Reply
My body automatically freezed when I heard what she said. Ano? What did she say? Tama ba yung narinig ko?
“C-come again, Joey?” magkadikit pa rin ang aming mga ilong at sobrang lapit pa rin ng kanyang mukha sa akin. Hindi ko tuloy alam kung ano ang dahilan kung bat ako napapatigil ngayon. Kung yung sagot ba niya o itong pagkakalapit namin ng sobra.
Ngumiti ulit siya ng matamis sa akin, “I said of course.”
Marahan akong suminghap. Fuck. It’s true that she said yes right? It’s true that I’m now officially courting her. I’m not dreaming right? This is real. She is real.
“I’m not dreaming right?” hindi ko namalayang nasabi ko yun ng malakas. She giggled and wrapped her arms on my neck.
“No, you’re not, Iryl.” sagot pa niya.
Oh shit, I really am not dreaming. Oh God, so that means she really said yes?
Unti-unting nag sink in sa aking utak ang sinabi niya kanina. Ang kaninang puso ko na tumigil yata dahil sa sagot niya ay muling tumibok ng sobrang bilis. Ang kaninang naguguluhan kong mukha ay unti-unting naging gulat.
My eyes slowly widened. Napakurap kurap ako saglit at tumingin sa kanya. Umawang ang aking labi. She’s just looking at me with amusement in her eyes.
“Oh fuck, you said yes!” halos naisigaw ko ito. Niyakap ko siya ng mahigpit at agad din naman siyang yumakap pabalik. Hindi ko napigilang ngumiti ng malawak.
“Yes, Iryl. I said yes. Of course you can court me,” humalakhak pa siya sa aking tainga na lalong nagpalawak ng ngiti ko. Her laugh sounds music to my ears. Pakiramdam ko ay mapupunit na ang aking mga labi dahil sa laki ng aking ngiti.
But I can’t help it. I’m really happy right now. This is the best day of my life!
“Thank you, Joey.” bulong ko naman. My heart is so full right now. Parang gusto nitong sumabog sa sobrang saya.
“For what?”
“For saying yes. For giving me a chance and just for simply being here.” hindi ko sinadya pero bigla na lang naging malambing ang boses ko nang sabihin ang mga katagang yun.
“I should’ve been the one who’s been thanking you, Iryl.” She muttered. Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya. What does she mean?
“Anong ibig mong sabihin?”
“Secret.” Maikli niyang sagot. Magsasalita na sana ako nang bumitaw na siya sa pagkakayakap sa akin. Nginisihan niya ako at kumindat. Napangiti naman ako dahil ang ganda ganda talaga niya. Ang swerte ko.
“Let’s go back to our rooms now,” Nawala ang ngiti ko nang maalala na may mga klase pa pala kami at baka ma-late pa kaming dalawa. I mean, okay lang naman sa akin kung ma-late ako pero kasi ay baka mapagalitan siya at isa pa, baka magalit din si Kraij.
“Okay.” Saad ko at tumayo na. She grinned at me and intertwined our hands. I almost gasped at the contact. Damn.
Nakita ko ang malaking building nila dahil mauuna naming madadaanan ito kesa sa building ng mga STEM students. Ngumuso ako dahil wala pa nga ay nararamdaman ko na agad ang pagka-miss sa kanya. Crap, you surely got it bad, Praize.
Pagkarating namin sa harapan ng building ng mga ABM students ay tumigil na kami sa paglalakad. Sabi niya kanina ay huwag ko na raw siyang ihatid hanggang room nila dahil aksaya lang sa oras at baka ma-late na talaga ako. Lumingon siya sa akin at nakita ko rin ang bakas ng lungkot sa kanyang mga mata. So I’m not the only one who’s feeling that way, huh?
BINABASA MO ANG
When Will You Notice Me? (When Series #1)
RomanceGive me at least a glance... so I can wait a little longer.