Chapter 6

2.3K 54 6
                                    

—Virgo Meet Taurus

Chapter 6

1 month later..

Pauwi na ako ngayon galing trabaho, dumaan ako sa isang eskinita kung saan walang gaanong tao at madalim ito kumpara sa kabilang dina-daanan ko. Sinabi kasi sa akin ni Lendra na mas madali “daw” rito, kaysa sa dinadaanan ko. Basta’t mag ingat nga lang daw ako.

Lagi naman akong nag iingat dahil kahit ayaw ko na sa buhay ko, gusto ko pa ding mabuhay at ipagpatulog ang pangarap ko.

Ngayon ko lang nadaanan eskinitang ito.

Kaya wish me luck.

Kung ano man ang nasa loob na iyan ay sana makalabas man ako ng matiwasay.

One month later na pero ganoon pa rin ang takbo nang buhay ko. Ano ba kasing tinatakbo ko at patuloy akong tumatakbo? Hindi naman ako tumatakbo? Wala din naman humahabol sa akin.

Habang naglalakad ako, may naririnig akong yabag nang paa sa likuran ko. Nagsimulang bumilis ang kabog ng puso ko sa maaring mangyari sa akin.

Ito ba ang sinabi ni Lendra na mag ingat? Kailangan kong tumakbo in three second.

Pero bakit nandito pa din ako? Pwede naman akong tumakbo at mag back out maglakad na lang sa dinadaanan ko. Bakit nandito pa din ako at nakatayo sa madilim na lugar?

Nanginginig ang tuhod ko.

Napatalon ako sa gulat nang may humawak ng bewang ko, magpu-pumiglas sana ako nang bigla niyang hapitin ang bewang ko at itulak niya ako sa pader at lumapit siya sa akin, naka-angat ang dalawa niyang kamay sa mag kabilang gilid ko. Kinulong niya ako sa bisig niya.

Hindi ako makaalis.

Napahawak ako sa dibdib ko sa takot, hindi ko makita ang mukha ng taong ito bagamat madilim ngayon at walang ilaw ang eskinitang ito.

Hindi din ako makawala dahil nakakulong ako ngayon sakaniyang bisig!

“P–pakawalan mo ako..” kinakabahang bulong ko sa taong ito.

Ramdam ko ang mainit niyang hininga malapit sa mukha ko. Hindi ko pa rin tinitignan ang mukha niya. Bagamat pag inangat ko ang ulo ko para tignan siya maglalapat ang labi naming dalawa.

At ayaw kong mangyari ‘yun.

Nanatiling tahimik lang ang lalaking ito.

Ni hindi niya sinunod ang sinabi ko!

“S-Sabing—” napatigil ako ng biglang may nag salita sa likuran namin.

At unti-unting nilapat nang lalaking ito ang labi niya sa leeg ko. Nagulat ako sa ginawa niya.

Talagang nilapat niya!

Naramdaman ko!

Naramdaman ko ang init ng kanyang labi sa balat ko, na nagbibigay init sa buong katawan ko. Gusto kong ilayo ang taong ito sa akin! Gusto kong suntukin ang taong ito, pero hindi ko magalaw ang katawan ko. Tila ba’y napako ako sa kanyang ginawa.

Ni hindi ko nga alam kung paano ko gagalawin ang kamay kong nanginginig na ngayon sa kaba.

Gusto kong maiyak sa ginawa niya.

Nanginginig na ngayon ang buong katawan ko at napakagat ako sa ibabang labi ko pilit na pinipigilan ang pagbagsak ng luha ko.

“Shh, yumuko ka lang, kung ayaw mong parehas tayong patay dito.” nanlaki lalo ang aking mata ng marinig ang familiar na boses na ito..

Virgo Meet Taurus |✓Completed| (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon