Chapter 38

29.5K 1K 646
                                    

Breaking

Halos mapasinghap ako nang sabihin yon ni Dean Alvarez. Tangina, bakit sa lahat ng pwedeng i-deal, yon pa talaga? Bakit ba gustong gusto nila akong masaktan? Bakit ba ayaw na ayaw nila ako para kay Joey?

Alam kong hindi naman ako mayaman. Hindi ako galing sa mayamang pamilya at alam kong nakagawa ako ng malaking offense dito sa school pero bakit naman kailangang iyon ang kapalit ng pagkakamali ko?

Bakit kailangang si Joey? Why does it have to be my baby?

“So… Miss Laxon? What’s your decision?” Nakataas ang kilay na tanong ni Dean Alvarez.

Tiniim ko ang aking bagang at bahagyang napakuyom ang mga kamao kaya tinago ko ito sa aking likod. Damn it. Tangina talaga.

“I…” Simula ko. Gusto kong mapasabunot sa aking buhok dahil gulong gulo ako ngayon at wala akong maisip na isagot. I can’t give up my scholarship but I also can’t give up my Joey. I just can’t…

“I don’t know, Dean.” Pag-amin ko. Kumunot naman ang noo niya kaya napaiwas ako ng tingin. Ilany segundo siyang hindi nagsalita at nakatitig lang sa akin.

Maya-maya ay marahan siyang napatango, “Alright, I’ll give you a day, Miss Laxon. You need to be here to say your final decision. Ang scholarship mo o ang isa sa tagapagmana ng mga Vermont.”

Agad naman akong napatango rin. I felt slightly relieved that I still have a day. At least, hindi ngayon. At least, mapag-iisipan ko pa ng mas mabuti kung ano sa mga pangarap ko ang pipiliin ko.

“You can go back to your classroom now…” Saad niya. Tumalikod naman ako agad sa kanya para buksan na ang pinto ng office niya at umalis na sa lugar na ‘to dahil parang hindi na ako makahinga dito.

“But please, Miss Laxon… consider leaving the heiress. You really have a great future and I believe in you. And we both know that even if you chose her and lose your scholarship… you would still be in a living hell, right?” Napatigil ako dahil sa muli niyang litanya.

I clenched my jaw. I know that. Mayaman ang pamilya ni Joey at mayaman din ang pamilya ni Drake at ang pamilyang yon ay pareho akong hindi gusto para kay Joey. Alam kong kahit anong gawin ko, kapag pinili ko si Joey ay maaaring hindi nila ako tigilan.

Baka gawin pa rin nila ang lahat para lang makuha sa akin si Joey…

Hindi na ako sumagot at lumabas na ng office niya. Pagkabukas ko ng pinto ay agad akong napalunok dahil sa nakitang tao na nasa labas.

Nakahawak si Kraij at Drake sa mga kamay ni Joey at tila pinipigilan siyang pumasok. Pinagtitinginnan na silang lahat ng mga staffs dito. Nakita ko rin si Reid at Charles na magkatabi at nakatingin na din sa akin. Aidriel is just staring at me while crossing her arms.

“Baby…” Joey called. Akma siyang lalapit sa akin pero pinigilan siya ulit ni Drake.

“Krayjel, stop!” Hindi ko maiwasang mapatingin sa braso ni Joey na hawak hawak ni Drake. I alnost furrowed my brows and glared at Drake but I stop myself.

“Damn it, Drake, get your hands off of me! This is all your fault so don’t even try!” Joey hissed at Drake. Napakunot naman ang noo ni Drake at agad na bumitiw kay Joey. I saw him avert his eyes on me and let out a glare.

Damn him, as if I’m scared. Kung hindi lang nakasalalay ang scholarship ko dito ay matagal ko na siyang pinadala sa ospital.

“Baby, what does the dean said?” Lumapit sa akin si Joey pero sa hindi malamang dahilan ay napaatras ako. Napaatras ako pero sa loob loob ko ay gustong gusto ko na siyang yakalin ng mahigpit.

When Will You Notice Me? (When Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon