—Virgo Meet Taurus
Chapter 23
[Virgo POV’s]
Pagkatapos ng makauwi ako kagabi galing hospital diretso kaagad akong kama. Ilang beses akong nag pasalamat ng walang sawa kay Taurus dahil sa ginawa niya sa akin. Gustong gusto ko talagang bayaran ang tinulong niya sa akin, kaso sa tuwing sinasabi ko sakanya yun panay iling siya.
Shit, nakakahiya yung gano’n ah.
Sabado ngayon, ngunit yung utak ko wala pa rin sa katinuan. Pilit ko ring inaalala ang imahe ni Taurus.. ano naman kasi ang magagawa ko eh parang nilamon na ako ng sistema niya. My ghod Cassie!
“Ate, uminom kana ng gamot mo?” tinignan ko si Leo.
Naka suot siya ngayon ng pantalon at polo shirt mukhang may pupuntahan ata. “Uminom na. May lakad ka ata ngayon ah?” tanong ko.
Bahagya siyang tumango at inangat niya ang isang paper bag. Hindi ko alam kung anong laman ’non.
“Ibabalik ko lang ‘tong librong hiniram ko kay Julius.” paalam niya.
Medyo nakaka pagtaka lang. Bakit kelangan naka porma kung pwedeng naka pang bahay ka lang right? Harsh. Nag mumukha na naman akong detective niyan.
“Sige na nga. Uwi ng maaga ah.” sabi ko sakanya. Tumango siya at umalis na sa harapan ko.
Siguro may pino–pormahan na ang lalaking yun. Kaya’t nag mamadali siyang umalis sa bahay. Tumayo ako dumiretso ako sa salamin.
Naka suot ako ng simpleng pajama at sando na kulay white. Mas sanay kasi ako sa pajama kesa sa shorts matulog. Saka tag ulan na kaya sobrang lamig kada gabi.
Pinagmasdan ko ang sarili ko. Magulo ang aking buhok. Ang laki ng eyebags ko, mukhang dinayo ata ng mga ipis.
Pumapayat kana Virgo. ’di kana magugustuhan ni Taurus niyan.
Bumuntong hininga na lamang ako, at mabilis na pumasok sa loob ng Cr. Kelangan kung magpa lamig muna sa ilabas after kung maligo.
Hindi ka naman kasi niyaya ngayon ni Taurus, mag arcade ‘di ba? Saka mukhang busy siya ngayon.
So, Anong pake alam ko? ‘Di ba dapat hayaan ko muna siyang maging busy ngayon. Ayaw kung ma abala siya sa trabaho niya ng dahil sa kin. Hindi porque kaibigan ko siya at crush ko siya eh dapat ko na siyang abalahin? My ghod. Mali yun.
_____
Pagkatapos kung maligo. Nag bihis lang ako ng shorts na hanggang legs ko, at saka t-shirt na mahaba sa akin kulay maroon ito. Nag lagay lang ako ng pulbos sa mukha at liptint saka na ako lumabas ng kwarto.
Nakita ko pa si mama busy sa loptop niya. Gaya nga ng dati hindi ko siya pinapansin kahit na nanjan siya. I’m not belong to her, kung kaya’t malabong mapansin niya ako bilang anak niya.
Sinabit ko ang sling bag ko at daling lumabas ng bahay. Masakit sa akin syempre na hindi siya pansinin, kasi mama mo pa rin yun at siya nalang ang meron ka tapos ni hindi ka ‘man lang niya tinuturing anak. Hindi ayos lang talaga ako. Ayos na ayos lang ako sobra.
Nilabas ko ang earphone ko sa loob ng sling bag ko at isinalpak ko ito sa celphone ko. Hindi ko alam pero parang nawalan ako ng mood ngayon—hindi dahil sa nararamdaman ko kay Taurus ah.
At hindi din dahil sa meeting niya ngayon.
Ewan na nga! Basta nawalan ako sa mood.
_____
BINABASA MO ANG
Virgo Meet Taurus |✓Completed| (UNDER REVISION)
RomanceSynopsis: Helena University #1 Meet Virgo, ang simpleng dalaga na nais lamang mapansin ng kanyang ina at mahalin siya kagaya ng pagmamahal noon sa kaniya. Ngunit simula nang mawala ang kanyang ama tila nasira ang lahat, nakalimutan na siya ng ina at...