Leave
“H-Huh?” I stuttered. Halos mapasinghap ako dahil sa sinabi niya.
Ngumuso naman si Joey, “I said I’m inviting you for a dinner on our house.” Ulit niya pa. Para naman akong nanlamig dahil sa pagkakaulit niya. Crap, crap, crap.
Shit. Invite? Dinner? Sa bahay nila? Putangina. Okay lang sana kung siya lang ang kasama o kaya ay sila Kraij at mga kaibigan lang nila pero sa bahay nila?! Sa mismong bahay nila!
Edi ibig sabihin ay paniguradong kasama naming kumain ang mga magulang niya. Fuck, ngayon pa lang ay kinakabahan na ako kahit wala pa at kahit hindi pa ako pumapayag.
I’m still not ready! Baka mahimatay lang ako sa kaba mamaya! Hindi pa naman ako magaling makisama at makipag-usap sa ibang tao.
“So?” Joey raised her eyebrows at me. Naka-crossed arms pa siya at seryosong nakatingin sa akin.
Hindi ko maiwasang sumulyap sa likod niya. Nakita ko agad ang mga magulang niya. Malayo ang mga ito mula sa amin pero kulang na lang ay tumakbo na ako papalabas ng gym.
I immediately looked away when Joey’s dad slightly glanced at us. Saglit na tumama ang mga mata ko sa malamig na mga mata ni Mr. Krain Vermont. Nakikipag-usap ito sa isang kaedaran niyang lalaki pero sumulyap pa rin ito sa amin. Halos mapatalon ako at napalunok.
Binalik ko na lang ang pagkakatingin ko kay Joey. Bahagyang nakakunot ang noo niya habang nakataas pa rin ang mga kilay sa akin at tila naghihintay pa rin ng sagot.
Fuck, hindi ko pa yata talaga kaya. Masyado pa akong kinakabahan. Baka wala lang akong masabing tama dun sa dinner na yun.
“Ah… kasi Joey, may plano na rin kaming dinner kala Reid mamaya eh.” Alinlangan kong sagot. Totoo naman ang sinabi ko. May maliit na celebration lang mamaya sa apartment nila Reid na hinanda nila ate Sophia para sa kanya at sa amin na rin ni Charles. Samantalang si Selene ay hindi makakasama dahil may dinner din siya kasama ang mga magulang, kaaalis niya lang.
Pero hindi rin naman dapat ako sasama ngayon dun. May usapan kasi kami nila Nanay ngayon na mag-uusap dahil nabalita ko ang awarding ngayon. At medyo matagal na rin kasi kaming hindi nag-uusap nila Nanay dahil busy ako sa pag-aaral at sila naman ay sa bukid.
Pero pwede ko namang ipagpaliban ang pag-uusap na yun para kay Joey. Marami pa namang araw, pwedeng pwede ako tumawag sa kanila. Kaso… dinner kasama ang pamilya niya ang inaaya niya. Hindi pa yata ako ready para sa ganun.
“Oh… is that so?” Saad ni Joey. Nakita ko ang nagbabadya na disappointment sa hitsura niya sa naging sagot ko. Napakagat siya ng labi.
“Oo eh.” Kabado kong sagot. Peke akong ngumisi at tumingin kala Reid at Ate Sophia.
“Hindi ba, Reid?” tanong ko pa kay Reid para mas lalong maniwala si Joey.
Pero sana ay hindi na lang ako nagtanong dahil nginisian ako agad ni Reid.
Mapaglaro ang mga mata niya at sa tingin pa lang ay hindi ko na nagugustuhan kung ano man ang iniisip niya. Damn, ba’t pa ba ako nagtanong?
“Oh? Kala ko ba hindi ka sasama?” saad ni Reid. Gustong gusto ko na sana siyang samaan ng tingin kaso nakatingin sa amin si Joey.
Damn you, Reid! Panira ka talaga!
Nakita kong kumunot ang noo ni Joey sa sinabi ni Reid. The sides of her eyes crinkled and stared at me thoroughly. Tila gusto niyang alamin ang tunay na tumatakbo sa isipan ko ngayon.
“Ah, sinabi ko ba…” Pagak akong tumawa at napakamot pa sa aking batok. I licked my lips and bite the sides of my cheeks.
“Oo.” Tawa pa ni Reid. Gustong gusto ko nang tanggalin ang ngisi niya sa mukha pero sa susunod na lang dahil nandito nga si Joey sa harap. Siguradong malalaman ni Joey na nagsisinungaling ako kapag sinapak ko ngayon si Reid.
BINABASA MO ANG
When Will You Notice Me? (When Series #1)
RomanceGive me at least a glance... so I can wait a little longer.