—Virgo Meet Taurus
Chapter 34
[Taurus POV’s]
Pag katapos nang pagpunta ni Virgo dito sa bahay, halos lagi na ring lumalabas sa bibig ni mommy ang pangalan ni Virgo. Syempre nakakatuwa yun, sobrang nakakatuwa. Lagi siyang nag sa sabi na mag kwento daw ako about kay Virgo kasi daw sobrang bait niya daw.
Tapos ang ganda niya daw, ayiiiiEeee maganda naman talaga siya eh. Sino bang nag sabing panget siya ah? Babanatan ko.
At ayun nga, pagkatapos nang pagpunta niya dito kanina. Sumunod naman na pina–punta ko ay si Queen. May mahalaga kasi akong sa sabihin sa kanya, at magpa–patulong din ako sa kanya.
Gusto kung mag surprise kay Virgo, dahil fifth monthsarry na namin sa Friday. Tuesday pa naman ngayon, kaya may tatlong araw pa akong gawin iyon. Kailangan kung mag handa para doon, kailangan kung paghandaan talaga yun.
“What?” inosente kung tanong nang makita ko siyang nakatingin sa akin, na para bang may naiisip siya na hindi ko talaga alam.
“Okay, dahil kaibigan kita. At para na ring kapatid ang turi ko sa iyo.” sabi niya pa. Habang nakahalukipkip sa harapan ko.
Lumiwanag ang mukha ko sa sinabi niya, “Talaga?” ‘Di makapaniwalang tanong ko sa kanya.
Ngumisi siya nang parang nakakaloko sa harapan ko. “But first—we need to deal muna. Before I help you.”
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya, kasabay ang pag taas nang kaliwang kilay ko. “Anong deal na naman yun ah?”
Unti unti siyang ngumiti sa harapan ko. “Tell your cousin to date me first.” malawak na ngiting pinukaw niya sa akin.
Mas lalo akong napa kunot sa sinabi niya, si Carl ba ang tinutukoy niya?
Pero imbes na magalit ako sa sinabi niya, ngumiti ako nang nakakaloko. “You have Klayde right? Why did I do that? If you have now?” nakaka–lokong tanong ko.
Mas lalong lumawak ang kanyang ngiti hanggang sa umabot iyon sa panga niya. “You want my help right?” aniya.
Tumango ako, “So, ano nga ba talaga ang tingin mo kay Klayde?” pag iiba ko nang topic.
Nalukot ang ngiti niya nang marinig niya ang pangalan ni Klayde. “Wala akong gusto sa kanya, so stop pushing me to him. I don’t like him. And that’s freaking all.” iritang tanong niya.
Natawa na lang ako sa sinabi niya. Alam kung nag bibiro lang ang babaeng ito para hindi siya mapag–tripan. Alam niya naman na may gusto na sa kanya si Klayde, pero bakit kailangan niyang ayawan ito?
“Bakit si Carl?” takang tanong ko. Bakit naman sa dinami dami nang lalaking pwede para sa kanya si Carl pa? Ni hindi nga siya mapansin ni Carl eh.
Ngumiti siya. “ kasi siya ang gusto ko.” tugon niya.
Napailing ako sa sinabi niya, hindi naman sa ayaw kung ibigay ang pinsan kung doctor. Mas gusto ko kasi si Klayde na para sa kanya. Mas bagay silang dalawa ni Klayde, at hindi sila bagay nang pinsan ko.
“Hindi mo ba napapansin si Klayde?” may halong inis ang pagkasabi ko no’n.
“Hindi.” sagot niya.
Napailing ako. “Hindi mo ba alam? May gusto siya-----” napatigil ako nang mapakla siyang tumawa sa harapan ko.
“I know, hindi ako bulag para hindi makita yun.”
Pinagmasdan ko siya, kitang kita ko ang biglaang pag blangko nang kanyang mukha. Wala na itong ni isang ka expression.
“Kung alam mo pala, bakit kailangan mong tanggihan iyon?” tanong ko pa.
Umiling siya. “Hindi ko siya tinanggihan.” bulong niya.
“Ano yung umamin pero hindi sinagot huh?” giit ko.
Mapakla siyang ngumiti sa harapan ko. “I’m just telling the truth.”
Napailing ako sa sinabi niya, mukhang nasaktan nito si Klayde dahil sa sinabi ni Queen nito ah. Bilib din ako sa sarili niya ah. Akalain mo kahit na hindi na siya nasagot—pero hindi pa rin siya tumigil kay Queen ah.
“Wala na bang pag asa si Klayde?” diretsahang tanong ko.
Medyo nagulat siya sa sinabi niya, dahil nakita ko pang nanlaki ang kanyang mata ngunit bigla din iyong nawala.
“I don’t know.” sabay iwas tingin sa akin. Napataas kilay ako sa sinabi niya. “Ano let’s deal?” sabay pag iba niya nang topic.
Ngumiti ako nang nakakaloko. Ngayon pag bibigyan lang kita sa deal natin, dahil pagkatapos nang surprise ko kay Virgo, sisiguraduhin kung mahuhulog ka nang wala sa oras kay Klayde.
“Okay, deal.” sagot ko.
Pagkasabi niyang yun, todo ngiti siya sa akin at halos lumiwanag ang kanyang mukha sa sinabi ko. “Are you sure? Are you freakin’ kidding me?” ‘Di makapaniwalang tanong niya.
Tumango ako. “Don’t worry, I will do your deal.” walang pag alinlangang sagot ko.
“Then, let’s talk about our plan later.” aniya. “I’ll go now. Thank you dude!” sabay talikod sa akin.
Napa kamot nalang ako sa ulo. Basta talaga kapag si Carl ang usapan sige, sang ayon ka agad.
Bahala na nga si Batman. Kailangan kung puntahan si Carl mamaya after nang second subject namin. Para sa deal namin ni Queen. My ghod. Kung hindi lang ito para kay Virgo malamang hindi ako papayag doon.
Mamaya ko nalang isipin iyon. Basta’t ngayon isipin ko muna ang Love ko, kailangan ko siyang sunduin ngayon. Miss na miss ko na kaya ang love ko, gustong gusto ko na siyang yakapin; halikan sa bawa’t parte nang kanyang mukha. Miss ko na lahat sa kanya.
[Virgo POV’s]
“Love, sobrang saya ni Queen.” panimula ko. Nasa kotse kami ngayon at balak niya na akong ihatid sa bahay ngayon.
Tumingin siya sa akin, hinawakan niya ang kamay ko at saka niya ito hinalikan. “Baka sila na ni Klayde.” sambit niya.
Bahagya akong napangiti sa kanya. Sana nga sila na eh, kaso hindi, mukhang wala atang balak na sagutin si Klayde ni Queen. Mukhang magiging mahirap ang misyon ni Klayde kay Queen.
“Akala ko nga kanina sila na eh.” sabay ngiti ko.
Nanatiling nakatutok ang kanyang sarili sa daan. Grabe ah! Lalo akong na inlove sa lalaking! Bawat araw ata na nag dadaan ’e lalo akong nahuhulog sa kanya.
Fairness ah, kahit na naka–side view siya ang gwapo pa rin niya ah. Lalo na yung buhok niya ngayon naka itaas. Lalo na yung nag bibigay attract sa akin yung kanyang mahabang pilik mata na parang manika ang bet. Ba’t gano’n? Mas mahaba ang pilik mata niya kesa sa akin? Napakagat ako nang ibaba kung labi nang bumaba ang tingin ko sa namumula at malambot na labi niya.
God! Ba’t ba ang kissable nang labi niya? Ang sarap halikan. Hehe.
Nahihibang na ba ako? My ghod! Basta gusto kung halikan ang malambot niyang—
Napatigil ako nang biglang may malambot na bagay na dumampi sa labi ko. Bumilis ang kabog nang puso ko kasabay ang pag laki nang dalawa kung mata sa nakita ko.
Hinalikan niya ako!
And I feel drowning to his lips!
So soft! Ah! Damn!
___________
Author’s note:
Nais ko lamang mang hingi nang napaka raming sorry dahil sa sobrang daming typo at grammatical error sa istoryang ito. At lalo na sa sobrang ikli nang ibang kabanata. Kailangan ko munang iklian kasi ang dami naming project as in sunod–sunod at ang dami din naming isasa–ulo sa english namin. Hindi iyon biro. Kaya’t ayon ayon! Tiis–tiis muna.
Bawi ako next chapter, aabutin kung five thousand words kaya don’t very very worry. Jokes.
Sana nag enjoy kayo. Kamsa!
©Treswrites16
BINABASA MO ANG
Virgo Meet Taurus |✓Completed| (UNDER REVISION)
RomanceSynopsis: Helena University #1 Meet Virgo, ang simpleng dalaga na nais lamang mapansin ng kanyang ina at mahalin siya kagaya ng pagmamahal noon sa kaniya. Ngunit simula nang mawala ang kanyang ama tila nasira ang lahat, nakalimutan na siya ng ina at...