—Virgo Meet Taurus
Chapter 35
Damang dama ko pa rin ang mainit niyang labi sa akin. Wala akong alam sa ganito kung kaya’t nanatili ang labi at sarili kung naka–steady lamang habang ang labi namin ngayon ay magka–dikit. Firstime ko lang kasi ito kaya wala akong magagawa.
Maya–maya pa ay pinakawalan niya na rin ako. Nag tinginan kaming dalawa at sakto dahil pagmulat ko nang mata nag tama ang mata naming dalawa na nag bigay nang kakaibang pakiramdam sa akin. Damn!
Unti–unti ko ring umukit ang napaka gandang ngiti sa labi niya. “The next time you want to kiss me, just tell me and I'll do it.” napatikhim ako sa sinabi niya. At sabay iwas nang tingin sa kanya. Yung pisngi ko namumula na sa kahihiyan ko!
My ghod! Halata ba ako kanina? Ilang oras na ba akong nakatitig sa kanya? Ghod! Ghod!
Humarap na lamang ako sa bintana nang kotse niya, at doon ko nalang tinuon ang atensyon ko sa labas. Kailangan ko munang umiwas iwas nang dahil sa kahihiyan ko. My ghod Cassie!
Habang nakatingin ako sa labas, bigla niya ulit hinawakan ang kamay ko. Bahagya akong humarap sa kanya. “What?” nag–tatakang tanong ko, nakatingin kasi siya sa akin. Hindi na ako natakot sa harapan namin dahil itong kotse naman niya automatic na itong tumatakbo.
Bumilis ang kabog nang puso ko sa ginawa niyang pag ngiti sa harapan ko, yung sobrang ngiting malawak abot hanggang bagang na halos mapunit na sa sobrang lawak no’n.
“Ang ganda mo. Hinding hindi talaga ako nagsasawa na pagmasdan ka.” mahinahong niyang tugon sa akin.
Hindi ko alam kung nagulat ba ako doon. Pero kinilig ako sa sinabi niya, kilig to the bone nga daw kasi. “Ilang beses mo nang sinabi yan sa akin.” natatawang sabi ko rin sa kanya.
“Hindi ako mag sasawang sabihin iyon sa iyo, kahit pa sobrang rinding–rindi ka na sa paulit–ulit kung sinasabi iyon. Basta’t mahal kita, hinding hindi ako mag sasawang sabihin at iparamdam sa iyo yun. Maganda kung girlfriend.” he seriously said to me.
Hindi ako umiwas sa mata niya nakipag titigan ako sa kanya. “Alam mo, kahit isang daan beses mo yang sabihin sa isang araw, hinding hindi ako nag sa sawa sa katagang iyan.” tugon ko.
“Sa totoo nga, gustong gusto kung marinig ang mga yan sa tuwing kasama kita araw araw. Kasi nakasanayan ko na Love. Nakasanayan ko nang marinig ang ganyan, baka kapag biglang nawala ang katagang iyan. Pakiramdam ko wala na ang taong mahal ko sa buhay ko. Masarap sa tenga ang katagang iyan Love. Para siyang lyrics nang kanta sa sobrang sarap sa pakiramdam—lalo na kung ikaw ang nagsasabi niyan.” dagdag ko pa, saka ko hinawakan ang mag kabilang pisngi niya.
Hinaplos ko ito habang matamis akong nakangiti sa harapan niya. “Damn! Hinding hindi ako titigil na sabihin ito sa iyo Love. At mas lalong hinding hindi ako aalis sa iyo, nandito lang ako sa tabi mo nagmamahal at ipaparamdam ang pagmamahal ko sa iyo. Hindi ako aalis, ikaw lang ang gusto kung makasama habang buhay Virgo. Kaya hindi kita iiwan. I love you.” bulong na sabi niya sa akin.
Mas lalo akong napangiti sa sinabi niya. “Alam ko yun, hinding hindi mo ako iiwan. At gano’n din ako. Nangako ako kaya gagawin ko ang pangako ko sa iyo Love. Mahal na mahal kita.” bulong na sagot ko rin.
______
Nang makauwi ako sa bahay, bumungad sa akin ang pagod na katawan ni mama na nakayukyok sa lamesa namin. Kumuha nang kumot sa gilid nang sofa namin saka ako pumunta sa kinaroroonan ni mama at binalutan ko siya nang kumot.
Malamig ang panahon ngayon kaya nilagyan ko siya. Kahit na lagi niya akong pinagagalitan o sinisigawan nang kung ano anong masasakit na bagay sa akin sa araw araw. Hindi pa rin nawala ang pag aalala at pag mamahal ko kay mama.
BINABASA MO ANG
Virgo Meet Taurus |✓Completed| (UNDER REVISION)
RomanceSynopsis: Helena University #1 Meet Virgo, ang simpleng dalaga na nais lamang mapansin ng kanyang ina at mahalin siya kagaya ng pagmamahal noon sa kaniya. Ngunit simula nang mawala ang kanyang ama tila nasira ang lahat, nakalimutan na siya ng ina at...