Doomed
Tahimik kong ni-park ang aking bike at ni-lock ito. Hindi na ako nag-abalang tanggalin ang suot kong headphone dahil hindi naman bawal ito dito.
Nakasabit sa aking braso ang aking backpack at hinayaan lang na nakalaylay ang isa pang strap nito. Naramdaman ko ang pagtingin ng ibang mga estudyante sa akin sa hallway. Kumunot ang noo ko pero hindi sila pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad papuntang room.
Why are they staring at me?
Pagkarating sa room ay may ilan na akong mga kaklase na nandoon. Isa na doon ang class president namin na si Blaiz. Sinulyapan ko lang siya at naabutan ko siyang nakatingin sa akin.
My brows furrowed once again. Bakit ba ang hilig ng mga taong tumingin sa akin these past few days?
Tumango siya sa akin para bumati. Nagdire-diretsyo lang ako sa aking upuan at agad na sumalampak dito. I know it's kinda rude to ignore him, but I'm really not on the mood right now.
Wala pa sila Reid at Charles kaya wala akong kausap. Lagi naman kasing late ang dalawang iyon, kung hindi naman late ay muntik lang na ma-late. Mostly, si Reid at ang kabagalan niya kumilos ang dahilan.
I looked up to the white ceiling of our room.
At muling nag-flashback sa aking isipan ang mga nangyari kagabi na ayaw kong alalahanin ngayon. Halos hindi ako nun pinatulog kagabi, himalang hindi ako late nagising ngayon.
I don't want to remember Joey's cold stares and her poker-faced staring at me. I don't want to remember her smile towards Karl. I don't want to remember Karl going with them inside the car.
And I don't want to remember Joey saying that she doesn't like the kiss that we had.
I clenched my jaw and shut my eyes tightly. Damn it. Paanong hindi niya nagustuhan? Did I messed up because it was my first time? Maybe.
But she fucking smiled at me when our lips parted! She smiled at me like it's the best kiss she'd ever had. Or maybe it's just me thinking that?
Siguro ay masyado ko lang nagustuhan ang halik na 'yon kaya akala ko ay nagustuhan niya rin? Gustong gusto ko kaya akala ko gusto niya rin but the truth is she doesn't.
I tried my very best to not text or chat her. Sobrang pagpipigil ang ginawa ko na 'wag siyang i-message para tanungin kung totoo ba na hindi nagustuhan ang nangyari. Na baka nasabi niya lang yun kasi galit siya sa akin.
But then I remembered what Kraij said to me. Na hayaan ko munang kumalma si Joey dahil galit pa siya. Na hayaan ko muna siya. Na maghintay muna ako.
Or maybe... hindi lang talaga yun ang dahilan kung bakit hindi ko ni-message si Joey. Siguro kasi sa isang banda, takot din talaga ako sa magiging sagot niya. Takot ako na baka sabihin niyang hindi niya lang yun nasabi dahil galit siya, kundi dahil hindi niya talaga ito nagustuhan.
And I messed up big time. I know it. Wala pang tatlong araw na nanliligaw ako sa kanya ay ito agad ang ginawa ko. I made her angry... and disappointed. Paano kapag ni-message ko siya at bigla niyang sabihin na tumigil na lang ako? Paano kung patigilin niya ako?
Could I take it? Makakaya ko ba yun ngayon? Makakaya ko ba na mawala ang tyansang mapasaakin siya dahil kasalanan ko? Na mawala siya, na matagal ko nang gusto? At pinapangarap? Matatanggap ko ba?
Crap, I think I'm going too far with what I'm thinking. Nago-overthink ako and I hate it.
Nasaan na ba kasi sila Reid? Kausapin nila ako para hindi ako maging kabado dito at mabaliw sa kakaisip. Aish, kapag gusto ko ng kausap ay wala sila. Pag ayaw ko naman, saka naman sila daldal ng daldal.
BINABASA MO ANG
When Will You Notice Me? (When Series #1)
RomanceGive me at least a glance... so I can wait a little longer.