Chapter 22

1.6K 37 1
                                    

—Virgo Meet Taurus

Chapter 22

[Taurus POV’s]

“Teka—mag usap nga tayo Taurus!” biglang sabat ni Queen sa harapan namin ni Virgo.

Tinignan ko siya ng naka kunot. Ano bang gustong pag usapan ng babaeng ito ah? Sa totoo lang naiinis na ako, first. Binatukan niya ako kaninang umaga at hinampas ng bag niya. Second. Epal siya sa aming dalawa ni Virgo. Third. Sinira niya ang moment na meron sa amin kanina ni Virgo at mas nakaka inis yun sa lahat.

“Anong gusto nating pag usapan ah!?” sagot ko naman.

Tinignan ko si Virgo at matamis ko siyang nginitian. Napa iwas naman siya ng makita niya akong ngumiti, damn it. Kahit na may sakit siya ngayon at na mumutla na ang kanyang labi napaka ganda niya pa rin.

Paikot ikot ang tingin ni Queen sa aming dalawa. “I think, magiging bitter ako nito.” nandidiring bulong ni Queen.

Hindi ko yun pinansin. Mas tinuon ko ang sarili ko kay Virgo na naka tingin lamang sa bintana. “I see somethings spark. Ow! Sorry.” narinig ko muling sambit ni Queen na ikina–tingin ni Virgo.

“Ang ingay mo talaga Queen!” na iiritang sabi ko sakanya.

Tinignan niya ako ng masama. “Tatahimik ako once na nag usap tayong dalawa.” seryosong sambit ni Queen sa akin.

“Q–queen, may ginawa ba tayo kanina? May na miss ba akong lesson na dapat kung habulin?” biglang sabat ni Virgo.

Bakit ang sipag naman ng mahal ko. Kahit na may sakit na siya talagang pag aaral ang nasa isip niya.

Nakita ko namang umupo si Queen sa gilid ng kama ni Virgo. “Wala naman, saka kapag meron kopya ka sa akin. Alam mo naman. Sharing tayo. At kapag mali ang sagot ko, mali rin sagot mo.” sabi niya at sabay gulo sa buhok niya.

WTF? Ano daw? Sharing?

Parang gumaan ang pakiramdam ko ng marinig ko ang pag tawa ni Virgo sa harapan ni Queen. “Sharing talaga. Sabagay share your blessing nga naman.” sabi niya pa.

Parehas silang natawa sa sinabi nila. Hindi ko alam pero sa bawat pag tama ko ng tingin sa masayang tumatawa si Virgo, tila ba’y lumiwanag ang lahat at para bang siya lang ang babaeng nakikita ko. Siya lang yung babaeng bumihag ng puso ko.

“Tsk! You didn’t tell me Virgo that you have a jerk bestfriend!”

Masama kung tinignan si Queen. “Jerk? ‘Di naman siya Jerk eh. Actually he’s nice to me.” sabay baling sa akin.

Dahil sa sinabi ni Virgo, na buhayan ako ng diwa at parang sumayaw ang tenga ko sa sinabi niya, ghod. Bakit ang lakas ng puri mo sa akin Virgo.

Natawa ng malakas si Queen sa sinabi ni Virgo sa akin. “Really? Paano? Wow!” parang ‘di maka paniwalang wika niya pa.

“Oo, he’s very nice to me, actually siya ang nag dala sa akin kanina.” sabi niya pa, kahit na nasa harap nila ako.

Don’t tell me. Gusto niyang mag parinig sa akin? Ow, that’s cute Virgo.. your beautiful.

“Virgo kapag gumaling ka jan, da dalhin kita sa Psychiatrist ah!” biro pa ni Queen.

Kahit kelan talaga ang sakit sa ulo ng babaeng ito. Hindi na siya minsan nakaka tuwa dahil sa mga nonsense niyang sinasabi. Kaya nga minsan gusto ko rin siyang dalhin sa Psychiatrist kasi baka may mental disorder siya eh.

“Nope. Wala namang problema ang isip ko. Sadyang puso ko lang talaga ang may problema.” medyo nanlaki ang mata ko sakanya.

Anong sinabi niya? May problema siya sa puso? “May masakit ba sa puso mo Virgo?” nag aalalang tanong ko.

Virgo Meet Taurus |✓Completed| (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon