—Virgo Meet Taurus
Chapter 18
Kinabukasan,
Sariwang sariwa pa rin sa puso ko ang sinabi ni Rus na siya’y may crush. Hays. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ‘nong inihatid niya ako sa bahay. Idagdag mo pa yung biglaang pag dating niya na dapat ngayong araw pa siya dadating dito sa maynila.
Ano kayang na kain ni Rus, at umuwi siya kahapon?
Alam mo Rus, punong puno na utak ko simula ng malaman kung ikaw si Taurus Klay Parker. Tapos pangalawa yung nangyari sa amin—yung bigla niyang inilapit ang mukha niya sa akin. Pangatlo yung sinabi niyang
Sana nga, may chance na magka gusto siya sa akin.
Like—what the Rus! Anong pinakain mo sa akin at nasaktan ako sa sinabi mo? Alam mo bago ito, bagong sakit na nararamdaman ko. Hindi lang pala pag sakit ng ulo ko, magkakaroon din pala ako ng sakit sa puso ng dahil sa iyo Rus. Da hell.
Nagagamot na ito? Ano ba kasing sakit ito? Bakit wala akong alam ni isa!!!
Saka sino kaya yung babaeng tinutukoy niya? Hindi naman sa naiinggit ako, gusto ko lang malaman kung sino yun. I mean, na curious lang ako. Buti pa siya may bagong crush, ako kaya? Kelan kaya ako magkakaroon ng crush ‘di ba?
Kasi hindi pa ako handang sumabak sa level ng mag jowa eh. Hays. Siguro tatanda ako ng dalaga, da hell.
“Huy,” napatingin ako kay Queen.
Bumungad sa akin ang matatamis niyang ngiti. “Queennnn!!” sigaw ko.
Natawa siya ng sumigaw ako. “Akala mo isang taon or limang taon tayong ‘di nag kita eh ‘noh.” sabi niya pa ng makalapit sa akin.
Natawa ako sa sinabi niya. “Wala lang. Na miss lang kita!” parang batang sambit ko.
Binatukan niya ako. “ ‘Di ka naman ganyan ah? Siguro may nangyari na hindi ako alam?” pang asar niya sa akin.
Wala naman nangyari sa akin eh. Basta gumising akong okay—harsh! Hindi ko alam! Basta okay ako ngayon!
Ngumuso ako. “Wala namang nangyari sa umaga ko.” sagot ko.
Napa kamot siya sa ulo. “Edi wala!” sabay akbay niya sa akin. I swear, maba–baliw talaga ako sa babaeng ito.
Kada papasok ako ng may ngiti sa labi, lagi niya akong tina–tanong kung may nangyari daw ba sa akin, kung kaya’t abot langit ang ngiti ko. Napapakamot nalang ako ng ulo sa tanong niya eh, basta masaya ako ngayon at sa mga susunod na araw na dadating.
No more explain, as long as I’m happy—I’m happy. Ayun lang yun.
_____
“Sigurado ka bang hindi na lang kita ihahatid?” tanong ni Queen sa akin.
Uwian na namin at balak niya sana akong ihatid sa part time job ko, kaso panay iling ako dahil kasama ko naman na si Rus. Saka ayaw ko naman na maabala pa siya sa akin, ang dami niya na kayang naitulong sa akin ‘nong wala si Rus.
“Oo naman, hindi ba may meeting ka pang pupuntahan mamaya? Oh ‘di ba, saktong sakto.” sabi ko habang nag lalakad kami palabas ng gate.
Ngumuso siya. “Oo may meeting kami, pero gusto sana kitang ihatid bago ako dumiretso sa building ni daddy.” parang batang sambit niya.
Natawa ako. “Haha, ayos lang ano ba. Unahin mo nalang yang meeting niyo ng daddy mo. Magiging maayos lang ako.” sabay tapik ko sa balikat niya.
BINABASA MO ANG
Virgo Meet Taurus |✓Completed| (UNDER REVISION)
RomanceSynopsis: Helena University #1 Meet Virgo, ang simpleng dalaga na nais lamang mapansin ng kanyang ina at mahalin siya kagaya ng pagmamahal noon sa kaniya. Ngunit simula nang mawala ang kanyang ama tila nasira ang lahat, nakalimutan na siya ng ina at...