Chapter 4

2.5K 46 4
                                    

—Virgo Meet Taurus

Chapter 4

“Ito ‘yung sahod natin Virgo,” ngiting bungad ni Lendra sa pintuan ng dressing room.

Kibuha ko ang bigay niyang maliit na papel na kulay brown sa harapan ko. Kada araw may 300 pesos kami. Sapat na din ‘yun para sa amin dahil natatapos kami hanggang magsisimula kami 4 ng hapon at matatapos kami ng 10 pm ng gabi. Pero ayos na rin ‘yun at least nakakapag-ipon ako para sa tuition ko.

“Salamat.” tipid na sambit ko. pagkatapos kong kunin ‘yun, sinabit ko na ang bag na dala-dala ko.

Tumango siya sa akin. “Ingat ka Virgo.”

Ngumiti nalang ako sa sinabi niya. 10:15 na at kailangan ko pang dumaan sa malapit na fast food, para kay Leo.

Hindi naman naging hassle sa akin ang pagtra-trabaho ko dahil kakaunti lang din naman ang costumer ngayon. Unlike nung nakaraan na napakadami talaga kaya umuwing pagod ako noon.

Bago pa man ako lumabas ay sumilip muna ako sa manager room upang mag paalam sa manager ko.

Nag paalam ako sa manager ng coffee shop, “You did well, Virgo, one of our costumer likes you.” nabigla ako sa sinabi ni Manager Crus.

Sino naman ang taong nagkakagusto sa akin? Nag a-assuming na naman ako, baka lang nagustuhan ang performance ko as janitress?

Ginawang bartender ang sarili eh.

Nope, pero nagtataka ako sino ‘yung taong ‘yun?

Wala naman akong gaanong na encountered na tao pwera lang sa matandang babae na nakipag-kwentuhan sa akin—ah! Baka si lola?

Tumango nalang ako sa sinabi niya. “Thank you po.” magalang na pasasalamat ko.

Ngumiti siya sa akin. Agad kung inayos ang sarili ko saka lumabas na ng manager room.

Baka nga si lola ‘yun?

Siya lang naman ang nakilala kong mabait.

Medyo naiilang lamang ako dahil nag kwe-kwento siya.

Plus hindi ako ganoong ka-social na tao.

Pero salamat nalang sa kaniya if sino ‘man siya.

Habang naglalakad ako sa napakadaming tao, kung anu-ano na ang pumapasok sa aking isipan. Sa mga oras na ito bumabalik na naman sa isipan ko ang imahe ni papa.

At unti-unti na din nilalamon ng kadiliman ang aking sarili.

“Anak..”

“Anak..”

Napapikit ako at pilit na inaalis ang boses na iyun sa aking isipan.

Walang nagmamahal sa ’yo.

Sarili mong ama iniwan ka.

Sarili mong ina tinalikuran ka..

Napatigil ako at napahawak sa bakal sa gilid ko dahil umiikot-ikot ang paningin ko. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin.

Napakabigat ng kabog nang aking puso.

“Anak, kaya mo ‘yan…”

Napailing ako at nagbabadyang bumagsak ang namumuong luha sa aking mata.

Napakahirap!

Iiyak ka na naman?

Hindi mo ba nakikita ang sarili mong nahihirapan?

Kaya walang nagmamahal sa ’yo!

Walang-wala—

“Hey miss, ayos ka lang?”

Virgo Meet Taurus |✓Completed| (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon