Epilogue

2.6K 60 7
                                    

—Virgo Meet Taurus

Epilogue

“Queen, saan ba kasi talaga tayo pupunta?” halos pabulong tanong ko habang naglalakad kami sa hallway nang hospital.

May mga pasyente din kaming nakaka-salubong at halos lahat nang tingin nila ay nasa akin lamang. Nakaka-ilang yun ah.

Pero ang iba naman ay nakangiti lang sa akin habang pinagmamasdan nila akong naglalakad. Ang creepy nang ngiti nila seriously, alam ko yung ngiting natatae. Omg.

“Huwag kang mag alala, hospital tour lang ito.” sagot niya na may ngiti sakanyang labi.

Napailing na lang ako, siguro nga hospital tour lang ang gagawin namin ngayon. Ngunit dapat kung hospital tour lang dapat hindi na ako nag suot nang ganitong damit. Masyadong sosyal kung tignan sa isang pasyente sa hospital na ito.

“Ayusin mo lakad mo Virgo. My ghod!” halos matapilok ako nang marinig ang sigaw ni Queen sa likuran niya.

Grabe, kanina nasa harapan ko lang si Queen at hindi ko naman in-expect na nandito na siya ngayon sa likuran ko. Gano’n ba ako ka lutang para hindi mapansin ang bawat nakapaligid sa akin?

“Ito na.” tipid na sagot ko.

Bahagya ko pang binaba ang dress ko, dahil umaangat ito at nakikita ang legs ko. Hindi ako sanay sa ganitong dress, pero siguro pwede ko namang sanayin bagay naman sa akin—slight.

Nang makarating kami sa elevator agad kaming pumasok sa loob. Medyo nailang pa ako kasi may mga doctor sa loob no’n ang iba ay babae ang iba naman ay lalaki. Buti na lamang maluwag ang elevator na ito.

“Ayos ka lang ba Virgo?” napatigil ako sa pag buntong hininga ko nang marinig ko si Queen na bumulong sa akin.

“Oo.” tipid na sagot ko.

Okay naman ako, ngunit naiilang lang talaga ako dahil may mga taong nakatingin sa amin. Hindi naman siguro kami iniisipan nang panglalait hindi ba? Judgemental.

“Saan mo gustong pumunta?” bulong pa niya.

Kunot noo ko siyang tinignan. “May open field ba sa baba nang hospital?” bulong na tanong ko.

Napahawak siya sa baba niya na para bang nag iisip ito. “I don’t know? But we can ask them.” sabay ngisi nito.

Napairap nalang ako. Kung makaisip akala mo alam niya talaga eh. Pakiramdam ko merong open field sa likuran nang hospital eh. Ngunit hindi lang ako sure if pwede kaming lumabas.

“Hey Doctors, may open field po ba sa hospital na ito?” magalang na tanong niya sa mga doctor na katabi namin.

Nag tinginan naman sila bago nila sinagot ang tanong ni Queen. “Sa likod nang hospital, meron don.” baritonong sagot nong binatang doctor.

Nginitian ni Queen ito bago siya mag pasalamat. Nabigla pa ako sa doctor na iyon dahil pagtingin na pagtingin ko sakanya, nakatingin siya sa akin na may malawak na ngiti. Ghod. Ang gwapo nang lalaking ito pero hindi ibig sabihin no’n ’e maari ko nang ipagpalit ang mahal ko sa lalaking ito.

Syempre mas pogi pa rin ang Love ko ’no. Siya lang ang mamahalin ko at sakanya lang kakalampag at mas lalong sakanya lang ibubuka ang kayamanan ko. BOOOOOOoooooOooooM.

Nang nasa first floor na kami, agad akong hinila ni Queen palabas nang elevator. Ngunit pag labas na pag labas pa lamang kami ni Queen sa elevator ay bigla naming nakasalubong si Doctor Staitam ang doctor ko.

“Saan kayo pupunta Ms. Alonzo?” bungad na tanong niya.

Agad naman akong napatingin kay Queen na nakatulala lamang kay doctor. Habang ako naman ay kinakabahan na. “Pwede po bang doon lang kami sa open field? Hindi po ba ayos na rin naman po ako? Saka don’t very worry po, we’re just need fresh air.” nakangiting sagot ko.

Virgo Meet Taurus |✓Completed| (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon