Chapter 7

2.2K 49 4
                                    

—Virgo Meet Taurus


Chapter 7


Kinabukasan.

“Ate, ayos ka lang ba?”

Tinignan ko si Leo, “Ayos lang ako. Leo,” palusot ko.

Sariwang-sariwa pa din sa aking damdamin ang sakit na narinig ko kagabi.

Mahigpit kong hinawakan ang bag ko, oo ang sakit ng sinabi ni mama sa akin. Syempre kung kayo ang sabihan nun, kung kayo ang pag-isipan nang ganoon.

Syempre masasaktan tayo, ilang beses kong pinapa-intindi sakanila na ginagawa ko ‘yun dahil sa pang tuition ko. Pero kahit ilang beses ko mang ipa-intindi sakanila, parang wala ding nangyayari.

“Ate.” tinignan ko si Leo, nang tawagin niya ako.

Pilit akong ngumiti sa harapan niya. Nagulat ako sa ginawa niyang pag yakap sa akin.

Dahil sa ginawa niya mabilis kong binaba ang aking ulo at sinubsob ang mukha ko sa kapatid ko.

“I’m here lang ate.” bulong n’ya, habang yakap-yakap ako.

Lumabas na ang luha ko, kanina ko pa pinipigilan ang lumuha ngunit hindi ko na kayang itago pa. Masakit sa akin ‘yun at kahit sino ding tao, talagang masasaktan at masasaktan talaga.

Lalong-lalo na ‘yung pamilya pa natin ang nagsabi.

“A-Ang sakit…” utal kong sabi habang nakayakap pa din.

“Shhh… iiyak mo lang ‘yan ate..” sabay haplos sa aking likuran.

Nagpatuloy lang siya sa paghaplos habang ako umiiyak at pilit na inilalabas ang lahat nang luha ko.

Kahit papaano na wala rin ang lungkot ko sa simpleng yakap ni Leo sa akin. Ang swerte ko dahil may kapatid akong katulad ni Leo.

“Thank you, Leo.” kumalas siya, at nginitian ako.

Napapunas ako sa mukha ko at pilit na ngumiti.

Gumaan na rin naman ang pakiramdam ko ngayon. Mabuti na lamang at nandiyan si Leo para sa akin. Hindi niya ako pinabayaan.

Mugtong-mugto na ang mata ko at papasok akong parang sinapak ng limang tao.

Nakalimutan ko na may pasok ako…

Pero bahala na…

Basta nailabas ko ang sakit sa puso ko..

“Always welcome ate.” ginulo ko ang buhok niya. At ngumiti sa harapan niya.

I love you Leo.

I’m always here for you, supporting and loving you.


_____

Papasok palang ako sa coffee shop, nang may humarang sa harapan ko. Nabigla ako bagamat muntik na akong masubsob sa bisig nang taong ito.

Napaangat ulo ko, at nanlaki ang mata ko ng makita ko si Rus. Ang tumulong sa akin.

“Good evening,” ngiting bungad niya.

Ito na naman po ang puso ko..

Napaiwas ako sakanya. “Uhmm, g–good evening rin..” utal kong bati sakanya.

Ang bilis nang kabog ng puso ko.

Nag-intay pa ako ng ilang minuto sakanya.

Nakalimutan ko na palagi pala siyang tumatambay dito, kaya dakilang suki na ang tawag ko sakaniya.

Virgo Meet Taurus |✓Completed| (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon