Prologue

133K 2.1K 674
                                    

Iryl Praize Laxon

“Praize!” agad akong napatingin sa direksyon kung saan tingin ko nanggaling ang boses ng tumawag sa akin. Tumango lang ako kay Reid at bumalik sa ginagawa. Kinuha ko ulit ang kulay pink na notebook sa bag at sinuri ang mga nakasulat dito.

“Hindi ka ba sasama sa amin mag-lunch?” Umupo si Reid sa tabi ko at tinangkang sumilip sa notebook na hawak ko. Agad ko naman itong sinara at nilayo. Binalik ko ulit ito sa bag ko at sinamaan siya ng tingin. Her eyebrows furrowed for a second then she smirk knowingly. Umiiling siya at tumayo.

“Guess not,” she winked and walk away while waving her right hand. Nang masigurong wala na siya ay bumuntong hininga ako at kinuha ulit ang notebook. Ngumuso ako at patuloy na sinuri ang paraan ng pagsusulat ng taong nagmamay-ari nun. Malinis iyon at maliit at maganda. Pilit na kinabisado ko ulit ang pagkakasulat niya sa bawat letra kahit na nakatatak na sa isip ko iyon.

Masyado iyong importante para lang kalimutan.

Kinuha ko gamit ang kaliwa kong kamay ang isang piraso ng papel. Nakasulat doon ang mga sagot ko sa mga tanong na nakapaloob sa notebook na ito. I check if my handwriting is similar to hers. And I think it do exactly look like hers, but I also feels like it’s not. Ugh, hindi lang naman siya ang nagpapagawa sa akin ng notes and assignments pero bakit sa kanya lagi ako pinaka-nahihirapan?

Parang sobrang hirap gayahin ng sulat niya kahit na merong iba na akala mo hindi na sulat at parang alien ang nagsulat pero nakakaya ko pa ring gawin. Pero kapag sa kanya na, parang naba-blangko ang utak ko at nawawalan ng lakas ang mga kamay. Damn it.

I bit my lower lip and decided to practice on a new paper again. Kailangan maging perpekto ang pagkakagaya ko sa sulat niya bago ko ilagay sa notebook niya. Bukas ko pa naman ‘to ibibigay sa kanya. Tumingin ako sa orasan ng room at nakitang 3:30 na. Nanlaki ang mata ko at nagmamadaling tumayo, “Crap,”

Inayos ko ang mga papel at nilagay sa bag. I make sure na maayos ang pagkakalagay ng mga gamit niya at hindi gusot. Pagkatapos ay kinuha ko naman ang mga notebooks ng iba pang nagpagawa sa akin. Lahat yun ay sa katabing desk ko nilagay dahil tapos na yun kanina pa. Ibibigay ko nalang sa kanila.

At 3:00 ko dapat ibibigay, pero 3:30 na! Aish, baka nandun na ang prof nila! Lagot ako nito.

I sighed deeply at mabilis na tumakbo papunta sa building ng ABM Strand. Umakyat ako sa hagdan at nag-excuse me at nag-sorry sa mga taong nalagpasan at medyo nabangga ko. Bakit ba nasa fifth floor ang section ng mga ‘to?!

Hingal na hingal ako ng sa wakas ay makapunta ako sa fifth floor. I grab my handkerchief and wipe the sweats running down to my face and neck. Pawisin kasi talaga ako kaya lagi akong may dalang panyo. Konting araw at init lang ay nagpapawis na ako kaya para akong kawawang bata kapag nakakalimutan kong magdala ng panyo.

Lakad-takbo ang ginawa ko papunta sa room nila na nasa kabilang dulo pa. Napa-face palm at mahinang natawa dahil sa katangahan ko, bakit hagdan pa ang ginamit ko eh may elevator naman? Fuck!

Nang makarating sa dulo ay kumatok ako. Mahinang nagdadasal na wala pa ang prof nila. Kung nandyan na ay magpapalusot na lang ako na maling room ang nakatok ko. Binuksan ko ang pinto pero dumungaw lang ako dahil baka makita ang mga notebooks na dala ko kung sakaling may teacher. Nakahinga ako ng maluwag nang wala akong madatnan.

Nagsilingunan naman ang mga estudyante sa room at parang may dumating na anghel para isagip sila dahil sa mga relieve na mukha nila. Mukhang kinabahan ang mga ‘to, ang alam ko ay terror ang prof nila sa Gen. Math.

Tumayo ang isang maganda at matangkad na babae. Si Kraij. Medyo napasinghap ako dahil may pagkakahawig talaga sila nung nagpapahirap sa akin kani-kanina lang sa room.

When Will You Notice Me? (When Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon