Chapter 12

36K 1.6K 775
                                    

Baby

Joey just looked at me and shrugged. Kumunot naman ang noo ko sa hindi niya pagsagot. Ano bang ginawa ko? Sa pagkakaalam ko, wala naman akong ginagawang mali na pwede niyang ikagalit o nang sino man.

“Joey, tell me.” bahid na bahid na ang frustration sa boses ko. I shut my eyes tightly and my eyebrows furrowed more.

“It’s nothing, Iryl. I think I’m just exaggerating about it. Don’t mind me.” saad niya at kumuha ng isang shot glass sa lamesa at nilagyan ng Crown Royal. Napatiim ako ng bagang at kukuhanin na sana ang shot glass sa kanya pero nalayo niya na ito sa akin at ininom.

“Joey!” I lowly growled. Kanina pa siya umiinom. Kakadating lang namin pero naka walong shots na siya agad ng mga alak na nasa table. I don’t want her to be drunk, not when I’m here.

“Shut it, Iryl.” masungit ang tono niya at sumulyap sa akin pagkatapos ay umirap. I noticed her voice became quite husky. Tinatamaan na yata ng alak, I think she’s tipsy now.

“Stop na.” I declared. Hindi niya ako pinansin at nilagyan pa ulit ng alak ang shot glass niya. Nalaglag ang panga ko ng Jack Daniel’s naman ngayon ang nilagay niya. Damn this girl. Mas malakas pa yata sa akin uminom.

“Tigil na, Joey. Marami ka nang nainom,” Hindi ko na napigilang tumayo at hinablot sa kanya ang baso at ako na lang ang uminom nito. Napatingin tuloy sa akin ang ibang kasama namin sa table pero hindi ko sila pinansin at kay Joey lang nakatuon.

“Ano ba, Iryl!” she scowled at me. Her lips in a grim line and she scrunched up her face. Magkasalubong na magkasalubong ang kanyang mga kilay at tumayo na rin. Marahil ay napuno na sa kakapigil ko sa kanya.

I almost gulped when I saw her stand. Oh God, she’s mad. Like really, really mad. This is the first time I saw her on this state. Dati kasi ay hindi naman siya siguro galit, I think she’s just annoyed. O baka naman kung galit na siya dati ay pinipigilan niya lang.

Ngayon kasi ay siguradong may tama na siya ng alak kaya eto, galit na galit sa akin.

“What’s your problem?!” she angrily shouted. What? Bakit ako pa ang may problema? Eh siya nga ang hindi namamansin kanina pa? Siya nga ang galit kanina pa? Bakit naging ako ang may problema?

But of course I wouldn’t said that in front of her. Baka lalong magalit.

I saw Kraij stand up from her seat on the side of my eyes. Oh now, I think maba-bad shot pa ako. Nakita kong may sinabi si Kraij pero hindi ko ito narinig dahil sa ingay ng musika.

I clenched my jaw and hold Joey’s wrist. Naglakad ako palayo habang hatak hatak si Joey. Pero dahil matigas nga ang ulo, nagpumiglas siya.

“Where are you taking me?!” she shouted again at pilit na kumakawala sa aking hawak.

“Damn it, Joey. Mag-uusap lang tayo!” Ayoko dito sa loob mag-usap. Hindi kami makakapag-usap ng maayos. The music is too loud, we can’t hear each other that much. The smell of booze is irritating me more.

“I don’t wanna talk! Let go!” pinalo palo pa niya ang braso ko. I wouldn’t deny na masakit talaga siyang mamalo. Baka nga bumakat pa ang palad niya at mamula ‘tong braso ko.

“We’ll just talk, Joey.” Pumikit ako ng mariin at pilit na pinipigilan ang boses na tumataas na. Napipikon na din ako. Pero hindi ko hahayaang sabayan ng galit ko ang galit niya. Walang lang maidudulot na maganda kung parehas kaming galit.

“Baby, please…” I pleaded while using my favorite endearment for her. Umiwas siya ng tingin at hindi na nagsalita. Okay, I think that was a good move.

When Will You Notice Me? (When Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon