Chapter 13

1.8K 53 10
                                    


—Virgo Meet Taurus

Chapter 13

“Virgo!” napatingin ako kay Queen.

“Tara Milk tea tayo.” ngising bungad niya. Uwian na ngayon at balak ko sanang sundiin na si Leo, wala rin akong trabaho ngayon.

Dahil day off ko.

Ngayon lang ako nabigyan ng araw para makapag pahinga.

“Hmm, saan ba?” tanong ko pa. Malawak na ngumiti si Queen sa akin.

“Diyan lang.” rinig kong sabi niya saka pa siya tumuro sa harapan namin.

Gusto kong tumanggi sa sinabi niya, bagamat wala na akong pera. Kaso nakakahiya naman kung tatanggihan ko siya.

Nag iipon na kasi ako. Pero wala akong magagawa kundi tumango.

“Tara.” pag sang-ayon ko.

Bumungad ang napaka-lawak niyang ngiti sa harapan ko. “Thank you!” sabay ngiti ng malawak.

Tumango na lamang ako habang mahigpit kong hinawakan ang strap nang bag ko.

May kung anong bagay ang pumapasok sa aking isipan at hindi ito ‘yung bulong na madalas kong marinig. Kundi ang boses ni mama.

Please, tumigil kana..

Hindi mo ba alam na sawang-sawa na ako!

Sawang-sawa na akong nakikita kang ganiyan!

Problemado na tayo sa pera!

Pagod na pagod na akong mag alaga…

Napahawak ako sa tenga ko dahil napakalakas nito at nag iiba ang boses nito bawat salita nito at sumasakit na din ang ulo ko. Nangingirot na ito sa matinding sakit at nahihirapan na ako..

Pilit kong iniiling ang aking ulo nang sa gayon ay mawala ang bulong na iyun. Pero imbes na mawala ito mas lalong lumalala.

Hindi ko na kaya.. please..

Mahigpit kong hinawakan ang ulo ko at hahakbang na sana ako. Nang maramdaman kong nanlabo ang paningin koo at umiikot ito. Pinilit ko pa din humakbang ngunit pagka-hakbang ko doon ako bumagsak sa lupa.

Ang sakit ng ulo ko, nangingirot ito sa sakit. Hindi ko makita ang dinadaanan ko sa sobrang labo ng paningin ko.

“VIRGO!!” Narinig ko ang sigaw ni Queen sa gilid ko.

Anong nangyayari sa akin?!

Pilit akong gumagapang sa sakit, ngunit pag angat ko pa lamang ng kamay ko. Nakaramdam na ako ng matinding kirot sa ulo ko. Anong nangyayari sa akin. Naramdaman ko pang hinawakan ako ni Queen ngunit hindi ko makita ang kanyang mukha. Wala akong makita ni isa, Lord mabubulag na ba ako? Pilit kong dinidilat ang mata ko, ngunit ni isa wala akong nakita.

Wala na din akong marinig at hindi ko na alam ang nangyayari sa kapaligiran ko.

“TULONG!” unti unti kong pinikit ang aking mata. At sa huling pagkakataon. Nakita ko pa ang tumatakbong si Queen upang mang hingi nang tulong sa mga studyante.

Mamatay na ba ako?

______

Nang magising ako ay bumungad kaagad ang napakaliwanag na ilaw sa harapan ko. Sa sobrang liwanag pa nito ay wala akong nagawa kundi napatakip sa aking mga mata.

Virgo Meet Taurus |✓Completed| (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon