Wish
Napalunok ako sa sinabi ni Joey. Hindi ako makapagsalita at nakatitig lang sa kanya. Nakangisi naman siya at mukhang satisfied sa naging reaksyon ko.
I licked my lower lip as I stared at her. She slightly tilt her head and raised her brows. The side of her lips rose.
“What? Not gonna say anything, baby?” she chuckled. Ngumuso siya at tumingin na lang sa mga taong nasa paligid namin. May mga naglalarong mga bata, nagtatawanang mga magbabarkada, mga pamilyang nagpi-picnic, at meron ding mga katulad kong nakatitig lang sa mga mahal nila.
Pinasadahan niya ng kanyang mga daliri ang kanyang buhok. Lalo akong manghang napatitig sa kanya. Walang wala ang pagkamanghang naramdaman ko doon sa limousine na nakita ko kesa sa pagkamanghang nararamdaman ko ngayon habant tinititigan si Joey.
I catch her stole a glance on me. Muli siyang napangisi at napailing. I gasped when she did that. She look like a naughty goddess, smirking mischievously at me.
Parang kayang kaya niya akong paluhudin ngayon at kung kailan man niya gustuhin. At syempre, gagawin ko naman yon kapag sinabi niya. Kung gusto niya pa nga ay sambahin ko siya, gagawin ko talaga.
I chewed my lower lip.
Kinabahan talaga ako kanina. Akala ko ay hindi siya dadating. Akala ko ay hindi niya ako sisiputin. Akala ko ay nakalimutan niya talaga. Ano kaya ang mangyayari sa akin kapag hindi talaga siya dumating? Ano kaya ang mararamdaman ko? Magagalit kaya ako? Malulungkot?
Maybe I’ll be angry. Maybe I’ll be sad and feel disappointed. Or maybe I’ll even cry kahit na yon lang naman ang nangyari.
But I’m sure at the end of the day, okay lang sa akin. I’m sure I’ll still forgive her. I can’t be mad at her for too long, you know. Baka nga wala pang isang oras ay napatawad ko na siya.
Umayos ako ng upo at tinabihan siya. Kinuha ko ang kanyang kamay at ipinagsalikop ito sa aking kamay. I rubbed her hand gently using my thumb and pecked it. I so love this girl.
Narinig ko ang pagsinghap niya nang halikan ko ang kanyang kamay.
“Baby…” I called her using our endearment for each other.
“Hmm?”
“I love you so much.” I stated and kissed her hand again. I saw her look at me and smiled. Tila kumikinang na naman ang kanyang tsokolateng mga mata.
“And I love you too, Iryl.” I felt my heart beat so fast. Nagwala na naman ang mga halimaw sa aking tiyan. Grabe, isang I love you niya lang ay tila mahihimatay na ako sa sobrang tuwa at kilig.
Pinasadahan ko siya ng tingin. She’s staring at me too. May malawak na ngiti sa kanyang labi na nagpakita sa kanyang mapuputing ngipin at nagpasilay sa kanyang dalawang dimples.
Oh God, I really love her dimples.
Hindi ko napigilan ang paglapit at paghalik sa kanyang pisngi. Sinakto ko ang paghalik sa kung saan ang dimples niya. Hinalikan ko ulit ang kabila niyang pisngi.
I heard her giggled, “Why are you suddenly kissing me on my cheeks? You could kiss me on my lips naman,”
I smirked, “Your dimples are inviting me, baby.”
Paulit ulit kong pinatakan ang kanyang mga dimples ng halik. I didn’t mind the other people who are already staring at us. Basta gusto ko siyang halikan sa pisngi ngayon.
“I don’t like my dimples, Iryl. Pakiramdam ko ay para pa akong bata.” Nguso niya. Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. What the hell? She doesn’t like her dimples?! But it was like the best thing ever!
BINABASA MO ANG
When Will You Notice Me? (When Series #1)
RomanceGive me at least a glance... so I can wait a little longer.