Chapter 33

1.4K 29 2
                                    

—Virgo Meet Taurus

Chapter 33

Ganito pala ka sarap sa pakiramdam ang makilala ang magulang nang iyong partner kahit pa mama niya pa lang ang nakilala ko, parang tumatalon na ang puso ko sa sobrang tuwa. ‘Di na rin ako masyadong nag iisip nang kung ano–anong bagay na nakaka–sira sa possitive thoughts ko.

“Tapos ito pa iha, lagi ka niyang sinasabi sa akin, bawat araw ang nag dadaan ay lagi kang bukang bibig niyang si baby.” dagdag pa ni mommy Teresa.

Wala siyang ginawa kundi ay ang pag kwento–kwento tungkol sa mga pinag gagawa nang kanyang anak at sa mga bagay bagay na hindi ko pa alam noong araw na hindi pa kami. Sobrang saya nang puso ko sa tuwing kwene–kwento niya yun sa akin. Unexpected ito, yung kwene–kwento ka pala nang boyfriend mo sa mama mo.

Pinagmamalaki kumbaga.

Binalingan ko nang tingin si Taurus sa tabi ko. Kitang kita ko kung paano siya umiwas nang tingin sa sinasabi nang mama niya. Kaharap namin ngayon ang kanyang ina sa hapag, habang ang papa niya naman ay hindi ko alam kung nasaan. Basta ang sinabi lang nila busy on work, so, hindi ko siya ma–meet today.

“Nagulat nga ako sa inaasal nang anak ko this past few months.” sabi pa niya.

Todo ngiti akong humarap kay mommy Teresa. “Talaga po? Hindi po ba ganito ang inaasal niya?” curious kung tanong.

Hindi na rin ako gaanong naiilang kung mag tanong sakanila. Kasi friendly rin naman ang mama niya, saka hindi siya yung tipong mommy na seryoso lang. Iba siya eh. Kaya nga gusto ko kaagad ang mama niya.

Tumawa si mommy at humarap kay Taurus na para bang nang aasar ito. “Hindi naman siya ganito dati iha, he’s always cold and you don’t see his face without emotion.” aniya.

Bahagya akong tumingin kay Taurus. Umiwas siya nang tingin sa akin nang mag tama ang mata namin, I want to tease him so bad.

“Hala talaga po?” hindi makapaniwalang sagot ko.

Tumango si mommy, “Yep, believed it or not, gano’n talaga si Taurus dati.” aniya. Saka niya ako nginitian nang malawak. “Kaya salamat sa’yo iha, siguro kung hindi ka niya nakilala ngayon, maybe gano’n pa rin siya dati. Right baby?” dagdag pa niya at sabay baling niya kay Taurus na iwas nang iwas nang tingin sa amin.

Hindi ko alam ang bagay na ito, ’nong dati oo masungit siya as in, unang meet namin kita ko ang mala dragon niyang titig. Tapos wala siyang gaanong ka expression na makikita sa mata niya dahil blangko ito—kaya nga patagal nang patagal doon ko nakikita ang sweetness side niya, nawala sa utak ko ang bagay na yun. Dahil para na akong nilalamon nang sistema niya kaya maski iyon nakakalimutan ko.

“Mommy, stop. Saying that.” pakiusap niya naman sa kanyang mama.

Ngumiti na lamang ang mama niya. “Baby, kunin mo nga yung shake sa kitchen natin, I forgot to bring here eh.” biglang utos nang kanyang mama.

Hinawakan pang mahigpit ni Taurus ang kamay ko bago siya tumayo. “Wait here. And mom, don’t ever tell my privacy stuff!” sabay baling niya sa mama niya.

Here we go again.

“Of course baby, I won’t tell your privacy.”

Umalis si Taurus sa harapan namin at pumunta sa kitchen para kunin ang shake na ginawa ni mommy Teresa. Isa siyang kilalang professional chef sa pilipinas—at ngayon ko lang napagtanto na si mommy Teresa ay isa sa mga favorite pastry chef ko noong bata pa ako, sinabi ko yun sa kanya noong una tapos labis siyang natuwa nang sabihin ko iyon.

Virgo Meet Taurus |✓Completed| (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon