Chapter 10

2K 33 3
                                    

-Virgo Meet Taurus.

Chapter 10

MONDAY na ngayon, at nagmamadali akong pumasok sa school namin. I'm super late!! So I ran as fast as I really could! I told Leo, that he could wake me up like we used to. But he also seems to have forgotten my reminder. So I let him nalang, though he was late too.

Yes, we were both late.

Kung kaya't para kaming tangang tumatakbo papunta sa mga school namin. It's my first time to be this late. Paano ba kasi, we were both busy doing our project last night, and we didn't notice the time! We both think it still early but no! Kung kaya't ito kami ngayon.

Late kami ngayon.

____

Pag pasok ko pa lang nang classroom namin, bumungad kaagad ang galit na mukha ni Mrs. Yilmaz.

"Why are you late?" seryosong sambit ni Mrs.

Yumuko ako, "Late ng gising po." magalang na sagot ko kay Mrs.

Okay na 'yung umamin talaga, kesa magisip pa ng kung anong rason dahil late naman talaga akong nagising dahil sa project namin.

Kung maari nga lang din ay talagang isisisi ko 'yung project namin, dahil stressed talaga kaming dalawa ni Leo kahapon.

I saw how Mrs. Yilmaz kept her anger on me.
Ilang minutes lang naman akong late eh. Mga 5 minutes lamang pero, galit na galit siya sa akin. I tightly hold the strap of my bag.

Sabay yumuko sa harapan nila. Halos lahat ng classmate ko ay nakatuon lang ang atensyon sa akin. Well, it's my first time again.

At never na mauulit-ulit!

Huminga ng malalim si Mrs. Yilmaz. "Okay, You can seat now on your chair." sambit ni Mrs.

Mahigpit ko pa din hawak ang bag ko dahil kung ano ang bagay na pumapasok sa aking isipan sa mga tingin na iyun.

Natatakot ako.

Tignan mo mga mata nila.

Hindi ba ganiyan din ang tingin sa 'yo ng mga tao?

At mas lalong ganiyan din ang tingin sa 'yo ng mama mo?

Umiling-iling ako at mabilis na yumuko.

Ayaw ko na.. ito na naman..

Agad kong sinunod ang sinabi niya. At masama akong tinignan ni Crash ang galit na galit sa akin. I don't know kung bakit s'ya nagagalit sa akin. Bagamat ako'y nanahimik lamang.

Tumuloy ako sa sarili kong upuan at tahimik na umupo. When I saw the blackboard infront of me. I was totally shocked. Is this the new lesson? And I didn't know about it. How can I study this, if I don't have any idea? Ghod. I really hate this day.

Malalim akong huminga, nilabas ko nalang ang book ko.

Hahanapin ko nalang sa google ito mamaya, self study nalang since ganoon naman lagi. Hindi naman pwedeng sabihin na ulitin dahil kung sasabihin ko man iyun malamang baka maitapon sa akin ang eraser board.

"Get your yellow pad. As I said lately, after this lesson. We have a quiz right?" rinig kong anunsyo ni Mrs. Yilmaz sa harapan ko.

What?! Kung kailan nga naman talaga oh! Napakamot ako sa ulo. Wala akong nagawa kundi ilabas ang isang papel ko.

Anong gagawin ko?

Hindi naman ako pwedeng mangopya sa iba dahil hindi na ito highschool or elementary para lokohin ang quiz. College na ito at kapag sinabing college lahat ay sine-seryoso.

Virgo Meet Taurus |✓Completed| (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon