Chapter 15

38.9K 1.4K 324
                                    

Girlfriend

“It’s okay, Joey. You did great,” alo ko kay Joey na nakanguso ngayon. Well, ano pa nga ba ang dahilan, edi yung paramihan namin ng points kanina sa basketball. Sabi niya kasi ay huwag ko raw siyang ipanalo ng sadya kaya hindi ko talaga ginawa.

Hindi ko naman alam na she’s so bad at shooting those balls. Three lang out of God knows how many did she try to shoot ang naipasok niya sa ring. Edi sana ay medyo nag lie low lang ako sa pagsho-shoot at nimintis ang iba para hindi naman siya masyadong ma-feel bad.

Umirap lang siya, “Oh please, Laxon. Don’t even try to fool me.” She crossed her arms and a very visible frown is etched on her beautiful face.

“At least you did your best. Don’t be sad,” Lihim akong napangisi nang pandilatan niya ako at parang nagwa-warning na ang mukha na dapat na kong tumigil. Okay, okay, hindi na.

Nakaakbay ako sa kanya ngayon habang naglilibot kami. Ang daming shops na aming nadadaanan. Halos napapalunok ako lagi kapag may nadadaanang famous brands. Like Chanel, Gucci, Louie Vuitton at may Yves Saint Laurent pa nga sa dulo.

Pansin kong napapatingin si Joey sa mga yun pero agad din naman siyang umiiwas kaya maluwag akong nakakahinga. Pinagmasdan ko siya at seryoso lang ang tingin niya sa harap. Napalingon siya sa akin nang mapansin na nakatingin ako, I lifted my eyebrows and gave her a playful wink.

She rolled her eyes but my eyes didn’t failed to noticed a smile growing on her lips. Marahang humigpit ang kapit njya sa beywang ko. Muntik na akong mapapitlag dahil mas napalapit siya sa akin.

Hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon na dadating pala ang panahon na magiging ganito kami kalapit sa isa’t-isa. She’s so close to me. Samantalang dati ay nakatingin lang ako lagi mula sa malayo.

“Aren’t you hungry yet?” tanong ko. Hindi pa naman ako gutom pero baka kasi gutom na siya dahil napagod kanina sa arcade.

She shook her head, “Nope.”

Tumango ako. “San mo pa ba gustong pumunta? Movies?” Ngumiti naman agad siya ng malawak at agad na tumango.

“Yes, please!” My heart beats faster when she said the word please. Nagpi-please rin pala siya. Akala ko ay puro pagiging boss lang ang alam.

Umakyat kami sa third floor para sa Movie Theater. Tumingin kami sa mga latest na showing ngayon. Karamihan ay romance pero nakuha ng atensyon ko ang horror. Nakita ko ang trailer nun sa LED na tv sa tabi. Ngumiwi ako dahil parang nakakatakot nga.

Si Joey naman ay tumitingin pa rin sa lists ng mga movies na showing. Bahagyang nakakunot ang noo niya na parang nag-iisip ng mabuti kung anong panonoorin namin.

Nakapasok naman ang ang aking dalawang kamay sa mga bulsa ko. Tahimik lang akong nasa tabi niya at naghihintay siyang makapili. Ngumuso ako dahil para talaga siyang nahihirapang pumili ngayon. Nakaawang na ng bahagya ang kanyang labi kaya napalunok ako.

Damn. Her lips seems so soft and… kissable.

Nilibot ko ang paningin nang maramdaman ko ang mga titig sa amin. Or more like kay Joey. May nakita akong tatlong lalaki sa bandang kanan namin na nakatingin kay Joey. Nagbubulungan ito at nagtatawanan at nagtutulakan.

My jaw clenched as I glares at them. Ang dalawang lalaki sa gilid ay tinutulak ang lalaking nasa gitna papunta sa direksyon namin. Mukhang pinapalapit nila. Yung lalaki namang nasa gitna ay mukhang gustong-gusto rin na tinutulak siya dahil unti-unti na itong lumalapit habang natatawa.

Nanlisik ang mga mata ko at lalo silang tiningnan ng masama pero parang wala silang pakiramdam dahil hindi man lang nila ako tinatapunan ng tingin at na kay Joey lang ang atensyon. Can’t they fucking see that I’m here?!

When Will You Notice Me? (When Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon