—Virgo Meet TaurusChapter 12
KINABUKASAN, maaga akong nasa school I think 7:15 am palang nasa school na ako. Ang umpisa naman ng klase namin is exactly 8 o’clock. Kaya maaga ako ngayon dahil, trip ko lang?
Ayaw ko talagang mag pa-late.
Last time nung na late ako isang topic lang na missed ko hindi ko na alam isasagot ko sa papel, mabuti nga mabait si Queen pinakopya niya ako.
Pero last na iyun.
Nakakahiya, kaya inaagahan ko na.
And speaking of Queen..
“Hi Virgo.” agad akong napatingin kay Queen.
Bahagya akong ngumiti sa harapan niya, gaya ng lagi kong ginagawa sa tuwing nasa harapan ko siya, “Hello.” bati ko rin sakanya.
Umupo na siya sa upuan niya sa aking tabi at mgumiting humarap sa akin. Lagi-lagi niya akong kimakausap at lagi-lagi ko din siyang sinasagot. Hindi kami ganoong ka-close pero sapat na para kausapin ko siya. Bagamat, parehas naman kaming nag e-enjoy at masaya din naman siyang kasama at ka kwentuhan.
Kaya kung gusto niyang makipag-usap sa akin.
Willing akong kausapin siya.
Dahil gusto ko din naman na may kausap ako ngayong umaga.
“Sorry, kung masyado akong malapit sa ’yo.” panimulang wika niya sa harapan ko.
Agad naman akong tumanggi sa sinabi niya.
Sa totoo lang hindi niya naman kasalanan kung masyado siyang malapit sa akin, kahit minsan nahahalata niyang pinagtatabuyan ko siya.
But hindi naman ganoon ang intensyon ko.
Ang gusto ko lang ay distance kasi hindi ako sanay.
Okay lang naman na kausapin niya ako, though ganito ako. Pero hindi talaga ako sanay at hindi ko siya sinisisi na masyado siyang mabait para sa akin.
Saka sinabi ko sa sarili kong susubukan kong makipag-usap sakaniya…
“Ayos lang, ano ka ba.” pilit akong tumawa sa harapan n’ya.
Kitang kita ko kung paano lumiwanag ang brown niyang mata sa sinabi ko. Hindi ko maitanggi na napaka-ganda talaga nitong si Queen. Kung kaya’t kapag break time na or lunch time na namin. Halos mapuno ng kalalakihan ang hallway namin sa sobrang daming nag-aantay na lalaki sa labas para kay Queen. At hindi lang ‘yun. Lahat ng college girl galit kay Queen, kasi imbes na sila “daw” kasi ang bigyang pansin. Sila na “daw” ang hindi napapansin.
Hindi ko naman masisisi ang mga babaeng iyun dahil nga napaka-ganda nga talaga ni Queen at bagay na bagay sakanya ‘yung pangalan niya, pang beauty queen ang datingan niya sa totoo lang.
“Woah, thank you Virgo!” sambit niya pa rin habang may malawak na ngiti.
Tumango lang ako sakanya. Wala naman akong masabi eh. Basta’t umaga wala akong ma-open na pwedeng i-topic sa ganito. “Hey Virgo, I wanna ask lang kung pwede?” sambit niya bahagyang tumawa at gaya ng ginawa ko kanina. Pilit akong ngumiti sakanya.
“Sige ano ba ‘yun?” tanong ko.
Malawak siyang ngumiti sa harapan ko at hinawakan niya ang dalawa kong kamay, nabigla ako sa ginawa niya, ngunit hindi ko nalang iyun i-pinahalata sakanya.
“I want you to be my bestfriend, Virgo.” sabi niya. Nagulat ako sa sinabi n’ya. She want me to be her friend—bestfriend?
As in?!
BINABASA MO ANG
Virgo Meet Taurus |✓Completed| (UNDER REVISION)
RomantizmSynopsis: Helena University #1 Meet Virgo, ang simpleng dalaga na nais lamang mapansin ng kanyang ina at mahalin siya kagaya ng pagmamahal noon sa kaniya. Ngunit simula nang mawala ang kanyang ama tila nasira ang lahat, nakalimutan na siya ng ina at...