Called
Dahan-dahan akong napadilat, naalimpungatan ako mula sa pagkakatulog. Agad akong napahawak sa ulo kong sobrang sakit ngayon.
Oh damn, parang binibiyak ngayon yung ulo ko sa sobrang sakit!
“Aray ko, putangina…” Mura ko at muling napaimpit sa sakit. Kaya ayokong sobrang nalalasing eh, grabe yung hangover ko tuwing magigising.
Shit, ano bang nangyari kagabi? Ang natatandaan ko lang ay inaya akong pumunta nila Reid at Charles para mag bar dahil hindi pa sila nakukuntento sa condo ko. Tapos pagdating namin sa Nightlight ay bungad agad ang napakaraming tao at ang amoy ng mga alak, tapos um-order kami ng mga alak sa bar counter then… hindi ko na matandaan.
Mariin akong pumikit dahil sa sakit talaga ng ulo ko, pagkatapos ay huminga ako ng malalim. Nang medyo maibsan ang sakit ay unti-unti ako muling dumilat para tingnan ang paligid.
Kumunot ang noo ko dahil may pagkakahawig ito sa kwarto ko sa condo… only that this room is bigger than my room. Sunod kong tiningnan ang higaan ko, kulay pula ang bed sheet pero ang mga kumot at mga unan ay puti.
Kailan pa ako nagkaroon ng pulang bedsheet sa condo?! Puro puti lang naman ang mga kulay doon, maliban na lang sa paborito kong kulay na black.
Kulay itim naman ang isang side table na tabi ng kama. May lamp pa nga ditong nakalagay, — well, may lamp din naman sa kwarto ko pero iba ang design nito. Iba rin ang mga nakapatong sa ibabaw ng side table, may charger at ilang powerbanks na nakapatong lang sa baba, hindi katulad sa side table ko na ang mga nakapatong lagi ay mga mechanical pencils.
Crap, this is clearly not my room! Where the heck am I?!
Hindi naman ‘to kala Reid dahil sa bahay ‘yon nila nakatira ngayon at alam ko ang hitsura ng kwarto ‘non at hindi rin ito kay Charles dahil iba rin ang hitsura ng kwarto nun kesa dito.
Hindi ba kami hinatid pabalik ni Reid sa condo ko? Well, for sure ay hindi dahil siguradong lasing na ‘yon pero hindi man lang ba siya nagpa-reserve ng VIP room para sa amin sa Nightlight?!
Marahan akong tumayo dahil hindi ko talaga mamukhaan ang kwartong ‘to. Though the structures has some similarities with my unit. Grande de Vermont pa rin ba ito?
Nanlaki ang mga mata ko nang may maisip. Hindi kaya ay mali ako ng unit na napasukan kagabi kaya nandito ako ngayon? Pero kung ganun naman, bakit hindi ako pinaalis ng may-ari nitong condo?
Hindi ko na ininda ang sakit ng ulo na nararamdaman dahil kinabahan talaga ako sa naisip ko. I slowly walked towards the other door in my right side. Pagkabukas ko ay agad din akong napasara dahil malaking walk in closet pala ‘yon at puro mamahalin ang mga nandoon, baka biglang pumasok ang may-ari at mapagkamalan pa akong magnanakaw.
Sunod kong ni-check ang isa pang pinto hindi kalayuan sa left side. Oh, it’s a bathroom. Malawak ito at maganda. Sunod kong sinarado ang pinto at napalunok dahil konting lakad pa ay nakita ko na ang isang pinto at mukhang ‘yon ang daan palabas ng kwartong ‘to.
Pupunta na sana ako doon nang mapadaan ako sa isang whole body mirror. My eyes widened when I saw my clothes. My clothes have changed! Naka nighties na ako ngayon. Sigurado akong hindi ito ang mga suot ko kagabi! Sinong nagpalit?
I bit my lip at muling bumalik sa side table. May nakita akong isang phone doon at naka-charge ‘yon, pero hindi ‘yon ang phone ko. Ayaw ko mang buksan pero tila naintriga ako at pinindot ko ang button noon para mabuksan ito. Dinala ako noon sa lockscreen.
It was just a night sky with bright stars. Napanguso ako, parang ito yung lockscreen dati ni Joey. Nag couple lockscreen kasi kami nun at akin naman ang moon tapos ang kanya ay mga bituin.
BINABASA MO ANG
When Will You Notice Me? (When Series #1)
RomanceGive me at least a glance... so I can wait a little longer.