Why
Nag magandang umaga ako nang buksan ng guard ng school ang malaking gate. Bumati rin naman ito sa akin at ngumiti. Nakita kong napasulyap siya at napakunot ng noo nang makita na may sakay ako sa likod.
Hindi ko alam kung ba’t siya napakunot ng noo, kung dahil ba nagtataka siya kung bakit ako may sakay sa likod at hindi siya sanay o dahil nakita niyang si Joey ang nasa likod.
Hindi na ako nagsalita at tinuon na lang ang mga mata sa daanan. Agad ko namang naramdaman ang pagsulyap at pagtitig ng mga ibang estudyante na nakikita kami. Pero kahit na ayokong pansinin ang mga tao sa paligid ay hindi ko mapigilan ang sarili ko. Paano ba naman, kulang na lang ay lumapit sila at magtanong kung bakit magkasama kami ni Joey at bakit nakasakay siya sa likod ng bike ko.
Parang papatayin kami sa mga titig ng mga ‘to. Wala ba silang mga sariling gawain at kami ang tinititigan? Though hindi ko naman sila masisisi talaga. Magtataka ka nga naman talaga kung bakit kasama ng isang STEM student lang ang isang Joey Vermont diba?
Pinadiretsyo ko ang aking bike sa malawak na parking lot ng school. Samut saring mga magagarang sasakyan agad ang mga namataan ko. Nung unang bili at dala ko ng bike ko dito noong mga third quarter noong grade 10 pa lang ako ay siguradong kung hindi lang talaga ako nakakita ng ibang nagba-bike ay baka nahiya na akong i-park ‘tong bike ko.
Ni-park ko ito sa mga may ilang naka-park na bike. Pagkahinto ng bike ay lumingon ako kay Joey. Ngumuso ako nang nakita siyang bahagyang gulo-gulo ang buhok, dala siguro ng hangin, pero kahit na ganun, gandang ganda pa rin ako sa kanya.
“Baba na, Joey.” Marahan siyang tumango at bumitaw na mula sa pagkakakapit sa aking bewang. Pinagmasdan ko siyang bumaba at nang makitang nakababa na siya ng maayos ay bumaba na rin ako.
Ni-lock ko ang bike gamit ang aking cable lock. U-lock sana ang aking bibilhin because it has better security but then I remembered that Ventell University has already have a high security. Walang basta-bastang makakapasok dito. At isa pa, bakit naman nila kukuhanin o nanakawin ang isang hamak na bike diba? Mas maraming magagarang kotse diyan sa tabi kesa sa isang bike.
Pagkatapos kong i-check kung maayos ang pagkaka-lock nito ay humarap na akong muli kay Joey. Naabutan ko siyang nakatingin sa akin. Ngumiti naman siya agad noong humarap ako.
“Let’s go?” tanong niya. Tumango naman ako. Nilahad ko ang aking kamay at tiningnan niya naman yun. Ngumuso siya sandali at ngumiti ulit bago ipinagsalikop ang aming mga kamay.
“Give me your bag. Ako na ang magdadala.” saad ko. She furrowed her brows and shook her head.
“No, I can manage, Iryl.” Iling niya pa ulit. Ngumisi lang ako at hinablot pa rin sa kanyang kaliwang kamay ang kanyang bag. Alam ko namang kaya niya, gusto kong ako lang talaga ang magdala.
Habang naglalakad kami palabas ng parking lot ay nararamdaman ko na naman ang mga titig ng iba. Sinusulyapan ko sila dahil naiirita ako pero kapag napapansin nilang nakatingin ako ay agad naman silang umiiwas ng tingin.
Napatiim lang ako ng bagang at lumingon ulit kay Joey. She seems oblivious from the stares of other people. Tahimik lang siya at diretsyo ang tingin pero paminsan minsan naman ay tumitingin sa akin sabay ngingiti. Parang walang pakialam sa ibang tao.
“Gusto mo bang ihatid kita sa room niyo?” nakataas ang mga kilay kong tanong. Pinigilan ko naman ang ngiti nang lumingon siya sa akin ng malawak ang ngiti at tila kumikinang ang mga mata. Alam kong sampung minuto na lang ang meron kami pero ihahatid ko lang naman siya tapos ay pupunta na sa room.
“Really?” she excitedly asked.
Simple lang akong tumango at muling itinaas ang aking mga kilay para iparating na naghihintay ako sa ng sagot niya. I furrowed my brows when her smile wears off.
BINABASA MO ANG
When Will You Notice Me? (When Series #1)
RomanceGive me at least a glance... so I can wait a little longer.