Okay
Ngumiti ako sa mga guard na bumati sa akin habang papasok ng Vermont Corporation. Dalawang araw na simula ng dito kami mag-opisina sa kompanya ng mga Vermont.
And so far, okay naman. Wala namang masyadong nangyari nitong dalawang nakaraang araw simula noong naging maikli naming pag-uusap ni Joey sa office ko dito.
As much as possible ay iwas na iwas ako sa mga boss ko. Lalo na kay Joey. Hindi rin naman kami madalas na nagkikita dahil malayo ang mga floors namin sa isa't isa.
Bukas ay magsisimula na ang construction para sa Grande de Vermont sa south part ng Avosta. Naging busy din kami nitong nakaraang dalawang araw dahil sa talagang pagtutuon namin ng atensyon sa project lalo na't isa itong napakalaking proyekto.
We can't lose and fail this. We just can't. I can't afford to fail this, especially since this is Joey and her family's company.
Alam ko namang kaya namin. May tiwala ako sa bawat isa sa amin at syempre, may tiwala rin ako sa sarili ko. I just can't help but to have some doubts to myself. Siguro ay dahil naging parte sila Joey ng nakaraan ko kaya ganito na lang ako kabahan para sa proyektong 'to.
Pinindot ko ang button nang elevator. Nakita kong nasa 3rd floor na ito kaya hindi na matatagalan ang pagbaba at paghihintay ko. Nang finally ay bumukas na ang elevator ay agad na akong pumasok.
I pressed the floor where our offices are which is the thirtieth floor. Magsasara na sana ang elevator pero nakita kong may papasok kaya nagmamadali kong pinindot ang isa pang button para mag hold ito at hindi tuluyang sumara.
Or maybe dapat ay hindi ko na lang pinindot ang button para tuluyan na itong sumara. Dahil ang taong pumasok ay walang iba kundi ang taong pinakagusto kong iwasan at hindi makita dito sa buong kompanya.
Si Joey.
Seryoso siyang pumasok at pinindot ang kanyang floor. She's wearing a twill peak lapel one button cut away jacket and a V neck woven cami top partnered with a straight leg stitched pants and a mega patent heel.
Calvin Klein now, eh?
Tahimik lang akong napaatras habang siya naman ay nakatayo lang din sa bandang harapan. I bit my lip, slightly hesitating if I should greet her a good morning or not. Naging ten AM na kasi ang pasok namin dito kahapon lang.
Ayoko sana pero parang nakakawalang galang naman kung hindi ko siya babatiin lalo na't boss ko siya. Shit, what to do? What to do?
Bumagsak ang mga mata ko sa kamay niyang hawak hawak ang kanyang Chanel na bag. Napangiwi ako, wala ba talaga siyang gamit na hindi mahal?
Napaiwas ako ng bahagya niyang inayos ang kanyang buhok kaya medyo nakita ko kung anong nakalagay sa ring finger niya. It's a ring. Hindi ko masyadong nakita ang design dahil naibaba niya na ang kanyang kamay.
May sumikip na naman sa dibdib ko, sino kayang nagbigay sa kanya niyan? O baka siya ang bumili? I hope it's the latter one.
Tumaas na ang elevator kaya napapikit na naman ako. Damn this shit, naiirita na nga ako tapos dadagdag pa 'to.
Nakita kong napasulyap sa akin si Joey kaya agad akong muling napayuko at nilipat ang tingin sa aking bag na hawak hawak ko.
Ilang segundo ay tinaas ko na muli ang aking mga mata pero napatigil lang ulit ako dahil nakatingin pa rin pala siya sa akin. Damn, Joey, why are you staring at me?
I gulped and smiled slightly at her, "Good morning, Ma'am Krayjel." Nakita kong bahagyang napakunot ang noo niya nang sabihin ko ang Krayjel.
Ayoko na kasi siyang tawagin na Joey. Naaalala ko lang ang dati at saka sabi kasi talaga sa akin nila Engineer Amaron ay ayaw niya raw na tawagin siyang Ma'am Joey. Baka sinabi niya lang sa akin 'yon dahil magkakilala naman kami dati.
BINABASA MO ANG
When Will You Notice Me? (When Series #1)
عاطفيةGive me at least a glance... so I can wait a little longer.