—Virgo Meet TaurusChapter 14
Pagkatapos nang aming paguusap kagabi, ay hindi ko na rin na call ended ang tawag namin dahil maaga akong nakatulog kagabi. Hindi ko na rin alam kung ano ang pinagsasabi ni Rus noong nakatulog na ako ng maaga. I hope, wala siyang sinabi na importante sa akin noong tulog ako.
Sinabihan niya ba ako ng maganda noong araw na mahimbing na ang tulog ko?
Madaming tanong sa utak ko about sa nangyari. Sana nagpanggap muna ako ng tulog para naman marinig ko pa ang sinasabi niya sa tuwing tulog ako—pero baka wala lang naman siyang sinasabi nung tulog ako. Ako lang itong nag a–assume na sana meron....
Ano ba Virgo.. huwag ka ngang umasa! Wala siyang sinabi sa ’yo. Trip ka lang nun. Trip ka lang.. kaya please stop thinking na sana meron.
“Lalim niyan ah?” napaigtad ako ng marinig si Queen sa harapan ko.
Nakangiti siya habang naka-pumewang sa harapan ko. Ang cute niya pag gano’n siya lagi. Hindi siya gaanong maayos sa mukha niya, I mean minsan lang siyang mag lagay ng make up kapag napagtripan niya lang. I think.
“Hmm.. wala naman.” sabay iwas ng tingin. Ngumiti lang siya sa akin at pinagmasdan ang mukha ko.
“Did you sleep well, yesterday?” tanong niya.
Tumango na lamang ako. “Pasensya na pala kahapon ah.” tumawa lang siya sa sinabi ko, at bahagyang hinampas ang balikat ko.
“Ano ba! Ayos lang yun ‘noh! Alangan namang iwan kita doon sa daanan kahapon ‘di ba?” sabay ngisi.
“Saka, kaibigan kita Virgo. Gagawin ko ang lahat ng kaya ko ‘Di tulad ng iba diyan.” sabay ngiti. Napatayo ako at yumakap sakanya.
“Thank you, Queen.” bulong ko.
Naramdaman kong hinaplos niya ang aking likuran. At nakahinga ako ng maluwag roon, dahil pakiramdam ko hindi na ako nag iisa. I wasn’t alone this time. I wasn’t alone everytime. Kasi may kaibigan na ako. May dalawa na akong kaibigan na tutulong sa akin.
_______
Noong uwian na, sinamahan niya akong pumunta sa part time job ko—kung saan ako nag tra–trabaho. Dahil nga wala si Rus ngayon siya na ang kasama ko, hindi ko ba alam kung bakit hanggang ngayon kasama ko pa siya ngayon. Siguro dahil gusto niyang malibang ng kaunti dahil nag iisa lamang siya sa bahay nila.
“Ah! Dito ka pala, pumupunta sa tuwing uuwi kana.” amused na amused na sabi niya pa.
Tumango ako, “Gusto mo bang kumain? Libre ko.” tanong ko sakanya.
Tumawa siya at umiling iling sa akin. “Wag! Ako nalang ang mag babayad.”
Mag rereklamo pa sana ako, libre ko sana siya bilang pasasalamat sa pag tulong sa akin, pero umiling siya. Hays. Minsan pa naman ako man libre.
Kinuha niya ang menu at ngumiti siyang pinagmasdan ang loob ng Menu. Mahilig siya sa milk tea kung kaya’t bagay siya sa lugar na ito.
“Miss.” naagaw atensyon ko ang biglaang may pag tawag sa akin sa bandang likuran ko.
Pagtalikod ko, nabigla ata ako sa lalaking ito. Familiar siya, parang nakita kona siya before. Ngumiti siya sa akin at inangat niya ang kamay niya. Napailing iling na lamang ako, saka pumunta sakanya. He looks very familiar to me. Nakita kona siya, pero hindi ko alam kung saang lupalop ng mundo ko itong nakita.
“Can I ask?” magalang niyang tanong. Tumango ako at pilit na ngumiti sa taong ito—well... This guy is so damn beautiful... I mean—he’s gorgeous man I met.. WHAT?! Did I said that?
BINABASA MO ANG
Virgo Meet Taurus |✓Completed| (UNDER REVISION)
RomanceSynopsis: Helena University #1 Meet Virgo, ang simpleng dalaga na nais lamang mapansin ng kanyang ina at mahalin siya kagaya ng pagmamahal noon sa kaniya. Ngunit simula nang mawala ang kanyang ama tila nasira ang lahat, nakalimutan na siya ng ina at...