—Virgo Meet Taurus
Chapter 31
“Taurus!” tawag ko kay Taurus.
After kasi naming maglaro nina Klayde at Queen umalis na kami ni Taurus. May pupuntahan daw kaming dalawa kaya ayun pumayag na ako sakanya. Ayaw ko pa kasing umuwi mukhang magiging bad mood lang ako sa bahay kapag nakita ko si mama.
Lagi niya kaya akong pina–pagalitan remember. Lagi na lang ako ang nakikita kahit na ni isa wala naman akong ginawang mali sa kanila.
“Bilisan mo mag lakad dali!” sigaw pa niya habang tumatakbo siya.
Dahil sa sobrang pagod ko ka kahabol sa kanya, huminto muna ako at hingal na hingal na yumuko. Nandito kami ngayon sa MOA sa seaside.
Hindi naman gaanong kadami ang taong nandito ngayon. Friday naman ngayon at yung iba ay may trabaho at may schooling. Kung kaya’t kaunti talaga ang tao dito.
Pero mas ayos na yung kaunti ang tao kesa sa mapuno itong seaside. Mas maganda kasi ang seaside kapag kaunti ang tao, damang dama mo ang kapayapaan nang dagat. Mas feel mo yung hangin kapag kayo kayo lang.
“Gusto mo bang buhatin kita?” nabigla ako nang makita si Taurus sa harapan ko na ngayon. Na kanina lamang ay nasa ‘di kalayuan sa akin.
Umiling ako, saka ko inayos ang sarili ko. Mag lalakad nalang ako kesa sa buhatin niya ako. Muntanga lang ang bet.
Ngumisi ako. “Ano tara na nga.” sabay hawak ang kanyang kamay.
Ramdam ko ang pag higpit nang paghawak niya sa kamay ko. “Mas maganda pa ata ang nasa harapan ko, kesa sa paglubog nang araw.” nang dahil sa sinabi niya. Napa iwas tingin ako sa kanya. Bolero! Hmp!
“H—huwag ka ngang ganyan..” sabi ko.
Napahagikgik pa siya nang sabihin ko iyon. “Why? Totoo naman ang sinasabi ko eh. Ikaw nga lang ang pinaka maganda sa mata ko. Kahit pa tusukin mo ang mata ko at bulagin mo ako eh, ikaw at ikaw lang ang hahanapin nang mata ko, love.” dagdag pa niya.
Hindi ko ba alam kung matatawa ako sa sinabi niya or kikiligin. Basta kinikilig ako sa sinabi niya, simple but tagos na tagos sa heart.
“Alam ko yun. Pero ba’t ko naman tutusukin yang mata mo at bubulagin kita? Hindi ba pag ginawa ko yun, makukulong ako?” tanong ko.
Inakbayan niya ako at kinurot niya ang ilong ko. “Kahit naman na saktan mo ako nang sobrang sakit, hinding hindi kita ipapakulong dahil sa ating dalawa ako na ang nakakulong sa iyo.” banat nya.
Hindi ko alam isasagot ko shet na buhay!
“Kumbaga ang puso ko ay nasa iyo na. Kinulong mo ang puso ko officer Virgo.” aniya.
Humarap ako at tinignan ang kulay brown niyang mata. “Kung nakakulong ka na pala sa akin, hinding hindi na kita paka–kawalan love. Kasi—” putol ko.
Kumunot ang noo niya nang putulin ko iyon. “Kasi?” umaasa niyang sabi.
Natawa ako at hinalikan siya sa baba. Ayon lang kasi ang abot ko. “Kasi------”
Napa kamot siya. “Binibitin mo ako eh!” parang batang sambit niya.
Mas lalo akong natawa sa mukha niya. Ang cute talaga niya! Pag may anak na ako, gusto ko yung bata ka mukha nang papa niya. Hehe.
Enebe Cassie, utak mo.
“Kasi---pamamatay kita kapag sinubukan mong tumakas sa lungga ko.” biro ko.
BINABASA MO ANG
Virgo Meet Taurus |✓Completed| (UNDER REVISION)
RomanceSynopsis: Helena University #1 Meet Virgo, ang simpleng dalaga na nais lamang mapansin ng kanyang ina at mahalin siya kagaya ng pagmamahal noon sa kaniya. Ngunit simula nang mawala ang kanyang ama tila nasira ang lahat, nakalimutan na siya ng ina at...