—Virgo Meet Taurus
Chapter 25
“Oh, hanggang pag gising mo naman ba, nakangiti ka pa rin?” narinig kung bungad ni Klayde.
Tama si Klayde. After naming maka uwi kagabi ni Taurus hindi ko maiwasan ang malawak kung ngiti sakanya. Nag mumukha na ata akong sira dahil hanggang ngayon hindi pa rin mawala sa labi ko ang malawak kung ngiti. Shit. Ano ba kasing ginawa mo sa akin Rus?
“Musta pala yung pina–suot ko sa’yong damit ah? Mukha kang modela doon. Kung gusto mo nga isama kita sa bench.” aniya.
Hindi ko yun pinansin. Basta naka tulala lang ako sa harapan ko ngayon, damn it. Pwede bang kainin mo nalang ako lupa?
“Nag hahanap pa naman sila ng babae—” napatigil siya sa sasabihin niya.
“Potek naman oh!” sabay batok niya sa akin.
Agad akong napa daing sa ginawa niya. Hindi nakakatuwa yun ah, masakit ng kaunti ah. “ANO BA! HINDI KA NAKAKATUWA AH!” bulyaw ko sa inis sakanya.
Napa kamot siya, “Mas lalo namang hindi nakakatuwa yang ginagawa mo sa akin ah. Nag sasalita ako dito ‘di mo ako pinapansin ah!? Hangin ba ako!?” sabi pa niya.
Aw, sorry naman kung ‘di kita pinapansin sadyang wala lang talaga akong pake alam sakanya. Na kay Taurus kasi ang sistema ng mundo ko.
Hindi ko nalang siya pinansin, kinuha ko nalang ang unan sa gilid ko at niyakap ito ng mahigpit. Gusto kung umamin kaso hindi ko alam kung paano ko sasabihin sakanya. Saka baka ma busted lang ako sakanya, at masira pa ang meron sa aminh dalawa.
“Ewan ko sa’yo. Ang laki ng pinag bago mo na in love ka lang sa lalaking iyon.” sabi pa niya. At aakmang tatayo na sana.
“Uy, ito na pa pansinin na kita.” sabi ko sakanya. Wala naman si mama at si Leo sa bahay mukhang may pinuntahan ata ang dalawa, hindi ‘man lang ako sinama.
Lumawak ang ngiti ni Klayde sa sinabi ko. “what do we want to talk about?”
Bumuntong hininga ako at humarap sakanya ng naka nguso. “Hindi ko alam.” tipid na sagot ko.
Napa kamot siya sa sinabi ko. “I don‘t know what’s going on with you. Be thankful. You are my cousin, otherwise, I will leave you here.” rinig ko pang sabi niya.
“Oo na! Ito may itatanong ako sa’yo!” sabi ko at bahagyang lumapit sakanya.
Kumunot noo niya sa sinabi ko. “Don’t tell me, sakanya na naman yan?” sabay taas ng kaliwang kilay.
Matamis akong ngumiti sakanya. Gusto mo ng topic ‘di ba? Then I will give you a topic. Praning na siguro ako ‘noh? Kung praning na ako. Edi praning tanggap ko naman eh.
Basta in love lang ako.
“Nakita mo na rin naman siya ‘di ba?” tanong ko pa. Walang gana siyang tumango sa sinabi ko.
“I saw him yesterday, so?”
Malawak akong ngumiti sakanya. “Gwapo niya ‘di ba??” tanong ko, habang kinikilig.
Kitang kita ko kung paano nandiri sa sinabi ko kanina. “Anong tanong yan ah.” sabi pa niya, habang nandidiri siya sa sinabi ko.
Ngumuso ako sakanya. Wala ‘man lang siyang paki sama kahit ngayon lang. “Wala lang nag tatanong lang naman ako ah! Masama ba!!” inis na sabi ko.
Bumuntong hininga siya. “Pogi lang siya pero mas pogi ako sakanya.” imbes na matawa or ngumiti sa sinabi niya.
“Yuck! Yuck! Yuck!” biro ko pa. At aakma ko sanang hampasin siya ng unan ko.
BINABASA MO ANG
Virgo Meet Taurus |✓Completed| (UNDER REVISION)
RomanceSynopsis: Helena University #1 Meet Virgo, ang simpleng dalaga na nais lamang mapansin ng kanyang ina at mahalin siya kagaya ng pagmamahal noon sa kaniya. Ngunit simula nang mawala ang kanyang ama tila nasira ang lahat, nakalimutan na siya ng ina at...