ina at...