—Virgo Meet Taurus
Chapter 15
KINABUKASAN,
Nagising ako ng maramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko sa ilalim ng kama. Napahawak ako sa ulo ko ng maramdaman kong medyo nahihilo ako ng kaunti. Agad kong kinuha ang cellphone ko sa ilalim ko at daling itinapat sa tainga ko.
“H–hello?” sabay hikab.
I’m so sleepy talaga.
Nanatili pa ring nakapikit ang mata ko, habang inaantay ang boses nang nasa kabilang linya. Wala akong ka ideya-ideya kung sino ang tumatawag ngayon.
“Hey, it’s 5 o’clock in the morning.” agad akong napamulat sa sobrang gulat.
“Maaga pa.” sabi ko, habang naka-ukit ang malawak kong ngiti sa hangin. Bigla nalang akong naging masaya ng tumawag siya sa akin, I thought kakalimutan niya yung pangako niya sa akin.
Rinig ko ang malawak niyang paghinga sa akin. “Anong maaga pa ah?” sabi niya sa sinabi ko. Natawa siguro ako sa sinabi niya. I miss his voice, honestly.
“By the way, Good morning sleepy head.”
“Akala ko ‘di kana tatawag sa akin.” biglang nailabas ng bibig ko.
Na out of speech ba ako?
Hala?!!
Hindi ko alam kung anong reaksyon niya sa sinabi ko, dahil biglang tumahimik ang kabilang linya. May sinabi ba akong mali? Kaya hindi siya agad-agad nakapag salita sa sinabi ko?
“A–akala mo lang yun ‘noh!” bahagyang sigaw niya.
Natawa siguro ako sa sinabi niya. “I can’t forget my promises, Virgo. Tatawag at tatawag pa rin ako either busy ‘man ako or hindi, Virgo.” dagdag pa niya.
Bumilis ang kabog ng puso ko sa hindi ko malamang ka-dahilanan. Basta nung sabihin niya yun, bumilis ang kabog ng puso ko. Alam mo yung sobrang bilis? Parang may racing na nagaganap sa loob ng puso ko.
Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya, nanatili lang akong nakangiti habang ang puso ko ay sobrang bilis ng kabog sa sinabi ni Rus. “Hindi ako nakapag call sa ’yo kasi may meeting kaagad kaming pinuntahan ni Dad, at mga 12 o’clock na kami nakauwi sa hotel—” napatigil siya ng may marinig akong kung anong bagay sa kabilang linya.
“Young master, mag handa na raw po kayo sa speech para sa meeting mamaya.”
Narinig ko ang boses babae sa kabilang linya. Nasaktan ata ako sa narinig ko—hindi ko alam kung bakit pero sa tuwing babae ang nakakasama niya para akong nasasaktan na ewan. Ano bang meaning nito? I mean, sakit ba ‘toh? Baka pwedeng magamot.
“Okay, tell Dad, I’m ready.” rinig kong sagot ni Rus sa babae.
Tumayo ako at kinuha ang tuwalya ko. “You’re busy Rus,” sabi ko habang tinatahak ang banyo namin.
“Yep, A little bit busy.” sagot niya naman. Ano kayang ginagawa ni Rus ngayon ‘noh?
“Tumawag ako kagabi, noong makauwi kami ng hotel.. pero walang sumasagot... Kung kaya’t inisip ko nalang na baka tulog na itong si Virgo. So ngayon kita tinawagan—before ako umalis.. just checking.” dagdag pa niya. Napatango ako sa sinabi niya, kaya pala sabi ko ba’t hindi pa siya tumatawag. Busy pala siya.
“Ah—yaan mo ayos lang.” sabi ko pa. At daling pumasok ng banyo.
“Musta pala kahapon? Kumain ka ba ng marami? Or ‘di kaya may um–away ba sa ’yo?” sunod sunod niyang tanong.
BINABASA MO ANG
Virgo Meet Taurus |✓Completed| (UNDER REVISION)
RomanceSynopsis: Helena University #1 Meet Virgo, ang simpleng dalaga na nais lamang mapansin ng kanyang ina at mahalin siya kagaya ng pagmamahal noon sa kaniya. Ngunit simula nang mawala ang kanyang ama tila nasira ang lahat, nakalimutan na siya ng ina at...