—Virgo Meet Taurus
Chapter 29
[Virgo POV’s]
Simula nang mag pakita siya sa akin no’n, sobrang saya ko at parang nabuhayan ulit ang puso ko sa kanya. Hindi ko talaga siya in–expect na makikita ko siya sa harapan ko no’n, akala ko kasi galit pa siya sa akin at parang wala nang pagasang manubalik ang aming pagka–kaibigan sa nagawa ko.
Tignan mo naman ‘di ba, nakita ko siyang nakangiti sa harapan ko that time, niyakap, hinalikan sa noo, umamin, nanghingi nang tawad at sa huli naman ay bigla niya akong pina–ulanan nang napaka raming halik sa pisngi ko. Damn. Sa tuwing naalala ko ang bagay na yun parang sabik na sabik tuloy akong halikan nang ganoon ni Taurus.
Abot langit na ata ang ngiti ko dito.
Napaigtad ako nang maramdaman ko ang dalawang kamay na pumulupot sa bewang ko patalikod. Nawala ang gulat ko at napalitan nang malawak na ngiti.
Ang aga ah! Ang aga na nang ka sweet–an mo ah!
“Hey Love..” mahinang bulong niya.
Naramdaman kung tumama ang mainit niyang hininga sa leeg ko na nag bigay nang kakaibang kiliti sa akin. Bumilis din akong kabog nang puso ko sa ginawa niya, hindi naman sa kinakabahan ako sa ginawa niya. Nakiliti lang ako, at hindi pa ako gaanong sanay sa ginagawa niyang ito.
Nandito kami ngayon sa isang open field kung saan madalas naming puntahan kapag walang klase or sadyang tinatamad lang talaga kami pumasok—jokes. Hindi ko siya classmate or ka schoolmate. Basta nag kikita na lang kami sa labas ng gate if na uwian na at susunduin niya ako. Sabado naman ngayon kaya’t ayus lang na mag punta kami kung saan saan.
Alam na rin nila na may boyfriend na ako, As in officially. Hindi ko alam kung paano nila nalaman yun—bagamat wala naman akong ni isang sinabihan na tao about sa akin. At hindi rin ako willing na sabihin sa kanila, dahil hindi naman ako nakikipag usap sa hindi ko close eh. Syempre dahil nga nalaman nila na may jowa akong gwapo at artistahin ang bet, naka–tanggap ako nang mga panglalait sakanila. Hindi ko nalang yun pinansin dahil mawawala rin naman ang mga yon eh. Mga insecure lang ang mga yun at walang jowa kaya gano’n sila. Jokes.
Niligawan niya ako nang 2 days, hindi naman kasi ako hard to get eh. Saka mahal naman kasi namin ang isa’t isa—kaya bakit pa namin kailangang patagalin pa? Kung pwede namang sagutin ka agad.
One week palang kami at sigurado akong naiilang pa ako kapag mag kasama kami sa isa’t isa. Oo hindi ako naiilang ‘nong mag kaibigan level pa kami, natural na harutan, tawanan, lokohan—pero ito? I don’t think kung maka–kayanan ko pang hindi mailang ‘nong mag kaibigan pa kami?
Kahit na one week pa lang kami ni Taurus, ramdam na ramdam ko talaga ang pagma–mahal niya sa akin. I mean, pinapa–ramdam niya talaga sa akin na love na love niya talaga ako. At ang saya lang sa pakiramdam.
“Kain tayo sa labas.” bulong pa niya, saka ko naramdaman sinandal niya ang ulo niya sa balikat ko.
Balak ko sanang humarap sa kanya, ngunit naramdaman kung humigpit ang yakap niya sa akin. “Hindi pa naman ako gaanong gutom.” sabi ko.
“Pero pwede pa rin tayong kumain ‘di ba?” dagdag ko pa. At patagong napangiti.
Gusto kung ganito na lang kami araw araw. Gusto kung nandito lang siya sa akin, yakap yakap ako nang mahigpit. Gusto ko sa akin lang siya ganito ka sweet—I mean sa amin nang pamilya niya. Hindi ko ba naman kasi in–expect na isang gaya ni Taurus na mayaman at artistahin ang bet nang lola niyo ang mahuhulog sa isang tulad kung mukhang manang lang ‘di ba?
BINABASA MO ANG
Virgo Meet Taurus |✓Completed| (UNDER REVISION)
RomanceSynopsis: Helena University #1 Meet Virgo, ang simpleng dalaga na nais lamang mapansin ng kanyang ina at mahalin siya kagaya ng pagmamahal noon sa kaniya. Ngunit simula nang mawala ang kanyang ama tila nasira ang lahat, nakalimutan na siya ng ina at...