Chapter 26

1.4K 21 2
                                    

—Virgo Meet Taurus

Chapter 26

[Taurus POV’s]

“Hindi ko ata kakayanin.” bulong ko habang nasa sala kami ngayon ni Queen.

Hinawakan ni Queen ang magkabilang balikat ko at unti unting ngumiti sa harapan ko. “Kilala kita Taurus. Wala kang inaatrasan ng kahit ano.” sabay tapik niya sa balikat ko at umalis siya sa harapan ko.

“You love her, right? if you love her, you can do this.” aniya. “just prepare yourself.”

Nakailang beses akong huminga ng malalim sa sobrang bilis ng kabog ng puso ko. “I can do this! Just a little bit of courage.” pursigido kung sagot.

Ngumiti siya sa akin. “Ayan ang gusto ko sa’yo.” sabay thumbs up.

“So paano yung plan natin?”

Hindi ko alam kung kaya ko na bang sabihin ang nararamdaman ko sakanya? Dalawang araw kung pinag isipan ang bagay na ito, dahil hindi ko na siya kayang itago pa. Wala na akong pake alam kung i–reject niya ako basta nasabi ko ang nararamdaman ko sakanya—pero todo sakit ang babalik sa akin once na ni–reject niya ang nararamdaman ko sakanya. Ito lang naman kasi ang naiisip kung paraan eh.

“Aminin mo mamaya na gusto mo talaga siya, tas ipag leave mo muna siya sa trabaho niya, then ako ang papalit muna sa kanya.” sagot niya at sinukbit ang sling bag niya.

Huminga muli ako ng malalim. “Are you sure?”

Kaya niya kayang mag trabaho, ni ayaw niya ngang mag trabaho eh. Pinaka hate niya sa lahat yung uutusan siyang mag handle ng company nila. Hindi lang yun, hate niya rin ang mag apply ng mga trabaho gaya ‘nong kay Virgo. Mas mahilig siya sa mga model, kaya nga nakaka gulat ng sabihin niyang siya muna ang palit eh.

Kumunot ang noo niya sa tanong ko. “Anong are you sure ka jan?” inosente niyang tanong.

Bahagya akong nainis sa kanya. Ngunit hindi ko yun pinahalata. “I mean, hindi ba hate mo mag trabaho?”

Tinignan niya lang ako at ngumiti. “Ngayin lang naman. Kaya payag ako. Saka gustong gusto ko na talaga na magkatuluyan kayo.” tugon niya.

Lumiwanag ang mukha ko sakanya. “Salamat ah, kahit na madalas kitang ipag tabuyan ‘e hindi ka talaga umalis. Salamat.”

Ngumiti lang siya at tumango sa sinabi ko. “Don’t worry. Wala na yun. Basta bestfriend pa rin tayo ayos na yun.” sabi niya saka siya umalis ng bahay.

Hindi pa rin mawala ang ngiti ko sa labi dahil sa sinabi ni Queen. Hindi ko talaga alam kung paano ako babawi sa mga kasalanang nagawa ko sakanya, oo selfish ako pero simula ng makilala ko si Virgo bumaliktad ang mundo ko. Naging masayahin ako at hindi na rin ako gaanong ka seryoso tignan. Pero sadyang selfish pa rin talaga ako—sa kanya lang.

Tinuruan akong maging selfish sa taong mahal ko. Kaya nga kung ano ang akin, ayun ang akin!

Kung ano ang inyo, ayun lang ang inyo. Ipag dadamot ko talaga siya. Kasi akin siya, kakalabanin ko lahat ng nag tatangkang agawin siya sa akin.

Virgo ito na si Taurus ngayon, aamin na. Pero kelangan ko pa ng  kaunting lakas na loob para sabihin na talaga sa iyo na gusto kita. Mahal na mahal kita simula palang ‘nong una tayong nag kita.

Oo gusto talaga kita Virgo. Kaya sana huwag mo akong i–reject. Pero kahit naman i–reject mo ako hinding hindi ako susuko hanggang hindi ka napapa–sa akin. Gagawin ko ang lahat para mapa oo ka sa akin Virgo. I swear, gagawin ko yun.

Damn! Mahal ko talaga siya.


[Virgo POV’s]

Pag labas na pag labas naming dalawa ni Queen. Agad nahulog ang hawak na hawak ko at agad na puma gitna sa kanilang dalawa ni Klayde at Taurus. Ngayon kitang kita mo ang galit sa mga mata ni Taurus. Habang si Klayde na baliw kung pinsan nakangiti lamang kay Taurus



“TAMA NA KLAYDE!!” tagis bagang sigaw ko.


Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kanina ng makita kung hawak hawak ni Taurus ang kwelyo ni Klayde. Ang bilis ng kabog ng puso ko sa nakita ko. Hindi ko in–expect na ito ang maabutan ko.

Nataranta ring pumunta si Queen sa likuran ni Taurus at hinila siya. “A–anong nangyari Taurus!” kinakabahang tanong ni Queen kay Rus.

Tinulak ko si Klayde palayo kay Taurus ng makita kung aakmang lalapit si Taurus kay Klayde. Napatingin ako kay Taurus at kay Klayde. Hindi ko alam pero bigla nalang nanikip ang dibdib ko ng mag tama ang mata naming dalawa ni Taurus. Napalitan na ng lungkot ang galit sa mga mata niya kanina.

“A–anong nangyari sa inyong dalawa ah!?” pinipilit kung maging maayos sa harapan nila kahit nasasaktan ako.

“Ayang kaibigan mo Virgo! Muntik nang galawin yung pogi kung mukha!” reklamo ni Klayde.

Tumaas ang dugo ko sa sinabi ni Klayde. “WALA BANG IKA TITINO YANG UTAK MO AH!? ANO BA KASING GINAGAWA MO DITO SA SCHOOL!?” halos lumuwa na ang mata ko sa sobrang pandidilat ko sa sigaw ko.

Napa kamot siya. “Nakalimutan mo ba? ‘di ba susunduin kita?” walang ganang sagot niya.

Napa hawak ako sa noo ko sa sinabi niya. Ang panget niya talagang kausap kaya bagay lang dapat na masuntok ang lalaking ito. “T–teka Virgo? Sino ba ang lalaking iyan ah?” sabat ni Queen.

Agad akong humarap sakanila. Mag sa salita pa sana ako ng biglang nag salita si Klayde na ikina–gulat naming lahat.

“I’m her boyfriend.”

Hindi ko na alam ang sa sabihin ko sa kasinungalingang sinabi ni Klayde. Gusto ko siyang suntukin sapakin sa sinabi niya... Pero hindi ko nagawa... Parang nilagyan ng napaka raming glue ang katawan ko.

Napa angat ako ng ulo, nag tama ang mata naming dalawa ni Rus. At nanikip ang damdamin ko ng makitang na ngangaligid ang luha niya. Gusto kung lumapit sakanya pero—hindi ko kaya. Pakiramdam ko sobrang bigat ng paa ko.

“H–hindi totoo iyon..” utal utal kung sabi, habang ang luha ko ay handa ng mahulog sakanya.

Napapikit si Taurus ng marinig niya yun. Alam kung nasaktan na siya ngayon sa sinabi ni Klayde. Alam kung nasaktan ko siya, nasaktan ko ang damdamin ng taong mahal ko na dapat ay may sa sabihin ngayon. Ang sakit..


“S–sayang. Aamin pa lang sana ako eh... Kaso mukhang may nauna na. Congrats sa inyong dalawa.” mapakla siyang ngumiti.


Biglang tumulo ang luha ko sa sinabi niya. Parang sinaksak ng sampung kutsilyo ang puso ko sa sinabi niya. Hindi ito totoo pero wala akong magawa kundi ang panoodin lang siyang masaktan habang ang luha ko ay kumu–kumawala na sa sakit.


“I love you.. pero hanggang dito nalang..” sabay talikod.


Para akong sinaksak sa sobrang sakit, habang palayo siya ng palayo sa akin yung puso ko unti unting na wawarak sa sobrang sakit.



Napa hawak ako sa dibdib ko sa sobrang sakit hindi ako makahinga sa sobrang sakit. Hindi ko kaya. Taurus... Mahal kita..


Huwag mo akong iwan Taurus.. mahal din kita..

“M–mahal din kita.. Taurus..”


______

Virgo Meet Taurus |✓Completed| (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon